Chapter 33: He Changed

200 25 1
                                    

CHAPTER 33: He Changed

(Continuation of Jerome's P.O.V.)

"DRA MENDEZ, kamusta ang anak ko?" tanong ni Tito Laurence sa personal doctor ni Hazelyn na tumingin sa kanya ng pumasok ito sa private room ni Hazelyn.

"Ms Candelaria is now stable. Napigilan na rin namin ang pagkalat ng drugs na itinurok sa kanya. Nagsagawa rin kami ng ilang test sa kanya lalo na ang drug test para malaman kung ano ang itinurok sa kanya." sabi ng doctor.

"What is the result of her drug test?"

"We found two substances of drugs in her system. Iyong una ay drug na pahihinain ang tibok ng puso niya na kumalat na sa katawan niya dahil mukhang kanina pa naiturok ang drugs na iyon kaya nagkaroon ng abnormalities sa heart beat niya. Mayroong oras na mahina ang pulse niya at minsan naman ay normal. That's why she needs to take her medication na irereseta ko sa kanya para bumalik sa normal ang heart beat niya. The second is a dangerous one, unti-unti nitong pahihintuin ang pagtibok ng puso niya. Mukhang gusto yata nilang patayin si Ms. Candelaria dahil mabilis ang epekto ng dalawang drugs na itinurok sa kanya." mahabang sabi ni Doc Melendez na ikinamura ni Tito Laurence.

What the hell? Papatayin nila si Hazelyn?

"Don't worry, Mr Candelaria, naagapan naman namin iyon agad at buti na lang ay naidala niyo siya agad dito bago pa tuluyang kumalat ang drug sa katawan niya papunta sa puso. Gaya nga ng sabi ko kanina, kailangan lang inumin ni Ms Candelaria ang irereseta ko para bumalik sa normal ang heart beat niya."

"Thank you, Doc." pasalamat ni Tita Chrizel sa doctor. Lalabas na sana ang doctor ng may biglang nagsalita.

"Mom."

Napalingon kami kay Hazelyn nang marinig namin ang biglang pagtawag niya sa mommy niya. Nakapikit pa ang talukap ng mga mata bago unti-unti niyang minulat kinalaunan na agad bumungad ang magaganda niyang mata na kulay asul.

"Anak, kumusta ang pakiramdam?" tanong ni Tita Chrizel habang nililibot ng tingin ng asul niyang mga mata ang buong paligid. Hindi sumagot si Hazelyn kaya nilapitan siya ng doctor para check-up-in.

*****

HAZELYN'S P.O.V

After akong check-up-in ng doctor ko ay muli kong nilibot ng tingin sa buong kwarto kung nasaan ako. Hanggang sa huminto ang mata ko at nagtagpo ang tingin naming dalawa. Naputol lang ang titigan naming dalawa ng magsalita si Mom.

"Pinag-alala mo kami, anak." sabi ni Mom nang napatingin ako sa kanya at bakas sa mukha niya na nag-alala nga siya, namumula ang itim niyang mga mata na halayang kagagaling lang sa pag-iyak. May pinindot siya sa gilid ng kama para automatikong umangat ang uluhan ng kama hanggang sa parang nakaupo na ako habang nakasandal sa kama.

"Sorry, Mom." paumanhin ko.

"You don't need to say sorry, anak. Wala kang kasalanan, ang babaeng iyon na naman ang dahilan kung bakit muntik ka na namang mapahamak. I'll call Chief Gonzales para hulihin ang babaeng iyon." sabi ni Dad na nasa likod ni Mom at nakita ko ang pagngitngit ng panga niya na halatang galit na naman.

"Sinong babae? Si Tiffany?" nakakunot ang noong tanong ko.

"Oo, si Tiffany. Siya ulit ang nagturok sayo ng drugs bago ka makasakay sa kotse niyo." singit ni Jerome.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon