Chapter 31: Passcode

197 17 3
                                    

CHAPTER 31: Passcode

JEROME'S P.O.V

KANINA ko pa hinihintay na punta dito si Hazelyn, pero wala pa rin siya. Lalo na akong kinakabahan, hindi ko alam kung bakit ko nakakaramdam ako ng ganito? Parang hindi maganda ang lagay niya. Arghh! Hindi ko maintindihan.

"Students please kindly find Miss President. Thank you," sabi ko muli sa intercom.

"Kumalma ka nga, Jerome. Para kang ewan na hindi mapakali dyan," sabi ni Kath pero hindi ko siya pinansin.

Napalingon ako sa lamesa ni Hazelyn at lumapit doon. Napatingin ako sa laptop, may naalala ako bigla. Umupo ako sa upuan ni Hazelyn at binuksan ang laptop niya.

May mga CCTV na nakakalat sa buong campus. Maliban sa nagbabantay sa control room at kay Mr. Alonzo ay si Hazelyn lang ang may kakayahan magmonitor at humawak sa CCTV sa aming Student Council, minsan ay nakaconnect iyon sa TV dito kaya nakikita din namin ni Kath ang nangyayari sa buong campus.

Pagbukas ko ng laptop ni Hazelyn ay kailangan mag-enter ng password para bumukas. Tinry ko ang contact number niya pero hindi bumukas.

"Hoy, Jerome! Ano 'yong pinapakialaman mo diyan? Baka may mga files ka ng university na mabura diyan, ikaw ang malalagot," sabi ni Kath pero hindi ko ulit siya pinansin at patuloy pa rin ako sa pagta-type ng password, sinubukan ko ang birthday ni Hazelyn pero ayaw talaga.

"Walang mabuburang files dito. Marunong akong mangalikot nito. Buksan mo na lang 'yong TV, Ikoconnect ko para makita mo kung ano 'yong kinakalikot ko," sabi ko kay Kath na sinunod niya naman agad. "Kath, ano sa tingin mo ang password ni Hazelyn? Hindi ko mabuksan. Sinubukan ko 'yong number at birthday niya, ayaw pa rin mabuksan," tanong ko. Nag-isip naman siya.

"Try mo kaya ang birthday mo," suhestiyon niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit birthday ko ang magiging password ni Hazelyn?" nakakunot ang noong tanong ko.

"Basta i-try mo na lang," sabi ni Kath.

Sinunod ko ang sinabi niya at t-in-ry ko ang birthday ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang laptop ni Hazelyn nang in-enter ko ang birthday ko. Kinalikot ko na iyon hanggang sa makita ko ang mga kuha ng CCTV kanina. Tumayo ako dala ang laptop at kinonect sa TV.

Biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok sina PJ, Amber, Paul, Sav, Mia, at Clarence. Hingal na hingal pa sila.

Pagkatapos kong i-connect sa TV ang laptop ay pinundot ko ang play button ng CCTV footage noong oras na papunta na dito si Hazelyn. Nagsilapitan ang mga dumating at nakinood. Nakita naming lahat na dadaan niya lang sina Tiffany ng bigla siyang pigilan nito. Hindi namin narinig ang mga pinag-uusapan nila dahil malayo sila sa camera. Ilang minuto lang ay biglang pinaikot ni Hazelyn ang kamay ng isa sa mga kasama ni Tiffany at isinandal ito sa pader. Nakita namin ang biglang paghampas ng isa pang kasama ni Tiffany kay Hazelyn sa likod malapit sa bayok dahilan para mabitawan ni Hazel ang babaeng nakasandal sa pader. Hahawakan na sana ni Hazelyn ang babaeng humampas sa kanya ng hampasin siya ni Tiffany na dahilan para mapalayo siya tatlong dahil sa lakas ng pagkakahampas. Nakita naming pinagtulungan nilang tatlo si Hazelyn kung saan man sila pupunta. Nagpupumiglas pa si Hazelyn.

"T*ng*na talaga 'yang si Tiffany. Wala na yatang siyang magawa sa buhay niya." galit na sabi ni Kath.

Hinanap ko 'yong iba pang video kung saan sila pumunta. Kuha na 'yon ng CCTV footage papunta sa storage room at doon sila pumasok. After twenty minutes ay lumabas si Tiffany kasama ang dalawang kasama niya na tumatawa at kinandado ang pinto ng storage room.

Wait... Tatlo lang silang lumabas at hindi kasama si Hazelyn. Napatayo ako at tumingin sa kanilang lahat.

"Nasa storage room si Hazelyn," sabi ko at dali-daling lumabas ng office at patakbong pumunta sa storage room. Nagsisitabihan naman agad lahat ng estudyanteng madadaan ko kaya agad din akong nakarating sa storage room.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon