CHAPTER 7: Friends to Lovers?
"HI, Ate Andrea!" bati ko sa secretary ni Tito Benjamin ng makarating kami ni PJ sa tapat ng table niya. Napaangat ng tingin si Ate Andrea sa akin.
"Oh, Miss Candelaria, nag-skip ka ng class mo?" gulat na tanong ni Ate Andrea sa akin. Hindi ko naman kasi ugaling mag-skip ng class maliban na lang kung emergency.
"Minsan lang naman, Ate Andrea. Isang subject lang naman" sagot ko na ikinatango niya.
"Sabihin mo lang sa akin kung hanggang kailan ako tatayo dito sa likuran mo, Freedom." may bahid ng pagkainip na sabi ni PJ na nasa likod at naramdaman ko ang paglagay ng sumbrero niya sa ulo ko. Napalingon ako sa kanya na wala ng suot na face mask at masama siyang tinignan.
"Pwede ba? Huwag kang masyadong atat dahil kapag ako nabweset sa'yo, hindi kita tutulungan." inis kong sabi sa kanya bago ibinalik ang tingin kay Ate Andrea na nakangisi habang nakatingin sa taong nasa likod ko.
"Sino iyang lalaking kasama mo? Boyfriend mo?" nakangising sabi ni Ate Andrea.
"Uy! Hindi, ah! Iyang nakakabweset na lalaking iyan magiging boyfriend ko, never! Never in my entire life na hihilinging maging nobyo ang lalaking iyan na playboy!" todo iling na sabi ko na ikinatawa ni PJ at ni Ate Andrea.
"HAHAHA! As if naman na gusto kitang maging girlfriend." natatawang sabi ni PJ.
"Kung si Mr Alonzo ang hanap mo, nandiyan siya sa loob ng opisina niya." sabi ni Ate Andrea nang mahimasmasan ito sa pagkakatawa.
"Okay. Salamat." sabi ko bago lumapit sa pinto ni Tito Benjamin. Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob at pumasok kami ni PJ.
"Good afternoon, Tito Benjamin." nakangiting saad ko at napahinto ang paglapit ko kay Tito Benjamin ng mapalingon ang lalaking kausap niya kanina.
Parang nagslow motion ang paligid at ang tanging nakikita ko lang ay ang seryosong mukha ng lalaki kasabay ng unti-unting pagwawala ng puso ko ng salubungin ng kulay abong mga mata ng lalaki ang tingin ko. Oh my gosh! Bakit ba ang gwapo niya kahit palaging nagsasalubong ang kilay niya?
"Ano tatayo lang tayo dito, Freedom?" sarkastikong tanong ni PJ at napauwang ang bibig ko ng mabigat ang braso niyang ibinagsak sa balikat ko para umakbay.
"D*mn you, Paris! Ang bigat ng braso mo!" reklamo ko bago tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin na ikinatawa niya kaya sinamaan ko soya ng tingin. "Tss! Ayoko na! Bahala ka diyan!" inis kong sabi at mabilis na tumalikod. Akmang maglalakad palapit sa pinto ng opisina ng mabilis na hinawakan ni PJ ang braso ko para pigilan na ikinangisi ko.
"Aisst! Ang bilis magbago ng mood mo, ha! Meron ka ba ngayon, Freedom?" nakangising sabi niya kaya nahampas ko siya sa braso niya.
"Tarantado!" inis kong sabi sa kanya na ikinatawa niya lang.
"Kayong dalawa, anong ginagawa ninyo dito? Kung maghaharutan kayo dito sa opisina ko, pwede na kayong umalis." malamig ang tonong sabi ni Tito Benjamin na ikinatigil ko sa paghampas kay PJ at ikinatigil naman ni PJ sa pagtawa. "Ikaw, Hazelyn, bakit nag-skip ka ng class mo?" baling ni Tito Benjamin sa akin. Lumapit ako sa kanya at bumeso.
Nanatili ako sa tabi ni Tito Benjamin dahil ayokong umupo sa upuang nasa tapat ng lamesa ni Tito Benjamin kung nasaan si Jerome dahil naiilang ako kapag nasa malapit siya. Si PJ naman ay umupo sa upuang katapat ni Jerome
"Iyang lalaking iyan ang may kasalanan, Tito. Nangungulit siya sa akin na makipagkita sa kanya kanina at magkipagkwentuhan dahil kakauwi lang niya dito sa bansa kagabi tapos hindi namin napansin ang oras kaya hindi na ako nakaattend sa isang subject ko. Dapat pala hindi na umuwi ang lalaking iyan dito dahil nakakabweset." sabi ko kay Tito Benjamin habang masamang nakatingin kay PJ ng tumawa ito.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...