Chapter 15: Focus

260 84 4
                                    

CHAPTER 15: Focus

THIRD PERSON'S P.O.V.

"ANONG ginagawa ng pamangkin mo, Dean? Pinapahiya niya ang representative ng AUC na ipinalit mo sa kanya." sabi ng lalaking Vice President ng Alonzo University of College na kasama ni Benjamin Alonzo na Dean at may-ari ng nasabing Unibersidad.

"Hindi pamamahiya ang ginagawa ni Hazelyn, iyan ang way niya para mawala ang distraction ng representative natin sa nakukuha niyang score. Kanina ko pa napapansin na distracted ang representative natin sa bawat mababang score na nakukuha niya. Halatang hindi nanood o walang alam sa mga target shooting tournament. Ang isang manlalaro sa mga ganitong kompetisyon ay dapat nasa goal o sentro ng target board ang buong atensyon at doon lang dapat nakafocus para manalo." sabi ni Benjamin sa bise presidente ng AUC na kasama niya para manood at ipakita ang supporta sa representative na pinalit niya sa pamangkin na si Hazelyn na siyang dapat lalaban sa kompetisyong iyon kaso may hindi inaasahang pangyayari kaya hindi ito ang nasa field.

"Paano mo nasabi?" nakakunot ang noong sabi ng lalaki.

"Nandoon ako noong unang laro ni Hazelyn, highschool pa lang siya noon, second year high school to be exact. Isinali siya ng Dadilo niya sa isang school district Archery Tournament bago siya nag-World Championship. Same scenario sa nangyari noon. Nadistract din si Hazelyn nang makakuha siya ng mataas na score sa umpisa ng laro pero dumating iyong time nang makuha siya ng mababang score ng ilang beses. Sa bawat pagpilit niyang makakuha ng mataas na score ay kabaliktaran ng nakukuha niya. Dahil sa isang kilalang magaling na Archer si Mr Lorenzo Candelaria noong kapanahunan niya, isang malaking kahihiyan sa kanya ang mga nakuhang score ng apo niya kaya pinahiya niya ito sa harap ng maraming tao; sa harap ng judge, ng mga manonood at ng mga kalaban ng apo niya." kwento ni Benjamin sa kasama niyang lalaki bago siya napatingin sa pamangkin na nakatayo pa rin at malayo sa pwesto nila.

Nasa harapan kasi si Benjamin at ang kasama nitong bise presidente ng AUC, ang pwesto naman kung nasaan nakaupo o nakatayo si Hazel ay nasa limang row ng pahagdan na upuan ang layo mula sa harapan.

"Pero si Hazelyn, hindi siya umiiyak o kahit ang magreact sa ginawang pamamahiya ng lolo niya ay wala lang sa kanya, blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya habang nakating sa lolo niya na parang inaalisa ang mga sinabi nito. Nang muling magsimula ang laro, gulat ang lahat at maski ako ay nagulat ng mataas na ang score ang nakuha niya. Nanalo siya ng hindi tumitingin o sumulyap kahit saglit sa scoreboard dahil ang tingin at focus niya ay nasa target niya lang." nakangiting sabi ni Benjamin.

Napatingin ang bise presidente sa representative ng AUC bago napatingin sa scoreboard dahil sa totoo lang ay kaunti lang naman ang lamang na puntos ng kalaban na nangunguna sa scoreboard sa puntos ng representative nila.

"Kung hindi lang nabaril si Hazelyn last week, siguro na ang pagkapanalo ng AUC, siya dapat ang nasa loob ng field at hindi ang lalaking iyan na halatang walang alam sa kompetisyong sinalihan niya. Pero kailangan niyang manalo para mas makilala ang AUC sa bansa." sabi ng bise presidente sa isip niya habang nakatingin sa scoreboard.

Gusto niya o kahit sinong opisyales ng AUC na manalo sila at mabigyan ng karangalan ang unibersidad na hinahawakan niya sa larangan ng Archery sa unang pagkakataon kung sakali. Ito ang pang-limang beses na pagsali ng Alonzo University of College sa Archery Tournament simula ng maitatag ito limang taon na rin ang nakakaraan. Bago pa lang at hindi pa masyadong kilala kaya ang manalo sa isang malaking kompetisyon ang daan para mas makilala ang AUC. Ang Archery Tournament ang nakikita ng mga opisyales na magbibigay ng karangalan na iyang sa paaralan ng doon mag-aral ng kolehiyo ang apo ni Lorenzo Candelaria na isang magaling na Archer ng bansa na si Hazelyn Saoirse Candelaria, na nakilala bilang batang Archeress ng bansa dahil sa pagkapanalo nito sa World Archery Championship sa murang edad.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon