CHAPTER 22: Secret Paradise
NAKANGITING tinignan ko ang target board nang muling tumama ang palasong pinakawalan ko sa pinakagitna nito. Kumuha ulit ako ng bagong palaso at nilagay sa arrow rest, hinatak ko ang string ng pana at itinutok iyon sa target board, habang nag-aasinta ay bigla ko lang nabitawan ang string nang may tumakip sa mga mata ko.
Inis kong tinanggal ang kamay na nakatakip sa mata ko at agad na napatingin sa target board. Naikuyom ko ang palad ko at nahawakan ng mahigpit ang kamay kong may hawak na pana nang makita kung saan tumama ang palasong pinakawalan ko. Sa kulay na may pinakamababang puntos. Sa puti na may puntos na isa. D*mn! Sa ilang taong training at pagsali sa mga tournament noong highschool sa Archery, ngayon lang ako nakakuha ng pinakamababang puntos sa totoo lang.
"Hindi ako nagkamali, nandito ka nga." rinig kong sabi ng lalaking tumakip sa mata ko. Base pa lang sa boses ng lalaki ay kilala ko na kung sino.
Kumuha ako ng panibagong palaso at nilagay sa pana ko bago ako humarap sa lalaking nasa likod ko at itinutok sa kanya ang panang may palasong may talim sa dula na ikinanlaki ng mga mata niya at ng mga kasama niya. Naitaas niya ang dalawang kamay na parang inaaresto.
"Panira ka talaga kahit kailan, Paris! Sa loob ng ilang taon ko sa pagti-training at pagsali sa mga tournament ng Archery, ngayon lang ako nakakuha ng isang puntos, ang pinakamababang score sa target board!" inis kong singhal kay PJ na natawa habang nakataas ang kamay.
"Kalma. Sorry na. Ang seryoso mo kasi, hindi mo naramdaman na nakapasok na kaming lahat dito sa napakaganda mong lungga." nakangising sabi ni PJ habang nakataas pa rin ang dalawang kamay.
"Arghh! Kainis! Gusto ko ng tahimik na lugar na walang manggugulo at iistorbo sa akin pero ako ang nilalapitan ng mga nanggugulo." inis kong sabi bago muling humarap sa target board at agad na pinalipad ang palasong nasa pana ko at tumama iyon sa pulang kulay ng target board.
Nilapag ko ang panang gamit ko sa lamesa bago hinarap ang mga kaibigan ko. Kompleto ang mga kaibigan ko at kasama rin nila si Jerome na nasa pinakalikod at si Aaliyah na parehong nililibot ng kanilang tingin sa buong lugar. Alas-dos palang ng hapon, maaga ang dismissal namin ngayong araw dahil may meeting lahat ng school officials at professor.
"Bakit kayo nandito?" napaseryosong tanong ko.
"Para manggulo." nakangising sabi ni Clarence habang nakaakbay kay Savina na hindi makatingin sa akin na ikinangisi ko bago inikutan sila ng mga mata
"Tss! Doon tayo sa loob." aya ko bago naunang naglakad patungo sa bahay ko na nandito sa loob ng Secret Paradise.
Secret Paradise ang pangalan ng lugar kung nasaan kami. Ako ang nagbigay ng pangalan na iyon dahil sa buong boundary nitong lugar ay napapalibutan ng matataas na pader at sa loob niyon ay ang hindi mo inaasahang paraiso. Isang tagong paraiso sa likod ng nagtataasang pader. Maraming iba't-ibang uri ng bulaklak ang makikita sa paligid ang nakatanim dito at may ilang matatayog na puno mas nagpaganda sa ambiance ng lugar. May makikita ka ring malaking modern glass house.
"Wow! Ang ganda dito. Paraiso. Ang bango rin ng simoy ng hangin dahil sa iba't-ibang uri ng bulaklak sa paligid. My gosh! Cous, bakit hindi mo sinabi na may ganito ka kagandang lungga?!" manghang sabi ni Aaliyah.
"Under renovation ito these past years. Pinalakihan ang bahay as my request to Dad, then nagdagdag ng ilang mga halaman lalo na ang iba't-ibang uri ng bulaklak para mas gumanda pa ito. You can ask PJ and Clarence kung ganito ang itsura nito dati. Malaki ang pinagbago nito kaysa dati." nakangiting sabi ko.
"Kaya pala naninibago ako. Laki ng improvement ng lugar. Bagay sa pangalan nito na Secret Paradise." rinig kong sabi ni PJ.
Nang makarating sa harap ng bahay ay binuksan ko ang pinto at pumasok. Sumalubong ang malaking sala ng bahay kung saan nakadisplay ang mga litrato ng mga kaibigan ko na sinadya ko dahil gusto kong maging hideout namin ang lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...