CHAPTER 46: Mission
"MAGLULUTO KA?" tanong ni Jerome nang mahsuot ako ng apron. Nakangiting tumango ako sa kanya.
"Yes." sabi ko habang inaayos niya ang pinamili naming gulay at meat kanina sa supermarket sa refrigerator niya. Lumapit ako sa kanya para kumuha ng sahog sa lulutuin.
"Marunong kang magluto?" tanong niya na ikinatawa ko dahil bakas sa mukha niya na ang hindi makapaniwala na magluluto ako.
"Yes, tunuruan ako ni Mom." sabi ko bago kumuha ng mga sangkap sa lulutuin ko.
"Oh!" reaksyon niya na may pagmamangha sa mukha. Para bang ang hirap paniwalaan na may alam ako sa pagluluto.
Alas-syete na at kakarating lang namin dito sa mansion niya. After kasi namin sa hospital ay nag-grocery muna kami ng stocks na kakailanganin namin bago kami pumunta sa mansion para kunin ang mga gamit ko na madalas kong gamitin na nasa limang luggage rin. Gusto pa nga ni Mom na doon na kami mag-dinner pero naisip ko na magluto na lang dito para alam niyo na, iyong kasabihan na...
The way to a man's heart is through his stomach.
"Bakit? Anong akala mo sa akin, hindi marunong magluto?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya habang binabalatan at hinihiwa ko ang mga sangkap ng lulutuin ko.
"Hindi naman, hindi lang ako makaniwalang marunong kang magluto. Ang akala ko kasi, ang mga babaeng katulad mo ay puro luho at kaartehan ang inaatupag sa buhay." sabi ni Jerome na ikinabato ko sa kanya ng balat ng gulay na natanggal ko.
"Hindi ako ganoon, alam mo iyan. Simple lang akong babae, walang kaartehan. I'm different from the others. I am me. I don't pretend to be like everyone else. I am who I am, not who you think I am. I am happy to be me. I may not be perfect, but I am honest, loyal, and loving." seryosong sabi ko habang ang atensyon ay nasa paghihiwa ng gulay.
"I know you're absolutely different from the others. Kaya nga nagustuhan kita. Nasa iyo na ang lahat ng katangian ng babaeng gusto ko maging asawa. Hindi maarte at hindi self-centered. Always proud and supportive, may respeto, understanding, may pangarap sa buhay at bonus na ang mabait, maganda, at matalino. At isa pa, wife material ka rin kasi. Marunong magluto, maalaga at maasikaso. At tingin ko, mahaba rin ang pasensya mo at magiging responsable kang asawa at ina sa mga magiging anak natin." pagpuri niya sa akin na ikinangiti ko lalo ng marinig ko sa kanya ang salitang 'anak natin'.
Ang sarap sa pandinig, nakakakiliti. Tapos sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko.
"Sus! Masyado mo akong pinupuri. Baka lumaki ang ulo ko. At isa pa, niloloko mo lang ako kasi alam mong iyan ang gusto ko marinig." sabi ko na ikinatawa niya.
"At isa pa iyan sa nagustuhan ko sayo, may sense of humor ka. Hindi ka boring kasama. Makulit ka kasi at pasaway." nagtatawang sabi ko na ikinasimangot ko habang nagsisimula na akong maggisa.
"Grabe ka!" nakasimangot na sabi ko na lalong ikinatawa niya.
"HAHA! Nagsasabi lang ako ng totoo. At isa pa, huwag ganyan ang mukha mo dahil baka pumangit ang lasa ng niluluto mo." natatawang sabi niya na hindi ko na lang pinansin dahil baka magkatotoo.
Masira pa ang diskarte ko para mahalin niya ako. Baka mapahiya ako sa kanya at akalahin niyang hindi ako marunong magluto at bawiin niya ang mga papuring sinabi niya sa akin.
"Since, nabanggit mo na ang tungkol sa anak. Ilan ang gusto mo maging anak?" tanong ko nang lumapit siya sa akin at sumandal sa island counter pagkatapos niyang isalansan ang pinamili namin.
"Hindi pa nga tayo kasal, tinatanong mo na kung ilan ang gusto kong anak." pambabara niya sa akin na ikinasama ko ng tingin sa kanya paglingon ko.
"Nagtatanong lang naman." nakasimangot na sabi ko bago muling ibinalik ang atensyon sa niluluto ko.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomansaHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...