Chapter 6: Nararamdaman

383 140 3
                                    

CHAPTER 6: Nararamdaman

WEEKS LATER...

ILANG LINGGO na simula ng malaman kong may relasyon si Jerome at Tiffany kaya simula rin ng araw na iyon ay iniwasan ko na si Jerome. Ayokong mas mapalapit ang loob ko sa kanya dahil ako ang masasaktan sa huli kung hindi ako gagawa ng paraan para mapigilan ang papausbong na nararamdaman ko para kay Jerome.

Alam ko ang nararamdaman ko kapag nandiyan si Jerome sa tabi o kapag malapit siya sa akin. Hindi ako ganoon kainosenti para hindi malaman na nagsisimula na akong magkagusto sa isang lalaki at darating sa punto na mamahalin ko siya pero ayokong pumasok sa isang relasyon na masasaktan ako. Alam kong kakambal ng pagmamahal ang masaktan pero ayoko no'n kaya ayokong sumugal sa pagmamahal. Kumbaga package ang love at pain-- buy one take one na laging magkasama. Pero ngayon ko lubos naintindihan ang mga salitang iyan.

Ang sakit pala kapag nasaktan ka ng dahil sa pag-ibig. Pero ang pinakamasakit ay ang masaktan ka ng taong mahal mo ng hindi niya alam. Paano niyang malalaman kung sasabihin mo pa nga lang ang nararamdaman mo, nakita mo ng may nagmamay-ari na sa puso niya.

Ayokong masaktan dahil kahit hindi pa ako pumapasok sa isang totoong relasyon ay alam ko kung paano masaktan ng dahil sa pagmamahal. Nakikita ko sa mga taong nakakasalamuha o nasa paligid ko kung paano sila nababaliw sa sakit na nararamdaman nila dulot ng pagmamahal. Pero alam ko rin na kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko, wala akong magagawa kapag puso na ang naghusga.

"Uy! Hazel, anong nangyari sa'yo? Kanina ka pa tulala diyan?" sabi ni Amber na ikinabalik ko sa reyalidad.

"May iniisip lang ako." sagot ko na ikinasimula ng panunukso nila sa akin maliban kay Kath na malalim rin yata ang iniisip.

"Sino iyan, ha?" biro ni Mia.

"Ano ba iyang pinagsasabi mo, Mia? Hindi ba pwedeng mag-isip sa mga bagay-bagay." napipikong sabi ko na ikinatawa nila.

"Grabe! Parang binibiro ka lang naman. Masyado kang seryoso sa buhay." sabi ni Mia na ikinaikot ng mga mata ko bago bumaling kay Kath.

"Kath." mahinang tawag ko bago siya tinapik sa balikat na ikinatingin niya sa akin. "Ang lalim ng iniisip mo. May problema ba? Sabihin mo lang sa akin baka makatulong ako."

Sa ilang linggo kong pag-iwas kay Jerome, napapansin ko ang pagiging malapit ni Jerome kay Kath. Paligi silang nag-uusap at nagtatawanan pa. Hindi ko na lang binigyan ng malisya iyon dahil kilala ko si Kath, madali siyang lapitan o kaibiganin pero pinipili niya rin ang kinakaibigan niya dahil sa pagsira ni Tiffany noon sa pagkakaibigan nila. At kaya siguro naging malapit ang dalawa ay dahil sa nalalapit na pag-upo namin bilang Student Council.

"Wala akong problema, Hazel. Iniisip ko lang kung bakit hindi niya ako tinatawagan o pinapadalhan ng message man lang. Ilang linggo na. Tapos ng kinokontak ko siya, nagriring naman pero ayaw niyang sagutin. Nababahala ako na baka may iba na siyang kinakasama na hindi naman malabo dahil babaero ang lalaking iyon." mahinang sabi ni Kath.

"Ano ka ba, Kath? Huwag kang mag-isip ng ganiyan, babaero iyon pero tumino iyon ng makilala ka at magkaroon kayo ng relasyon. Ngayon ka pa mababahala kung kailan tatlong taon niyo ng nalampasan ang hirap ng long distance relationship? Busy lang iyon."

"Ilang linggo na lang birthday ko na. Gusto ko siyang makasama sa pinaka-espesyal na araw na iyon na isang beses lang sasapit sa isang taon. Hindi lang iyon basta birthday ko lang, Hazel. Iyon rin ang araw na sinagot ko siya." malungkot na sabi ni Kath na ikinangiti ko ng lihim dahil alam ko ang bagay na iyon.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon