Chapter 56: Tunay na Minamahal

79 0 0
                                    

CHAPTER 56: Tunay na Minamahal

JEROME'S P.O.V.

KITA ko sa mga mata niya na naguguluhan siya sa sinasabi ko dahil alam kong nakita niya sa mga mata ko na hindi ako sigurado ng sinabi ko sa kaniya ang mga salitang iyon noong nakaraang araw.

"Jerome..." tawag niya sa akin.

"You heard me, Hazelyn. Ang sabi ko, I love you," seryosong abi ko.

"No, hindi mo ako mahal. Niloloko mo lang ako. Pinapaasa mo lang ako. I know, you love her. You love Kath ever since you broke up with Tiffany. Huwag mong sabihin iyan dahil lang sa iyan ang gusto kong marinig mula sa'yo." hindi naniniwalang sabi ni Hazelyn na may kasama pang pag-iling ng ulo.

"D*mn, Hazelyn! Ilang beses ko bang uulitin, ha? I love you, I love you, I love you, I love you, I love you," natatawang paulit-ulit na sabi ko. She smiled at me, pero nawala agad iyon. Then, kumunot ang noo niya.

"Pero noong sinabi mo ang mga katagang iyan sa akin sa SSC Office, parang hindi ka pa sigurado, nakita ko iyon sa mga mata mo. Narinig ko pang tinatawagan mo si Kath," malungkot na sabi ni Hazelyn.

"The reason I want to talk to Kath, alam kong mahal kita, pero I want to be sure. Gusto ko kapag sinabi kong mahal kita, wala na akong kahit konting pagdududa. That's why I want to talk to Kath," paliwanag ko.

"Why did you lie to me? Sabi mo, kausap mo ang friend mo," seryosong tanong niya.

"I'm not that stupid, Hazelyn. Alam kong magdududa ka at masasaktan kapag nalaman mong kausap ko si Kath. I just don't want you to get worried again. Hindi ko akalain na nasasaktan kita ng ganito," senseridad na sabi ko at hinawakan ko ang dalawang kamay niya. I know she can see the sincerity in my eyes. "Hazelyn, I'm attracted to you the first time I saw you. Pero, nakilala ko si Kath and I fell for her. Lagi mo na lang kasi akong binabara at lagi mo akong inaasar. So I treated you like a friend," dagdag ko na ikinailing niya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. Nakita ko ang pamumuo ng mga luha niya na ikinatiim-bagang ko.

"Narinig ko kayo ni Clarence na nag-uusap. Sabi mo, m-mahal mo pa rin si Kath. Huwag ka ng magsinungaling sa akin, Jerome. Naiintindihan ko naman, eh," umiiyak na sabi ni Hazelyn, then she covered her eyes with her hands.

I embrace her. Ayoko siyang makitang ganito. It also hurts me to see her crying like this. I don't want her to be hurt because of me again.

"Shhh... Don't cry. I'm sorry, kung nakinig ka talaga sa amin ni Clarence dapat alam mo ang huli kong sinabi. Alam kong nagtanong si Kath kay Clarence, pero wala namang sinabi si Clarence dahil iyon ang sinabi ko sa kanya," sabi ko.

"What do you mean?" Halata ng naguguluhan na si Hazel.

"Listen," sabi ko.

*****

DAYS AGO...

"Tell me that you're serious about Hazel? You know that she's like a sister to me. And I don't want her getting hurt," seryosong sabi ni Clarence.

"Hindi ko kailangan mag-explain sa'yo," seryoso ring sagot ni Jerome.

"Bakit? Ano bang kinakatakutan mo? Sasabihin mo lang naman. Do you love Hazel?" tanong ni Clarence.

I didn't answer. Hindi ko kailangang mapaliwanag kahit kanino, kay Hazelyn lang ako mag-eexplain.

"Jerome, niloloko mo lang ba si Hazel? Pinaramdam mo lang ba na mahal mo siya kahit hindi naman? Kung ganyan lang din naman, mas mabuting maghiwalay na lang kayo kaysa ikasal kayo na hindi kayo nagmamahalan," sabi ni Clarence.

This guy. He's really getting on my nerves, but I know he just cares for Hazel.

"Bakit ba, Clarence? Hazelyn and I, okay kami. Magkaibigan kami at gusto namin ang isa't-isa, kaya naming tumagal na magkasama," seryosong sabi ko.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon