LAST CHAPTER 2: Gender Reveal
WEEKS LATER...
"Habang naghihintay ako sa iyong pagdating, naiisip ko kung sino ang magiging mukha mo sa amin ng daddy mo, kung kaninong mga mata ang makukuha at kung ano-ano pa. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na mayakap kita at mahalin ka ng buong puso, Anak. Nasa kalahati na tayo. Ilang buwan na lang ay magkikita na tayo." nakangiting pagkausap ko sa malaking tiyan ko na hinahaplos ko na nasa twenty week na o limang buwan habang nakatingin sa repleksyon ko sa full-body mirror dito sa walk-in closet kung saan kita ko ang kabuuan ko.
Nakasuot ako ng floral maternity dress na binili namin ni Jerome last week. Kita ko mula sa repleksyon ko sa salamin ang malaking pagbabago ng katawan ko simula ng magbuntis ako. Nagkalaman ako dahil wala akong ginagawa sa buong durasyon ng pagbubuntis ko nitong mga nakaraang buwan kundi kumain at matulog. At isa pa, kailangan ko talagang magdagdag ng timbang every week of my pregnancy para hindi ako mahirapan sa panganganak ko.
Napasimangot ako dahil nakaramdan ako ng insecurity sa nakikita kong malaking pagbabago ng katawan ko. Pakiramdam ko, hindi na ako maganda, lalo na sa paningin ng asawa ko. Hindi na ako sexy at maganda katulad ng dati.
Napaigtad ako nang may mga brasong yumakap sa akin mula sa likod at pinatong ang baba niya sa balikat ko at ang mga palad niya ay humahaplos sa malaking tiyan ko habang nakatingin sa akin mula sa repleksyon ng salamin sa harap namin.
"Bakit nakasimangot ang misis ko?" masuuong sabi ng asawa ko sa akin.
"Hon, ang panget ko na. Ang laki na ng tiyan ko, hindi na ako sexy katulad ng dati. Baka hiwalayan mo na ako, tapos maghanap ka ng ibang babae na mas sexy sa akin." naluluhang sabi ko habang nakatingin sa repleksyon namin sa salamin. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayakap niya sa akin at paghalik sa balikat at sentido ko kung saan ilang minuto rin ang tinagal ng halik na iyon bago siya humiwalay at tumingin ulit sa repleksyon namin sa salamin.
"Hindi ka panget, Hon. Maganda ka. Sexy ka. Gaya ng sabi ko noon, Ikaw pa rin ang pinakamaganda at sexy sa akin kahit malaki na ang tiyan mo dahil kay Baby. Hon, hindi kita papalitan o hihiwalayan. Gaya nga nang paulit-ulit kong sinasabi sa'yo, masyado kang maganda para palitan o maghanap pa ako ng iba at hindi kita minahal para hiwalayan lang." masuyong sabi ng asawa ko na ikinatingin ko sa repleksyon ng mukha niya sa salamin kung saan ngumiti siya nang magtama ang tingin namin.
"Did you think my body would come back to what it was before?" tanong ko na puno ng insekyuridad sa sarili ko habang nakatingin sa repleksyon ng katawan ko sa salamin.
"Back? It was never lost, Hon. Regardless of what size you are after you gave birth to our child, the fact that you created life with your body is more important than anybody else's view. Your body is amazing." nakangiting sabi niya na ikinangiti ko.
Ilang minuto kaming nagtitigan at parehong nanlaki ang mga mata namin ng may naramdaman ako sa tiyan ko na sigurado akong naramdaman ni Jerome dahil nakalapat ang kamay niya sa malaking tiyan at marahang hinahaplos iyon. Muling hinimas ni Jerome ang malaking tiyan ko kaya muli namin naramdaman ang mumunting umbok at paggalaw ng tiyan ko.
"Naramdaman mo iyon, Hon?" nakangiting tanong ni Jerome. Tumango ako at naluluhang tumingin ako sa tiyan ko. My baby's first kick and move.
"Oh my God, Hon. Nagpaparamdam na siya sa atin. Ang likot-likot na niya, Hon," naluluhang sabi ko nang maramdaman ko ulit ang paglikot ng munting buhay sa sinapupunan ko.
"Nagpapahiwatig na siya sa atin na buhay siya." nakangiting sabi ng asawa ko. Sa pangalawang pagkakataon ay tumango ako sa kanya bilang sagot.
Humiwalay sa pagkakayakap sa akin ang asawa ko at pumunta siya sa harapan ko. Hinalikan niya ako sa noo. Muli kong nararamdaman mula sa palad kong nakalapag sa malaking tiyan ko, ang paggalaw ng anak namin sa loob ko. Agad na lumuhod si Jerome sa harapan ko pagkatapos ay itinapat ang tainga niya sa tiyan ko habang may ngiti sa labi. Nakita ko sa salamin ang magandang repleksyon namin, kung saan nakapikit ng mga mata ng asawa kong nakalapat ang tenga sa malaking tiyan ko at malapad ang pagkakangiti habang dinadama ang malikot na paggalaw ng anak namin sa sinapupunan ko. Kinuha ko iyong cellphone ko na malapit sa akin. Then, I captured this moment using our reflection in the mirror.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...