CHAPTER 12: Kapalaran
"TOTOO naman kasi ang sinasabi namin. Maganda ka. Mas maganda ka pa sa mga ex ko. Huh, kung hindi lang kita kaibigan, baka naging girlfriend na rin kita." may mapaglarong ngiti sa labi na biro ni PJ na ikinaseryoso ko ng maaalala ko ang katarantaduhan niya noong highschool pa lang kami.
"Huwag mo akong isasama sa mga babaeng ginawa mong laruan, Paris. Kinarma ka na diyan ng iparanas sa'yo ni Kath ang nararamdaman ng mga babaeng pinaglaruan mo, at kapag naulit iyong katarantaduhan mong iyon noon o lokohin mo si Kath, hindi lang doble ang karmang babalik sa'yo kundi gagawin kong triple dahil ako mismo ang maglalayo sa kanya sa'yo kahit bestfriend pa kita." seryosong saad ko na ikinatahimk ni PJ.
"Kath is my bestfriend too, Paris. Hindi man kasing tagal ng pagkakaibigan namin ang pagkakaibigan nating tatlo ni Clarence, mas kakampihan ko siya dahil babae siya at babae ako. Alam mong kaya ko siyang ilayo sa'yo at dalhin sa ibang bansa na hindi mo siya masusundan, maraming koneksyon ang pamilya namin sa ibang bansa na pwede kong magamit sa'yo kapag nagkataon." seryosong dagdag ko.
"Hindi mangyayari iyan. Hindi ko kayang lokohin si Kath dahil mahal ko siya. Hindi naman siguro magtatagal ang relasyon namin kung hindi ko siyo mahal o hindi namin mahal ang isa't-isa. Matagal ko ng tinapos ang larong binuo ko noon ng makilala ko si Kath. Alam mo iyan, Freedom." pagdefensa ni PJ sa sinabi ko.
"Hindi natin masisiguro iyan dahil marami pa ring manloloko ngayon at naghiwalay kahit gaano pa katagal ang pagsasama o relasyon nila. Kahit nga ang mag-asawa na ay magloloko pa at naghihiwalay. Kung hindi iniisip ng isang tao ang nararamdaman ng partner niya sa mga desisyong gagawin niya, maghiwalay sila. Hindi nakabase sa matagal na pagsasama o kahit sabihin pa na mahal niyo ang isa't-isa para hindi magloko ang isa kundi nasa katapatan iyan." seryosong sabi ko na ikinatango ni PJ.
"Okay, tatandaan ko iyan lahat." nakangiting sabi ni PJ.
"Aissst, tama na iyan. Kanina pa ako kumain dito pero kayo nag-uusap pa diyan." singit ni Clarence at nang mapatingin kami sa kanya ay kanina pa nga siya nakapagsimula.
"Grabe, 'tol! Ganyan ka ba kagutom para hindi kami sabihan na nagsisimula ka ng kumain?" sabi ni PJ kay Clarence.
Akmang magsasalita ako para singhalan si Clarence pero hindi natuloy dahil biglang nanlaki ang mga mata ko ng biglang sunod-sunod ang pagsubo ng kutsarang may pagkain ang bibig ko na halos mapuno na kaya sinamaan ko ng tingin ang taong sunod-sunod na nagsubo sa akin ng pagkain.
Grabe! Ang brutal nito magpakain sa pasyente.
"Tama na ang kakadaldal mo. Gutom lang iyan." sabi ni Clarence na siyang nagsubo ng sunod-sunod sa akin.
"Tarantado ka! Papatayin mo ba ako!" galit kong singhal kay Clarence matapos kong lunukin ang pagkain na isinubo niya sa akin.
"Grabe! Hindi ka naman mamamatay agad, pwedeng mabilaukan ka lang pero hindi mamatay." pambara ni Clarence sa akin na ikinatingin ko sa kanya ng masama. "Aissst! Alam mo, Hazel, naiinis na ako sa kadaldalan mo. Advice ka nang advice diyan sa playboy na iyon, wala ka namang lovelife. Tss, saka ka na magbigay ng payo tungkol sa pag-ibig kapag nagkaroon ka na ng boyfriend, hindi iyong magpapayo ka sa aming mga kaibigan mo, ni-wala ka ngang experience sa pag-ibig o hindi mo nga alam kung ano nga bang pakiramdam ng minahal ka dahil hindi ka naman nagkaroon ng boyfriend," dagdag ni Clarence na ikinatahimik ko.
Tama, wala pa akong experience sa pag-ibig dahil hindi naman ako nagkaroon ng boyfriend. Ang may experience lang ako ay ang magkagusto.
Hindi na ako muling umimik pa at sinubo ko na lang ang mga pagkain na isinusubo sa akin ng dalawa kong matalik na kaibigan na parang ginawa akong bata o anak na sinusubuan ng magulang. Hindi na lang ako umangal dahil hindi naman na ito bago sa akin.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomantiekHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...