Chapter 41: Just A Little More Time

59 1 0
                                    

CHAPTER 41: Just A Little More Time

(Still Jerome's P.O.V.)

MAHIGIT isang oras ng hindi pa rin nagigising si Hazelyn. Hindi na siya mainit katulad kanina pero may mga pantal pa rin siya. Ang sabi ng doctor dito sa clinic ay she has a severe allergy to peanuts. It's called Anaphylaxis, a potentially life-threatening allergic reaction. It can occur within seconds or minutes of exposure to something you're allergic to. Buti na lang daw ay naidala ko siya dito at naagapan.

"Ang babaeng ito talaga. Wala ng ibang ginawa kun'di pag-aalahanin ang mga taong nasa paligid niya." sabi ko habang nakasilip kay Hazelyn na mahimbing na natutulog sa kama dahil nasa labas ako ng clinic habang kausap ang dalawang kaibigan ko.

"Bakit nag-aalala ka? Why do you even care? Huwag mong sabihin sa amin na-iin love ka na sa kanya?" nakangising sabi ni Eric na ikinatawa ni Antonio.

"Of course not. Hindi ako in love kay Hazelyn, okay? She's my friend at natural na mag-alala ako sa kaniya. At hindi ko lang siya basta kaibigan dahil fiance ko rin siya." sagot ko aa mga tanong ni Eric.

"So, bakit inilalayo mo siya sa mga lalaking lumalapit sa kanya... Like Mr Harrison?" nakangising sabi ni Antonio na ikinasama ko ng tingin sa kanila.

Hell, bakit ba nandito ang dalawang ito?

Nakasalubong ko sila kanina sa hall habang buhat ko si Hazelyn para isugod dito sa hallway at sumunod sa akin. Hindi ko alam kung bakit nandito pa ang mga ito dahil sa pagkakaalam ko ay may klase sila.

"Hindi ko inilalayo si Hazelyn kay Harrison... I'm sure may magsasalita ng masama kay Hazelyn once na may makakita na may kasama siyang ibang lalaki bukod sa'kin. Iyon lang 'yon. Wala ng iba. I'm sure of that." sabi ko.

"Bakit ba masyado siyang pusong mamon? Kaya naabuso ang kabaitan niya... Not like Kath, tama ba ako, Jerome?" nakangising sabi ni Eric.

"But Kath and Hazel are two different people. They're both unique in their own ways." sabi ko bago muling sinilip si Hazelyn.

"And you love them both because of that uniqueness?" nakangising sabi ni Antonio.

"Yes- What? Of course not!" wala sa sariling sagot ko at napalakas ang boses ko sa huling sinabi ko. "Si Kath ang mahal ko. Unang kita ko pa lang sa kanya ay siya na ang minahal ko... Yes I do love Hazel, pero bilang kaibigan lang. Wala ng iba." paliwanag ko na ikinalaki ng ngisi nila.

"But, Kath is now a married woman. Wala ka ng pag-asa sa kanya pero kay Hazelyn...meron pa kung bibigyan mo siya ng pagkakataon na papasukin sa puso at buhay mo." sabi ni Eric na ikinatango ko.

"Yeah, I know, Kath is a married woman now. Pero siya pa rin ang mahal ko. And about Hazelyn, I'm trying. Sinusubukan ko siyang papasukin habang inaalis ko si Kath sa puso ko." napaseryosong sabi ko.

Alam nilang dalawa na mahal ko si Kath kahit hindi ko sinasabi sa kanila dahil napapansin nila ang nararamdaman ko kay Kath.

Nabigay na ni Kath kay Hazelyn ang video ng game na nilaro namin. About me confessing to Hazelyn. I mean... Confessing my feelings for Kath while using Hazelyn's name at gano'n din siya sa akin.

Alam kong sinabi ko kay Hazelyn na ituloy na lang namin ang kasal. It's for my selfish reason. I'm afraid that I won't be able to love any other girl besides Kath. Since kaibigan ko si Hazelyn naisip ko na hindi na rin masama kung kami ang magkatuluyan... magkaibigan naman kami. Pero I'm having second thoughts, lalo na nang ibinigay ni Kath ang video. Dahil mukhang may mahal na si Hazelyn kaya gusto ko siyang kausapin.

She looks broken in that video. At umiiyak din siya doon. She must really like that guy. May if wala na silang pag-asa. Pwede kaming magpakasal. It's hard to grow old without someone by your side. Okay na rin siguro kung kami na lang ang magkakatuluyan.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon