CHAPTER 43: Mahalin o Piliin?
"SO, umamin na siya sa'yo noong wala kayo kanina, 'no?" tanong ni Kath nang makalapit siya sa akin habang may hawak na kopitang may lamang wine.
"Yes, he said, he likes me. But I know, he still loves you and his heart still belongs to you, kaya hindi niya ako magawang mahalin dahil hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya pero sigurado siya na gusto niya ako higit pa sa kaibigan at gusto niya akong pakasalan." seryosong sabi ko sabay inom sa wine sa kopitang hawak ko habang nakatingin sa bilog na puting buwan sa malawak at madilim na kalangitan na puno ng mga nagkikislapang mga bituin.
"Likes that can turn into love. It's okay if it's taking time. No matter how slow your progress is, you are still way ahead of everyone who isn't trying. At isa pa, Hazel, hindi ako ang nagmamay-ari sa puso niya o kahit kailan hindi naging pag-aari ko ang puso niya pero ang importante ngayon ay unti-unti mong naaangkin ang puso niya. Unti-unti ka na niyang pinapasok hanggang sa tuluyan ka niyang pasakupin sa puso niya para ikaw na ang magmay-ari at maging reyna." sabi niya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Yeah, unting panahon na lang naman ang hinihintay niya makasigurado siya sa nararamdaman niya at handa akong maghintay hanggang sa tuluyan na niya akong mahalin at mapalitan kita sa puso niya." seryosong sabi ko na ikinangiti niya.
"Iyan ganyan nga. Pero, alam mo bang hindi ang mahalin ang mahalaga sa lahat?" tanong ni Kath na ikinakunot ng noo ko.
"Huh?"
"Sa tingin mo, anong mas mahalaga, ang mahalin ka niya o piliin ka niya araw-araw?" tanong ni Kath sa akin na ikinatahimik ko dahil hindi ko alam ang isasagot, parehong mahalaga ang dalawa sa matibay na relasyon. "Alam ko ang iniisip mo. Parehong mahalaga ang dalawa pero may isang mas nangingibabaw. Alam mo kung ano?" dagdag niya.
"Ang mahalin, ang mas mahalaga sa dalawa." sagot ko na ikinailing niya kaya napakunot noong hinarap ko siya.
"Hindi. Mas mahalaga ang piliin ka niya araw-araw kaysa mahalin ka niya araw-araw. Alam mo ba kung bakit?" nakangiting sabi niya na ikinailing ko.
"Hindi dahil wala akong alam sa ganyan."
"Okay, ipapaalam ko sayo." sabi niya bago sumeryoso. "Wala man kasigaraduhan ang nararamdaman niya sa'yo o hindi man niya sabihin sa'yo na mahal ka niya, ang mahalaga ay ikaw ang pinili niyang makasama sa araw-araw na darating sa buhay niya. Ang pagmamahal ay hindi garantisado sa araw-araw. Ang intensidad‚ kilig‚ at taglay ng pagmamahal ay hindi pare-pareho sa araw-araw pero sa kabila ng lahat ng ito‚ ikaw pa rin ang pipiliin niya. Ang pagpili ng isang tao ay ibang-iba sa mahalin ka ng tao dahil sa pagpili ng isang tao sa'yo, nangangahulugan na sa kabila ng kung ano o paano mo pakiramdaman‚ sa pinakamataas man o pinakamababang punto ng buhay‚ ang mahalaga ay ikaw pa rin ang pipiliin niya kahit anong mangyari.
"Kahit sino pwede magmahal o magsabi na mahal ka‚ pero hindi lahat pwede kang piliin kung kailan napakahirap ng mga bagay sa paligid at panahon ngayon. Ang katotohanan ng pag-ibig ay laging piliin iyong tao sa anumang bagay o sitwasyon dahil hindi araw-araw masaya‚ hindi araw-araw mahal niyo ang isa’t-isa pero sana araw-araw piliin niyong manatili sa tabi ng bawat isa. Hindi ka man niya mahal sa araw-araw‚ ang mahalaga ikaw ang pipiliin niya bago magtapos ang araw." mahabang sabi ni Kath na ikinangiti ko dahil nakuha ko ang pinupunto niya.
"Okay, may punto ka dahil hindi lahat ng magmamahal sayo ay pipiliin ka." pagsang-ayon ko na ikinangiti niya.
"Tama, nakuha mo. Kaya maswerte ka dahil kahit hindi ka niya mahal, ikaw ang babaeng pinili niyang pakakasalan at makakasama niya habang-buhay." nakangiting sabi ni Kath na ikinangiti ko.
"Mas swerte ako sa kanya...sa pamilya niya. Buong pamilya ay gusto ako para sa kanya at lagi akong ikinukumpara sa bestfriend mo." nakangiting sabi ko bago napangisi sa huling sinabi ko dahil napangiwi siya.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomansHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...