Chapter 63: Red Apple

59 1 0
                                    

CHAPTER 63: Red Apple

JEROME'S P.O.V.

PAGLABAS ko ng bathroom ay nakita ko ang asawa kong nakaupo sa gilid ng kama habang sinusuklayan niya ang mahabang light brown niyang buhok. Umakyat ako sa kama at pumunta sa likod ng asawa ko bago kinuha sa kamay niya ang hairbrush at ako na ang nagpatuloy sa pagsusuklay sa mahabang buhok niya.

"And sweet ng asawa ko." sabi niya na ikinangiti ko habang patuloy na sinusuklayan ang buhok niya.

"Syempre, kailangan palaging matamis para hindi maging mapait." nakangising sabi ko na ikinalingon niya sa akin at tinignan ako ng masama.

"Tarantado!" masama ang pagkakatingin na sabi ni Hazelyn sa akin na ikinatawa ko dahil malamang iba na naman ang nasa isip ng mahal kong asawa.

"Sa buhay pag-ibig, Hon. Para hindi maging mapait ang buhay pag-ibig." dagdag ko sa sinabi ko kanina bago siya muling pinatalikod sa akin at sinuklayan ulit ang buhok niya.

Ilang minuto ko ring sinuklayan ang buhok niya bago namin napagdesisyunan na matulog dahil inaantok na raw siya. Humiga kami sa kama at yumakap ako sa kanya. Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng damit ni Hazelyn at kinakapa-kapa ang maputi at makinis na kutis na tiyan niya na lagi kong ginagawa simula ng maging mag-asawa kami kaya hindi na siya nagulat sa ginawa ko. Bahagya akong nagulat pero hindi ko pinahalata ng maramdaman kong medyo maumbok ang tiyan niya.

"I'm curious, Hon, bakit parang lumalaki ang tiyan mo?" pagtatakang tanong ko sa asawa ko na napalingon sa akin.

"Are you saying that I'm not sexy anymore?" matalim ang mga matang tanong niya sa akin na agad kong ikinailing.

"No, you're still the sexiest woman even if you're going to be a plus size woman."  sabi ko na lalong ikinatalim ng tingin niya sa akin.

"So, plus size na ako?"

"No, nasa tamang tao ka lang." sabi ko na ikinakunot ng noo niya na ikinangiti ko.

"What?"

"Sabi nila, makikita mong nasa tamang lalaki ang isang babae sa pamamagitan ng pangangatawan nito. Kapag medyo nagkalaman daw ang babae, ibig sabihin nasa tamang tao siya dahil inaalagaan siya ng lalaki at hindi pinapabayaan." sabi ko bago siya pinaunan sa dibdib ko habang hinahaplos ng isang kamay ang makinis at malambot niyang tiyan. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang kamay naming dalawa.

"Busog lang ako." sagot niya sa tanong ko kanina pero hindi ako kumbinsido sa sagot niya pero nanatili ko na lang na tikom ang bibig ko at hindi na nagtanong pa. "Come on, let's sleep. Inaantok na ako."

"Okay, good night, Hon." sabi ko at hinalikan siya sa noo.

"Hmm. Good night, Hon." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

*****

KINABUKASAN...

Hinalikan ko ang noo ng asawa ko bago ipinasok ang isang kamay ko sa loob ng t-shirt niya. Naging hobby ko na talaga ito simula ng maikasal kami. I really love the feeling of my hands on her body, lalo na ang makinis at malambot na tiyan ng asawa ko.

Ako ang mas naunang nagising kaysa sa asawa ko na payapang natutulog sa tabi ko habang nakapulupot ang mga kamay sa katawan ko. Bukod sa adik ako sa makinis na tiyan ng asawa ko. I also love her scent. It's like she smells like a baby. Well, she looked like one, too.

I kissed her nose and gave her a light kiss on her red kissable lips. And just as I pulled my lips back, my wife opened her eyes. She smiled and hugged me. Damn! Buo na ang araw ko!

"Good morning, Hon." nakangiting bati ko sa asawa ko.

"Morning, Hon."

We stayed like that for a moment. Simula nitong mga nakaraang araw ay napansin kong matagal na siyang magising. Dati kasi nauuna pa siyang gumigising sa akin. Minsan nga nakaluto na siya kapag nagigising ako pero ngayon nauunahan ko na siya sa paggising.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon