CHAPTER 40: Peanut
HAZELYN'S P.O.V.
KINABUKASAN...
NAGISING ako sa malakas na tunog ng alarm na nasa side table sa gilid ko. Napainat ako ng katawan bago bumangon at minulat ang mata. Kinuha ko ang alarm clock at ini-off iyon. Tinapunan ko ng tingin ang oras sa alarm clock na hawak ko, alas-sais y medya.
Napahilot ako sa magkabilang sentidong muling inilapag sa side table ang alarm clock. Napatingin ako sa kanang bahagi ko nang may naramdaman akong may gumalaw at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Jerome na nakapikit. Nakadapa siya sa kama pero ang ulo niya ay nakaharap sa akin.
Ang sarap sa pakiramdam na gigising ka sa umaga na ang taong mahal mo ang unang bubungad sa'yo.
Nakangiting dinampian ko ng halik ang noo ni Jerome bago bumaba sa kama at pumunta sa banyo para maghilamos at magmumog gamit ang mouth wash ni Jerome. Then, bumaba na ako sa ikalawang palapag ng mansion ni Jerome at agad na pumunta sa kusina. Naisip kong magluto ng breakfast bilang pasasalamat sa pagpapatuloy nila sa akin dito.
"Oh, good morning, Hazel! Ang aga mong magising. Sabi ni Ate Nancy, mag-aala una ka kayo umuwi." bungad ni Ate Chrizalyn na nagluluto sa kusina.
"Good morning, Ate Chrizalyn. Yeah, madaling araw na kami nakauwi at kahit ganoon ay maaga pa rin ako nagigising." sabi ko kay Ate Chrizalyn na nakangising nakatingin sa suot kong damit na t-shirt ni Jerome. "Wala kaming ginawa. Pinahiram niya lang ako ng damit niya para komportable ang tulog ko." depensa ko sa tingin at ngising pinupukol ni Ate Chrizalyn sa suot ko na ikinatawa niya.
"HAHA! Ang defensive mo. Wala pa akong sinasabi." natatawang sabi ni Ate Chrizalyn na ikinapula ng pisngi kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya na mas lalong ikinatawa niya. "But you're so cute in his shirt. Para kang lalamunin ng damit ni Bunso kahit sabihin nating matangkad ka." natatawang dagdag ni Ate Chrizalyn at nanlaki ang mga mata ko ng bahagya niyang kurutin ang magkabilang pisngi ko.
"Oh gosh, sorry!" nakangiwing sabi ni Ate Chrizalyn at bumadya ang guilt sa mukha niya.
"Okay lang, Ate." sabi ko na ikinangiti niya ng pilit.
"Pakiramdam ko, pinaglilihian kita. Gosh! Ang ganda mo kasi. At hindi na masam kung sakaling ikaw ang paglilihian ko, magkakaroon ako ng mga anak na gwapo at maganda." nakangiting sabi ni Ate Chrizalyn na ikinakunot ng noo ko.
"Huh?" naguguluhang taning ko dahil 'mga anak' ang pagkakarinig ko sa sinabi niya.
"Kambal ang pinagbubuntis ko. Nasa lahi namin ang possibilidad na magkaroon ng kambal na anak. Kaya iyong asawa ko, ingat na ingat sa akin at ayaw pa sana ako pasamahin kaso nagpumilit ako dahil gusto kitang makilala. Rainbow baby kasi namin ito ng asawa ko." nakangiting sabi ni Ate Chrizalyn sabay haplos sa tiyan niya at sa paghaplos niya sa tiyan ay napansin kong medyo maumbok na iyon kaysa sa dalawang buwang tiyan ng babae na isa lang ang pinagbubuntis.
"Rainbow baby? May ganoon ba?" nakakunot ang noong tanong ko na ikinangiti niya pero bakas sa mga mata niya ang lungkot.
"A rainbow baby is a term for a child born to a family that has previously lost one or more children due to miscarriage or death during infancy." malungkot na sabi ni Ate Chrizalyn na ikinatikom ng bibig ko. "Ilang beses na akong na-miscarriage. May anak na dapat kami ng asawa ko na kasing edad ni Xander pero wala, eh. Hindi siya para sa amin. Kaya umaasa ako na sana sa pagkakataong ito hindi tanggalin ang kasiyahan naming mag-asawa. Gustong-gusto na namin magkaanak. Gustong-gusto ko ng humawak at yumakap ng baby na sa akin mismo. Kaya sana, mabuhay sila dahil hindi ko na kakayaning mawalan ulit ng anak lalo na at dalawa sila." naluluhang sabi ni Ate Chrizalyn na ikinayakap ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomansaHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...