Chapter 1: Ang Simula
HAZELYN'S P.O.V.
INILAGAY ko ang palasong hawak ko sa kanang kamay sa arrow rest ng panang hawak ko sa kaliwang kamay. Sinigurado ko muna na ang dulong walang talim ng palaso o arrow nock na tinatawag ay nasa string ng pana. Ipiniwesto ko ang hintuturo, gitnang daliri at hinlalaki ko sa fletching area ng palaso bago buong pwersang hinila ang string at itinutok sa target board na mahigit limampung metro ang layo mula sa kinatatayuan ko. Pinagbutihan ko ang pag-aasinta sa gitna ng target board bago binitawan ang string at sakto iyong tumama sa gitna ng target board.
"Whoahh! Nice! Ang galing mo talaga, Hazel!" sigaw ng mga kaibigan ko habang pumapalakpak ang mga ito. Nakangiting nilingon ko sila na ngayon ay papalapit na sa akin.
Nag-eensayo ako pumana dito sa Training Field ng University at hapon na ng mga oras na ito kung saan breaktime naming magkakaibigan, ito ang ginagawa ko tuwing breaktime ko. Ang mga kaibigan ko naman ay may mga sariling pinagkakaabalahan maliban na lang ngayon na nanood ang mga ito ng practice ko.
"Kailangan mas pag-igihan ang pag-eensayo ko dahil ako ang napailing ni Tito Benjamin bilang representative ng University natin para sa Archery Tournament na sinang-ayunan nila Mom at Dad kahit matagal na akong hindi sumasali sa ganoon kalaling kompetisyon at walang kasigaraduhan na maipapanalo ko. At kapag naipanalo ko iyon ay ilalaban naman nila ako sa National Archery Tournament pagkatapos ay sa World Archery Champioship para maging representative ng bansa natin." seryosong sabi ko bago muling kumuha ng panibagong palaso at muling nag-asinta.
I'm Hazelyn Saoirse Candelaria, nag-iisang anak at heredera ng kilalang pamilya hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Ang Candelaria Clan kung saan ako nabibilang ay nagmamay-ari ng Candelaria Wine and Liquor Company kung saan gawa ang mga mamahaling alak na iniimport sa ibang bansa.
Isa rin akong Archeress simula noong disi-sais anyos pa lang ako, minsan na akong nailaban noon sa isang World Archery Championship na naipanalo ko dahil sa pagpupursige kong mag-ensayo bago ang competition. Nahinto lang ako sa pagsali sa mga malalaking labanan ng pumanaw ang lolo kong si Lorenzo Candelaria na siyang nagturo sa akin na gumamit ng pana at palaso.
"Paniguradong maipapanalo mo iyon, Friend. Ito pa nga lang na training mo ay panay sa gitna ang asinta mo, paano pa kaya sa Tournament? Fighting!" nakangiting sabi ni Amber sa akin at nagfighting sign pa.
Amberlyn Leivester, ang kaibigan ko na mahilig magbasa ng mga libro at manood ng K-Drama at Anime. Pero ang swerte mo kapag nagkaroon ka nang kaibigang katulad ni Amber na kahit clingy at may pagkaisip bata minsan, alam mong tunay at totoo siyang kaibigan dahil palagi siyang nakasuporta sa'yo at kapag nasa malungkot na sitwasyon ka naman ay pasasayahin ka nito at papayuhan kung kinakailangan.
"Syempre, Grand Winner na agad iyan. At kung sakaling hindi man palarin ay ikaw pa rin ang winner namin." nakangiting sabi ni Mia.
"True, forda winner ka na, Bhie. And if ever na matalo ka, ang mahalaga naman ay sinubukan at binigay mo ang lahat ng best mo." pagsang-ayon ni Savina sa sinabi ni Mia.
Mia Celestial at Savina Celestial, ang dalawang kaibigan ko na palaging nagkakasundo sa lahat ng bagay. Magpinsan sila sa father side. At si Savina ang klase ng taong matatawag na Gen Z o kabataan sa makabagong panahon kung saan lahat ng nauuso or trending ay nakikisabay, mula sa pananamit hanggang sa pananalita. Ganun din naman si Mia pero sa pananamit lang siya nakikisabay.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomansaHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...