CHAPTER 62: Little Secret
"BAKIT hindi mo sinabi ang tungkol sa pagbubuntis mo?" mahinang tanong ni Aaliyah nang lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Saka na siguro kapag nakapagpa-check up na ako para kumpirmado talaga galing sa doctor at gusto kapag sasabihin ko sa kanya ay may maipapakita akong patunay sa kanya. Ayokong paasahin ang asawa ko, Cous. Ayokong kapag sinabi ko sa kanya na buntis ako pero hindi naman pala, malulungkot siya. Gusto na niyang magkaanak kami at gusto ko masaya siya kapag nalaman niya na magkaka-baby na kami." mahinang sabi ko kay Aaliyah na ikinangiti nito.
Kailangan mahina lang ang boses na mag-usap kami ni Aaliyah dahil nasa sala kami kasama ang buong barkada habang nanood ng kami ng movie. At isa pa, nasa malapit lang ang asawa ko.
"Okay, naiintindihan kita, basta kumain ka ng mga masusustansyang pagkain para malusog kayong dalawa ng baby mo at uminom ka ng maraming tubig para hindi ka ma-dehydrate at makaiwas sa anumang sakit. At higit sa lahat, sapat na pahinga at tulog para magkaroon ka ng sapat na lakas at maging magaan ang pakiramdam. And also, be careful and don't stress yourself too much." nakangiti at mahinang sabi ni Aaliyah na ikinangiti ko.
"Of course, baby namin ni Jerome ito." mahinang nakangiting sabi ko at bahagyang humaplos sa medyo may mallit na umbok kong tiyan.
Hindi na kasi katulad ng dati ang tiyan ko, medyo may porma na siyang umbok pero maliiit palang na mahahalata lang kapag fitted ang suot kong damit o kung wala akong suot pero dahil maluwag na damit ang laging sinusuot ko kaya hindi halata ang maliit na umbok ng tiyan ko.
*****
KINAGABIHAN...
"HON? Is there something wrong?" tanong sa akin ng asawa ko na kanina pa pala ako pinagmamasdan. Kinuha niya ang kamay ko at dinala niya iyon sa bibig niya upang hagkan.
"May inisip lang, Hon." totoong sagot ko.
Pinag-iisipan ko kung tama bang inilihim ko sa kanya ang isang bagay na karapatan niya at ikasasaya ng puso niya.
Humiga siya sa kama at tumabi sa akin. Kinumutan niya ako at tumagilid siya. He folded his arm and used it as his fellow. His eyes never leave mine.
"What is it? What are you thinking of, Hon?" tanong niya. Ginaya ko ang posisyon niya. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay.
"Nag-iisip ng pangalan." pagsisinungaling ko na ikinakunot ng noo niya.
"Hmm, pangalan para saan?" napakunot ang noong tanong niya.
"Pangalan para sa magiging baby natin." sabi ko na ikinatawa niya.
"Wala pa ngang laman ang tiyan mo, nag-iisip ka na ng ipapangalan sa anak natin." natatawang sabi niya na ikinasimangot ko.
Kung alam mo lang, may laman na ang tiyan ko. May baby na tayo pero hindi ko muna sasabihin.
"Eh, sa gusto ko kasing perfect ng pangalan natin ang pangalan ng magiging anak natin. Gusto kong perfect ang lahat bago siya dumating sa buhay natin."
"Hon, tsaka na natin isipin ang pangalan ng anak natin kapag buntis ka na at alam na natin ang gender." Tumango ako bago siya titigan sa mga mata.
"H-Hon."
"Hmm?"
"Payakap ako." sabi ko habang nakakagat sa labi ko na ikinangiti niya bago ako kinabig para mayakap ako.
Hindi ko pa talaga kayang sabihin sa kanya.
"Are you sure, you only want a hug, Hon? We can make love if nahihiya ka lang sabihin o mag-request sa akin.” nakangising sabi niya na ikinatampal ko sa likod niya
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...