Chapter 13: Replacement

285 102 1
                                    

CHAPTER 13: Replacement

(Continuation of Jerome's P.O.V.)

Napalingon ako kay Dona Fleurencia at nakita ko siyang ngumiti bago tumingin sa mga magulang ni Hazelyn.

"Let's give them a privacy to talk." nakangising sabi ni Doña Fleurencia sa magulang ni Hazelyn na nakitaan ng pagtutol sa mukha ng mga ito, lalo na ang ama ni Hazelyn.

"But, Mom--"

"Hindi pababayaan ng tatlong lalaking iyan ang anak mo dahil lagot silang tatlo sa akin kapag may nangyaring masama sa nag-iisang apo ko." may pagbabantang sabi ni Doña Fleurencia at tinignan ako ng masama at ang dalawang kaibigan ni Hazelyn bago naglakad palabas ng kwarto.

"Aissst, bakit kasi kailangan umalis pa?" inis na sabi ng ama ni Hazelyn bago sumunod na lumabas ng kwarto kasama ang asawa nito.

"Grabe sila! Iniwan nila ako sa tatlong lalaking walang ibang ginawa kundi ang asarin ako." pabulong na sabi ni Hazelyn pero dinig ko ng makalapit na ako sa kanila.

"Huwag kang magreklamo, isang linggo tayong hindi magkikitang tatlo kaya sulitin na natin. Isang linggo kang hindi papasukin ni Tito Laurence panigurado dahil diyan sa arm sling sa kanang braso mo. Hahaha! Buryo ka na naman sa mansion ninyo." natatawang sabi ni PJ dahilan para hampasin siya ni Hazelyn na ikinailing ko ng makita mo talaga ang closeness nila.

Napatikhim ako para kunin ang atensyon nila at nagtagumpay naman ako ng tumahimik sila at napatingin sa akin. Napalunok ako ng muling magtama ang asul na mga mata ni Hazelyn sa akin. Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman tuwing nagtatama ang tingin naming dalawa.

Napailing ako at nilagay sa bedside table na katabi ng hospital bed ni Hazelyn ang dala kong basket na naglalaman ng prutas.

"I brought some fruits for you, Hazelyn. And..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ang dalawang matalik na kaibigan ni Hazelyn.

"A red teddy bear? Hmmm... Bakit mo naman bibigyan ng teddy bear si Hazelyn? Sa anong dahilan?"

"Ang sabi mo kay Doña Fleurencia, magkaibigan kayo. Magkaibigan mo nga lang ba si Hazel o nililigawan mo?"

Napatingin ako sa dalawang kaibigan ni Hazelyn bakas sa mga mukha nila ang pagkaseryoso habang nakatingin sa akin.

"Ano ba naman kayo? Walang masama kung bibigyan niya akong teddy bear, walang malisya doon dahil gaya nga ng sabi niya, MAGKAIBIGAN KAMI." pagsingit ni Hazelyn at napatitig ako sa kanya ng maulinagan kong diniinan niya ang pagbigkas ng 'magkaibigan kami.'

"Kung makapagreact kayo tungkol sa pagbibigay sa akin ni Jerome ng teddy bear daig niyo pa si Mamila or si Dad. Tss, parang kayo hindi niyo ako binibigyan nito at hindi ibig sabihin na binigyan niya ako ng isang bagay ay nililigawan na. Pwede namang concern lang siya sa akin at iyong bagay na ibibigay niya sa akin ay ang sa tingin niyang magpapasaya sa akin." nakangiting sabi ni Hazelyn na ikinatahimik ng dalawang kaibigan niya.

Ibinigay ko kay Hazelyn ang pulang teddy bear na kasing laki ng batang nasa tatlong taong gulang. Tinanggap iyon ni Hazelyn at agad na niyakap na ikinangiti ko.

"Marami ka ng ganyan sa kwarto mo. Kung iba ang makakakita ng kwarto at hindi ka kilala, aakalain nilang bata ang nagmamay-ari niyon at hindi bente-uno anyos na babae dahil sa dami ng teddy bear mo. Bakit nga ba hindi mo pa inaalis ang mga iyon sa kwarto mo?" sabi ni Clarence.

"Lahat ng teddy bear at mga gamit na binibigay sa akin...lalo na kayong dalawa ni PJ. Mahalaga ang lahat ng iyon sa akin. May sentimental value sa akin ang mga iyon. It's a treasure to me." nakangiting sabi ni Hazelyn at bahagyang inilayo ang teddy bear na binigay ko sa kanya at tinitigan iyon. "Alam mo iyong pakiramdam na kaya mo namang bilhin ang isang bagay at makisabay sa mga uso sa panahong ito pero mas gugustuhin mo pa ring pahalagahan iyong mga bagay na ibinigay sayo at kahit pinaglipasan na iyon ng panahon ay nakikita mo pa rin ang halaga niya... I mean, iba kasi iyong pakiramdam kapag bigay sa'yo ang isang bagay, eh. It feels special."

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon