CHAPTER 14: Pag-ibig at Tadhana
HAZELYN'S P.O.V.
"YOU okay, Anak?" rinig kong tanong ni Mom kaya napatingin ako sa kanya na papalapit sa akin pagkatapos ay umupo siya sa hospital bed paharap sa akin.
"Opo, bakit po?" tanging sagot ko.
"Kanina ka pa tahimik simula ng umalis sila PJ. At para kasing may hindi ka sinasabi sa akin." sabi niya at nilagay sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok kong humaharang sa mukha ko na ikinahinga ko ng malalim. "Tungkol sa lalaking nagugustuhan mo, 'di ba? Si Jerome, tama ba ako?" Napatingin ako kay Mom sa sinabi niya. Napangiti siya pagkatapos ay hinawakan ang dalawang kamay ko.
Kaming dalawa lang dito ni Mom sa kwarto ko dito sa hospital dahil may kailangang daluhan na importanteng meeting sa kumpanya si Dad kaya wala siya dito. Si Mamila naman ay nasa mansion at pinagpahinga muna ni Dad dahil kagagaling lang nito sa mahabang biyahe mula sa Germany. Kaya malaya kaming makakapag-usap ni Mom tungkol sa usaping pag-ibig dahil walang tutol sa usapan namin.
"No, Mom. Magkaibigan lang kami." pagtatanggi ko at umiiwas ng tingin.
"Umiiwas ka sa kanya, tama ba ako? Umiiwas ka bago pa lumalim ang pagkakaibigan niyo? Tama naman ako, 'di ba? Hindi pa naman ganoon kalalim ang pagkakaibigan niyo ni Jerome, 'di ba?" sabi ni Mom na ikinatahimik ko. Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya. "Anak... Kung nagugustuhan mo na si Jerome, okay lang." sabi ni Mom na ikinailing ko.
"Hindi ko po siya gusto. At gaya po ng sinabi ko kanina, magkaibigan lang po kami." pagtatanggi ko ulit sa nararamdaman ko.
"Pero nasasaktan ka. Nasasaktan ka dahil magkaibigan lang kayo, tama ba? Kung nasasaktan ka, okay lang din. Sadyang mapagmahal ka lang talaga." Umiling ako.
"No, Mom. Bakit naman po ako masasaktan? Magkaibigan lang talaga kami kaya impossible iyang sinasabi mo."
"Kasi nga nagugustuhan mo na siya. Anak... Kahit itanggi mo iyong nararamdaman mo, alam ko ang totoo. Nararamdaman kita at nakikita kong may nararamdaman ka para sa lalaking iyon. Nakita ko iyong pag-iwas mo ng tingin sa kanya kanina ng sabihin niyang magkaibigan kayo at nakita ko sa mga mata mong nasaktan ka sa simpleng salitang iyon. Sabihin mo mang napakababaw pero iyon ang nararamdaman mo, tama ba ako?"
"Mom!"
"Anak... ang sabi ko nga ay okay lang ang magkagusto ka sa lalaking iyon. Gusto siya ng Mamila mo para sa'yo kaya wala kang magiging problema sa Mamila mo. Ang Mamila mo lang naman ang mapili sa pamilya natin. At iyong tungkol sa pagpapakasal mo sa lalaking napili ng Dadilo mo, magagawan iyon ng Mamila mo ng paraan para hindi mawala ang mana mo." nakangiting sabi ni Mom na ikinatingin ko sa kanya.
"Yeah, tama ka po. Walang magiging problema kay Mamila. Kaya lang... May girlfriend po siya." napaiwas ang tingin na sabi ko kay Mom.
"So, kaya ka nasasaktan dahil nagkagusto ka sa lalaking may nagmamay-ari na? Lalaking may nobya na?" Napatingin ako kay Mom sa tanong niya at naramdaman ko ang pagpatak ng isang luha sa mata ko na agad kong pinunasan.
"Okay, aaminin na po ako. Hindi ko na itatanggi. Gusto ko po siya, Mom. Pero hindi kami pwede dahil may girlfriend siya." pag-amin ko kasabay ng pagpatak ng luha ko at ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Mom. "Sinubukan kong pigilan iyong nararamdaman ko para sa kanya pero sa bawat pagpigil ko sa nararamdaman ko ay mas lalong lumalalim iyong pagkagusto ko sa kanya, Mom. Sinubukan kong iwasan siya pero kahit anong gawin kong iwas ay siya mismo ang lumalapit sa akin. Nakakapagod ng umiwas at magpigil, Mom." naluluhang dagdag ko pa. Napatingin ako kay Mom ng inilayo niya ako sa kanya at pinunasan niya ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...