Chapter 49: Mastermind

51 0 0
                                    

CHAPTER 49: Mastermind

ANG sakit ng batok ko paggising ko dahil hanggang ngayon ay nakatali pa rin kasi ako sa upuan. Wala pa rin akong makita dahil ramdam ko pa rin ang telang nakatakip sa mga mata ko.

Nakakita lang ako ng may nagtanggal ng pagkakapiring ko. Nilibot ko ang paningin ko, medyo lumiwanag na ang paligid dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa maliit na bintana nitong kwarto. Napaangat ako ng tingin para malaman kung sino ang nagtanggal.

Ito iyong lalaki na kasama nang manyak kahapon. Buti nga ay hindi iyong manyak na iyon ang kaharap ko ngayon.

"Pakawalan mo na kami, please," nagmamakaawang sabi ko sa lalaki.

"Hindi pwede, Miss. Ako ang malilintikan kay Madame. Kailangan ko rin kasi ng pera," sabi ng lalaki. Halata sa mukha niya na sobrang kailangan talaga niya ng pera kaya niya nagawa ito.

"Bakit kailangan mo ng pera?" tanong ko sa kanya.

"Nasa hospital kasi ang kapatid ko at kailangan niyang ma-operahan kaya kailangan ko ng malaking halaga ng pera, hindi kasi ma-ooperahan ang kapatid ko kung hindi ko mababayaran ang malaking halaga ng pera para sa operasyon niya," malungkot na sabi niya. Napatingin ako kay Jerome na nakatingin sa amin.

"Tutulungan kitang mapa-operahan ang kapatid mo. Ipapalipat ko siya sa hospital namin at ipapatingin ko siya sa pinakamagaling na doctor doon. Sisiguraduhin ko gagaling ang kapatid mo basta ay tutulungan mo kami," sabi ko na ikinatitig ng lalaki sa akin at kita ko sa mga mata niya na nagdadalawang isip pa siya.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng kwarto kung nasaan kami dahil hinihintay ko ang magiging sagot nitong lalaking kaharap ko.

"Ano bang tulong ang gusto mong gawin ko, basta siguraduhin mong ma-ooperahan ang kapatid ko at gagaling siya?" tanong niya na ikinangi ko sa pagpayag siya.

"Pangako ko 'yan sayo. Gagaling ang kapatid mo basta gagawin mo ang ipapagawa ko sayo," sabi ko sa lalaki na ikinatango nito bilang sagot.

Sinabi ko sa lalaki ang gagawin niya. Hindi naman siya mahihirapan sa ipapagawa ko dahil kukunin niya lang ang cellphone ko at tatawagan si Dad para ipaalam ang nangyari at mailigtas kami dito dahil nararamdaman ko na  may mangyayaring hindi maganda sa amin dito.

"Sige, susubukan kong gawin, Ms Candelaria." sabi niya.

"Hazel na lang, masyadong pormal kapag apelyido ko pa. Ikaw, anong pangalan mo?" nakangiting sabi ko.

"Daniel, pwede ring Dan na lang." sabi ng lalaking nagngangalang Dan na ikinatango ko. "Ibabalik ko na ang piring at busal niyo, baka mahuli nila tayong nag-uusap.

"Sige, basta iyong pinapagawa ko sayo at kapag nagawa mo na bahagya mong luwagan ang tali namin para kapag may naganap na hindi maganda ay matatanggal namin." sabi ko.

"Oo," sagot ni Dan bago ibinalik ang pagkakapiring at busal namin ni Jerome.

*****

NAPATINGIN ako sa nagtanggal ng piring sa mata ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino siya.

"T-Tiffany, ikaw ang magpakuha sa amin?" nanlaki ang mga matang sabi ko. Napatingin ako kay Jerome na nakatingin sa amin wala siyang piring pero may busal ang bibig niya. Masama ang pagkakatingin niya kay Tiffany.

"Oo, ako nga ang mastermind sa pagpa-kidnap sa inyo. Ang totoo niyan, ikaw lang dapat ang ipapakuha ko kaso kasama mo pala ang fiance mo kaya pati siya ay nadamay," nakangising sabi ni Tiffany na napatingin pa kay Jerome ng sabihin niya ang 'fiance'.

"Ano na naman bang problema mo, Tiffany? Hindi pa ba sapat na muntik na muntik na akong mamatay ng dahil sa inyo?!" singhal ko sa kanya na ikinangisi niya.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon