CHAPTER 10: Testamento
HAZELYN'S P.O.V.
DAHAN-DAHAN kong minulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Naramdam ko ang pagdampi ng malamig na temperatura ng kwarto dahil sa air conditioner at iyon lang ang naririnig kong ingay sa sobrang tahimik ng lugar. Amoy ko rin ang alcohol na humahalo sa aircon at nang ilibot ko ang paningin ko ay doon ko napagtantong nasa hospital ako. Iniangat ko ang kaliwang kamay ko at may nakakabit na dextrose doon.
Inilibot kong muli ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, at napansin kong tila hindi lamang pang ordinaryong hospital room ito. Napakaganda ng pagkakadesign at alam na alam mong pinag-isipan talaga ang interior design na aakalain mong hindi ito isang hospital room kundi isang kwarto ng mansyon.
May flower vase at mga furnitures pa sa isang puting mahaba at maliit na desk sa gilid ko, at ang transparent na salamin sa kanan at kitang-kita ko ang mga naglalakihang buildings mula rito.
"Hazelyn!"
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at napangiti ako ng makita ko si Mom na nasa entrada ng comfort room.
"Mom?" nakangiting saad ko na ikinalapit niya sa akin.
"Oh my God! Salamat sa Diyos at gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Mom na nababakasan sa boses niya ang pag-aalala.
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko kaya nakumpirma kong sobrang nag-alala siya sa akin sa nangyari dahil ramdam ko ang pag-aalala niya sa simpleng pagdampi ng labi niya sa noo ko.
"I'm fine now, Mom. Huwag ka na mag-alala, ayos na ako." nakangiting sabi ko kay Mom ng humiwalay siya sa pagkakahalik sa noo ko para gumaan ang loob niya at hindi na mag-alala. Lalo na ng makita ko ang pamumugto ng mata niya at alam kong dahil sa ilang oras na pag-iyak niya iyon sa pag-aalala niya sa akin.
"I know, pero hindi ko pa rin maiwasan na huwag mag-alala hangga't nandito ka pa sa hospital. Hindi ako mapapanatag." sabi ni Mom na ikinahinga ko ng malalim.
Alam ko naman na hindi ko mapipilit si Mom na kontrolin ang nararamdaman niyang pag-aalala sa akin because she's a mother. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nararamdaman niya sa tuwing may nangyayari sa akin na masama kasi alam kong may iba pang nararamdaman ang isang ina bukod sa pag-aalala, at hindi ko iyon matutukoy hangga't hindi pa ako nagiging katulad niya, ang maging isang ina. Hindi ko maiintindihan ang nararamdaman niya hangga't wala pa ako sa posisyon niya bilang ina. Alam kong balang araw maiintindihan ko siya at ang nararamdaman niya ngayon, iyon ay kapag dumating na ang araw na maging ganap na isang ina na rin ako.
At hindi namang siguro maganda kung hindi mo nakikitaan ng pag-aalala ang magulang mo kapag napahamak ka, lalong lalo na ang mga ina kasi sila ang nagdala sa'yo ng siyam na buwan sa sinapupunan nila kasi nabubuo ka palang sa loob nila ay mahal ka na nila. Kaya hindi na nakakapagtakang mas apektado ang mga ina kapag nasa kapahamakan ang anak nila at nawawala sa sarili kapag nawala ang anak nila. Iba ang pagmamahal ng isang ina sa anak niya kaysa sa ama.
"Nasaan po si Dad, Mom?" tanong ko ng hindi ko makita si Dad sa kanina pang paglilibot ng tingin ng mga mata ko sa buong kwarto pero wala siya.
"Nasa labas, bumili muna ng pang-breakfast." sagot ni Mom at may pinindot sa may gilid ng kama na ikinaangat ng bahagya sa bandang uluhan ng kamang hinihigaan ko na ikinangiti ko kay Mom. "Tawagin ko lang si Dra. Melendez, para macheck-up ka dahil iyon ang bilin niya."
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...