CHAPTER 11: Red Teddy Bear
THIRD PERSON'S P.O.V.
"Ano kayang nangyari kay Hazel at hindi siya pumasok ngayon? Hindi naman niya gawin ito at impossible namang ang Tournament ang pinuntahan niya kaya siya absent dahil sa Sunday pa iyon." nag-aalalang sabi ng isa sa mga kaibigan ni Hazel na si Mia sa hindi pagpasok ng dalaga ng araw na iyon ng Lunes.
Lunch time na ng mga oras na iyon at papunta na sa cafeteria ang apat na babaeng magkakaibigan para sa tanghalian nila. At sa dalawang subject nila bago mag-lunch time ay wala ni-isa sa subjects na iyon ang pinuntahan ng kaibigan nilang si Hazel. Palaisipan sa kanila ang hindi pagpasok ng dalaga dahil hindi naman iyon gawain ni Hazel, ang umabsent ng walang rason o hindi nag-sasabi sa kanila na mga kaibigan nito.
"Baka may emergency sa kanila, iyon lang naman ang tanging rason para umabsent siya." sabi ng isa pang kaibigan ni Hazel at pinsan ni Mia na si Savina.
"Hoy, Kath! Ano sa tingin mo ang rason ng pag-absent ni Hazel?" tanong isa pang kaibigan ni Hazel na si Amber sabay kalabit sa babaeng tinawag niyang Kath na ikinatingin ng babae sa kanya at napahinto ito sa paglalakad kaya napahinto rin ang tatlo pang kasama nito.
Kaibigan rin ito ni Hazel si Kath o ang pinakaclose na kaibigan ng dalaga sa kanilang apat na kaibigan nito. Nauna kasing nakilala at naging kaibigan ni Hazel si Kath kaya mas matagal na ang pagkakaibigan ng dalawa at masasabing kilala na ng dalawa ang isa't-isa.
Kaya naisip ni Amber na baka alam ni Kath ang dahilan kung bakit absent ang masipag pumasok na kaibigan nilang si Hazel pero mukhang wala ring makukuhang sagot si Amber kay Kath dahil ilang linggo na itong tahimik at malalim ang iniisip.
"Huh?" nakakunot ang noong sabi ni Kath dahil hindi niya narinig ang tanong ni Amber.
"Hay na'ko! Kath, ilang linggo ka nang ganyan. Ano bang nangyayari sa'yo?" napabuntong-hiningang sabi ni Amber.
"May iniisip lang." sagot ni Kath.
"Ano ba iyang iniisip mo? O baka naman mas tamang itanong ay... Sino iyang iniisip mo?" mapanuring tanong ni Savina.
"Siguro akong si PJ ang nakita ko kanina o baka...aissst! Namamalikmata lang yata ako." sabi ni Kath sa isip ng maaalala ang nakita niyang bulto ng lalaki sa 'di kalayuan kaninang umaga habang kausap niya ang classmate niyang lalaki na si Jerome.
Ang lalaking nakita niya kaninang umaga ay nakasumbrerong itim at nakasuot ng mask na itim din kaya hindi siya sigurado kung ang nobyo niyang si PJ iyon na ilang linggo na siyang hindi kinokontak at hindi niya rin makontak na parang sinasadya dahil hindi naman ganoon si PJ simula ng ilang taong long distance relationship nila. Hindi man sigurado si Kath kung sa kanya nakatingin ang lalaking nakita niya kaninang umaga ay naramdaman niya ang kakaiba nitong tingin na parang katulad kay PJ kapag nagseselos ito.
"Kath!"
Napalingon ang apat na babae sa tumawag kay Kath at nakita nilang si Clarence iyon na matalik na kaibigan ni Hazel.
"Hinahanap niyo si Hazel? Iniisip niyo ba kung ano ang rason kung bakit siya hindi pumasok?" tanong ni Clarence sa mga babaeng kaibigan ni Hazel ng makalapit siya sa mga ito.
"Oo, alam mo ba kung bakit?" tanong ni Mia.
"Nasa hospital siya ngayon." sagot ni Clarence na ikinanlaki ng mga mata ng apat na babae.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...