Chapter 16: New Friend

266 59 1
                                    

CHAPTER 16: New Friend

HAZELYN'S P.O.V.

NANG makarating sa restaurant na itinext ni Mamila na puntahan ko ay naabutan ko siyang mag-isa sa table na pinareserved niya. She's busy scanning the magazine in front of her. Sabi niya ay gusto niya akong ipakilala sa amiga niya at sa apo nito pero mukhang wala pa ang mga ito.

"Hi, Mamila." bati ko sa kanya ng matapat ako sa upuan niya. Sinarado niya ang magazine na hawak niya bago napalingon sa akin at ngumiti. Bumeso ako sa kanya bago umupo sa tabi niya.

"Hello, Dear, how's your day with your friends?" tanong niya.

"Perfectly fine, Mamila." maikking sagot ko na ikinatango niya.

Ilang minuto pa ay may dumating na isang mayaman babae na kasing edad ni Mamila at may kasamang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang ang lumapit sa amin.

"Amiga," sabi no'ng babaeng mayaman. Magaan ang awra ng matandang babae at halatang madaling lapitan dahil sa nakangiti nitong labi, hindi katulad ni Mamila na masungit ang awra na mag-aalangang kang lapitan. Napalingon si Mamila at napatayo. Tumayo rin ako.

"Amiga, long time, no see," sabi ni Mamila at nagbesuhan sila. Napatingin ako sa lalaking nasa likod ng babaeng mayaman.

"This is your granddaughter, Fleurencia. She's so beautiful," sabi sa akin nung babae kaya napabaling sa kanya ang atensyon ko at ngumiti.

"Yes, Amiga. She's my one and only granddaughter, Hazelyn." pakilala sa akin ni Mamila. "Hazel, Dear, this is my Amiga, Margareth Dela Cruz," pakilala ni Mamila doon sa babaeng kaibigan niya.

"Nice to meet you, Hazel," sabi ni Mrs. Margareth at nakibeso sa akin.

"Nice to meet you too, Mrs. Margareth," nakangiting sabi ko.

"By the way, this is my grandson, Garrett," pakilala niya dun sa lalaking kasama niya. Napangiti siya sa akin. Infairness, ang gwapo niya pero mas gwapo si Jerome sa kanya.

"Nice to meet you, Hazel," sabi ni Garrett.

"Me too, Garrett," sabi ko at nakipagshake hand sa kanya.

"Kanina pa ba kayo dito?" tanong ni Mrs Margareth nang makaupo na kaming lahat.

"Nope, kararating lang rin namin." sabi ni Mamila bago senyasan ang waiter para hinjin ang menu.

"Hmmm, nanood pa kasi kami ni Garrett ng Archery Tournament dahil kasali roon ang AUC kung saan siya nag-aaral." sabi ni Mrs Margareth na ikinalingon ko dito na nakatingin sa menu at panaka-nakang sinasabi sa waiter ang order niya.

"Nandoon rin po kayo sa Archery Tournament kanina?" tanong ko.

"Yes, why?" sabat ni Garrett.

"Nandoon rin ako kanina para manood kasama ang mga kaibigan ko." sagot ko.

"Ah, oo, ikaw iyong namahiya sa representative ng AUC para mawala ang distraction niya at ikaw ang dahilan kung bakit siya nanalo." nakangiting sabi ni Garrett na ikinakagat ko sa labi ko ng maramdaman ko ang paglingon ni Mamila sa akin kaya napalingon rin ako sa kanya.

"Nanood ka ng tournament at pinahiya mo pa ang representative ng university niyo?" nakakunot ang noong tanong niya matapos maibigay sa waiter ang order namin at umalis na ito.

"Ahm, wala naman sana akong balak manood kasi ako dapat iyong nasa loob ng field at naglalaro kaso tama si Tito Benjamin hindi ko kaya at matatalo lang kaya okay na rin na may pumalit sa akin. At tungkol sa pamamahiya ko doon sa pinalit sa akin, halatang iyon ang unang beses niya sumali sa Archery Tournament kaya ginawa ko iyong ginawa ni Dadilo sa akin noong sabak ko sa ganoong kompetisyon. Tinulungan ko lang siya para manalo dahil iyon ang gusto ko, ang manalo ang AUC sa larangan ng Archery. At isa pa, Mamila, ang turo ni Dadilo ay kung may kakayahan kang tumulong ay tumulong ka kaysa sa magsisi ka sa huli na hindi ka tumulong noong may pagkakataon ka pa." nakangiting pakiwanag ko kay Mamila na napangiti bago tinapik-tapik ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon