CHAPTER 42: Best Gift
HAZELYN'S P.O.V.
NAPASAPO ako sa ulo ko nang magising ako at makaramdam na para iyong pinipiga o binibiyak ang ulo ko, pati lalamunan ko ang sakit-sakit.
Ano bang nangyari? Parang naliligo lang ako kanina---
Napahinto ako sa pag-iisip kung bakit masakit ang ulo at lalamunan ko nang mapansin ang lugar kung nasaan ako kaya napabangon ako bigla nang makitang nasa kwarto ako.
Anong nangyari sa akin?
Sinubukan kong tanggapin ang dextrose na nakakabit sa akin pero may mga kamay na pumigil sa akin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Si Jerome?
"What happened?" tanong ko bago napatingin sa wallclock na nandito sa kwarto at sa labas ng bintana, ala-una na pala ng madaling araw. Ilang oras na pala akong tulog.
"Nalunod ka. Bakit kasi natulog ka sa tub? Hindi mo ba alam na delikado 'yon?" sermon ni Jerome.
Hayy naku talaga tong lalaking to. Wala nga dito si Dad para sermunan ako, pero itong lalaking 'to ang pumalit.
"Para namang sinadya kong matulog doon, aksidente ang tawag doon. Bakit nandito ka pala? Madaling araw na nagpupuyat ka pa, birthday ko pa naman ngayon. Mamaya mukha kang panda bear-" Hindi ko na na tapos ang sasabihin ko dahil sumabat si Jerome.
"Shhh..." saway niya bago tumabi sa akin sa pagkakahiga t nakisukob sa kumot ko.
"Jerome, what-"
"Para hindi ka tumakas, kailangan mong magpahinga para may lakas ka na para makipag-asaran sa akin mamaya. Isa pa, hindi ko gusto na makita ka mamaya ng mga kakilala natin sa party na mukha kang nalunod. You're my bride to be kaya dapat hindi mo ako ipahiya," sabi ni Jerome.
"Ang yabang nito."
"One of my charms," natatawang sabi ni Jerome.
Anong nakain nito? Parang ang landi ni Jerome ngayon.
Kung ganto pala reaction ni Jerome kapag nalulunod ako, eh, 'di sana nagpapalunod na lang ako lagi.
Crazy. Yeah, crazy in love with him.
"You're different today, Jerome," sabi ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya.
Haiy, so complicated.
Sinubukan ko ulit bumangon pero pinahiga niya ulit ako at niyakap.
"Ang kulit. Magpahinga ka nga sabi," sabi ni Jerome.
Para naman 'tong si Dad.
"Madaling araw na 'no, at saka kanina pa ako natutulog kaya hindi na ako inaantok." pagsisinungaling ko.
Kahit kagigising ko lang parang inaantok ako ulit. Akalain niyo 'yon, nakakapagod din palang malunod.
"Kahit na, pilitin mong matulog dahil magmumukha kang hinabol ng kabayo bukas," sabi ni Jerome. Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin. Wooo! Nasa heaven na yata ako.
Napabalikwas ako ng upo nang may maalala ako bigla bago napatingin kay Jerome na salubong ang dalawang kilay.
"Bakit?" nakakunot ang noong tanong ni Jerome.
"Ikaw ba ang nagligtas sa akin?" tanong ko.
"Oo. Ano bang problema?"
What? Siya talaga ang nagligtas sa akin?
"Ahhhhhh-" sigaw ko pero tinakpan ni Jerome bigla ang bibig ko.
"Ano ba?! Bakit ka sumigaw? Magigising mo pati patay sa lakas ng sigaw mo." inis na sabi ni Jerome.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...