Chapter 19: Kath's Birthday

253 86 7
                                    

CHAPTER 19: Kath's Birthday

KINABUKASAN...

JEROME'S P.O.V.

NAGISING sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko dahil sa nakabukas na kurtina ng sliding door kung nasaan ang terrace ng kwarto ko. Agad akong nagtungo sa banyo at ginawa ang morning routine ko.

Kukunin ko sana ang phone ko sa side table ng kama ng may nakita akong glass bowl na may tubig at bimpo na nakapatong din sa side table na ikinakunot ng noo ko.

May nag-alaga sa akin kagabi? Sino? Siguro ay si Ate Nancy. Siya lang naman ang kasama ko dito sa mansion.

Kinuha ko ang phone ko at lumabas ng kwarto ko para bumaba. Pupunta na sana ako sa kusina ng may napansin ako sa sala. Nakita ko ang bag na palaging dala ni Hazelyn sa sala. Bakit kaya nandito ito? Ang aga naman niyang pumunta dito.

May napag-usapan na kami ni Hazelyn noong isang araw na dito na lang kami sa mansion magpractice ng Archery tuwing weekend kaya hindi na ako magtataka kung bigla nandito na ang babaeng iyon.

"Ate Nancy, bakit hindi mo sinabi sa akin na maagang pumunta dito si Hazelyn?" tanong ko sa nag-iisang kasambahay ko at ipinakita ang bag ni Hazelyn.

"Ahm, Sir, ang totoo po niyan ay kagabi pa po pumunta dito si Ma'am Hazel," sagot niya.

"Huh? What do you mean na kagabi pa siya pumunta? Iniwan niya ang gamit niya dito?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi po. Nasa guest room po si Maam Hazel at natutulog pa po. Noong pumunta po kasi siya dito kagabi ay sobrang taas po ng lagnat mo kaya inalagaan ka niya po hanggang sa bumaba po ang lagnat mo. Kaya sa guest room na lang siya natulog," paliwanag ni Ate Nancy.

Inalagaan ako ni Hazelyn kagabi?

"Ganoon ba? Hayaan mo muna siyang matulog," sabi ko at pumunta na sa dining area kung saan may nakapahanda ng pagkain.

Kumuha ako ng pagkain ko at nilagay sa plato ko bago nagsimulang kumain. Napaangat ako ng tingin sa taong umupo sa tabi ko, si Hazelyn.

"Good morning. Kamusta na pakiramdam mo?" tanong niya at nilagay niya ang palad niya sa noo ko na ikinatitig ko sa babaeng kaharap ko.

"Okay na ako. Bakit ka nga pala pumunta dito kagabi?" walang emosyong sabi ko. Tumango-tango naman siya bago inalis ang palad niya sa noo ko at kumuha ng pagkain niya at nilagay sa platong nasa harapan niya. Ang galing talaga ng babaeng 'to, feel at home kapag nandito.

"Wala lang. Curious lang ako kung bakit hindi ka pumasok kahapon dahil never pa kitang nakitang umabsent since magkakilala tayo," sagot ni Hazelyn at sumubo ng pagkain niya.

"Nasabi naman na siguro ni Ate Nancy ang dahilan kung bakit ako nagkasakit, 'di ba?" walang emosyong tanong ko na ikinatingin niya sa akin

"Oo, kaya nga hindi ako nagtanong, 'di ba?" walang emosyong gatong niya rin na ikina-iling ko.

*****

Napatingin ako kay Hazel ng tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at isukbit sa balikat niya ang kanyang bag.

"Uuwi ka na? Hindi ba tayo magpractice mamana tutal nandito ka na rin naman?" tanong ko na ikinalingon niya sa akin.

Wala talaga akong hilig sa Archery dahil ang hilig ko ay ang pagdo-drawing pero nang makita ko siya, si Hazelyn, na out of focus the day we met, gusto ko lang siyang asarin that time at hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang hinawakan iyong pana at sinubukang mag-asinta ng palaso sa target board.

After that day, hindi ko alam kung bakit bumili ako ng sarili kong Archery set at nagpakabit ng target board sa labas ng mansion. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko. Minsan nga natatagpuan ko na ang sarili kong nasa training field ng university o 'di naman kaya sa labas ng mansion habang may hawak na pana at nag-aasinta ng palaso sa target board.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon