Chapter 53: It Hurts

99 0 1
                                    

CHAPTER 53: It Hurts

MAGKATABI kami ni Jerome na nakaupo dito sa hospital bed, nakasandal ako sa dibdib niya kaya rinig ko ang pagtibok ng puso niya. Wala sila Mom, Dad at Mamila dahil umuwi muna sa mansion para kumuha ng gamit ko.

Nag-angat ako ng tingin kay Jerome na napatingin rin sa akin bago napangiti. Nakita ko ang pagbaba ng tingin ng abo niyang mata sa labi ko na ikinakagat ko sa ibabang labi ko. Unti-unti niyang nilapit ang labi niya para abutin ang labi ko nang biglang bumukas ang pinto, kaya naitulak ko siya nang bahagya at sabay kaming napatingin sa pinto.

"Tita Hazel," masiglang sabi ni Xander at patakbong lumapit kaso hindi siya makalapit dahil mataas ang hospital bed at napayakap sa akin si Jerome na nakangising nakatingin sa pamangkin na sigurado akong may kapilyohang naiisip.

"Bawal kang lumapit kay Tita Hazel mo," pang-aasar ni Jerome sa pamangkin niya habang nakayakap sa akin.

"Tito Je... Please," naluluhang sabi ni Xander sa tiyuhin na umiling.

"No! Bawal!" mariing sabi ni Jerome na ikinailing ko sa kalokohan niya.

Muling bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Raven at Ate Sam dito sa kwarto kaya patakbong lumapit si Xander sa ina niya at binaon ang mukha sa tiyan niyo sako doon umiyak.

"Siraulo ka talaga, pinaiyak mo ang bata," sabi ko at hinampas siya sa balikat na ikinatawa nito.

"Ang sarap talagang paiyakin at makitang umiiyak ang batang iyan. Ang gwapo pa rin kahit umiiyak." natatawang sabi ni Jerome bago bumaba sa hospital bed na ikinailing ko.

"Baby, why are you crying?" tanong ni Ate Sam sa anak at umupo sa sofa para makapantay ang umiiyak na si Xander.

"Mommy... ayaw po akong palapitin ni Tito Je kay Tita Hazel," umiiyak na sumbong ni Xander sa ina. Lumapit si Jerome kay Xander at agad kinarga.

"Joke lang, Baby. Hindi ka pa nasanay sa akin," sabi ni Jerome at lumapit sa akin bago ini-upo sa tabi ko si Xander.

"Tita Hazel, I miss you po," sabi niya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya.

"Miss mo ako? Nasaan ang mga kiss ko kung namiss mo nga ako?" tanong ko sa kanya at napangiti ako ng pinaghahalikan niya ako sa buong mukha.

"Namiss nga ako ng baby ko." nakangiting sabi ko pagkatapos niya akong paghahalikan sa mukha.

"Na'ko, ang batang iyan ay umiyak ng sabihin ng Tito Jerome niya na nabaril ka at nandito sa hospital. Gusto ka ngang puntahan agad kaya lang hindi pinayagan ng ama." sabi ni Ate Sam sa akin.

"Nag-aalala ba ang baby ko sa akin?" tanong ko kay Xander na tumango bago ako niyakap.

Napatingin ako kay Jerome na nakaupo sa sofa katabi sina Kuya Raven at bakas sa mukha ng fiance ko ang inggit sa ginagawa ni Xander na paghalik sa akin kanina. Naalala kong hindi nga pala natuloy ang kiss namin kanina dahil dumating itong si Xander.

"Baby boy, mukhang may naiinggit. Gusto rin niyang ikiss si Tita Hazel," sabi ko kay Xander na napaangat ng tingin sa akin.

"Who?" tanong niya. Itinuro ko gamit ang nguso si Jerome na nakatingin sa amin, napatingin si Xander sa tiyuhin pero agad ulit yumakap sa akin nang mahigpit.

"Hayaan mo siyang mainggit, Tita. Inaaway niya ako kanina," sabi ni Xander habang nakayakap sa akin.

"Kawawa ka naman, Bunso. Hindi ka na makalapit sa fiancee mo," natatawang asar ni Kuya Raven sa nakababatang kapatid na si Jerome.

"Anong hindi?" sabi ni Jerome bago napangisi.

Tumayo sa pagkakaupo niya sa sofa at lumapit sa akin. Pumunta siya sa kabilang gilid ng hospital bed. Nilagay niya sa batok ko ang isang kamay niya bago inilapat sa labi ko ang labi niya. Nanatiling nakadilat at walang kurap ang mata kong nakatingin sa kanya na sobrang

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon