CHAPTER 26: Iskandalo
"ANONG gagawin mo doon sa batang iyon kapag nakita mo?" tanong ko kay Jerome na kasalukuyang nagmamaneho papunta sa batang stalker niya na nagpadala ng picture namin sa media. Suot ko pa rin ang puting polo niya at boxer.
Paniguradong lagot ako kay Dad pag-uwi ko dahil sa kagagawan ng batang iyon. Malaking iskandalo sa amin lalo na kilala ang pamilya namin sa larangan ng negosyo at isa pa modelo ako ng pinakasikat na fashion company sa bansa, ang Candelliego Fashion Industry.
"Ano pa? Di pagsasabihan at kakausapin ko ang magulang."
"Ahhh..Akala ko ibibitin mo patiwarik." nakangising sabi ko.
"I'm not as hateful as you are."
Huminto kami sa isang malaking bahay, as I said earlier malayo ang pagitan ng mga bahay dito at hindi naman exactly magkapitbahay sila dahil medyo malayo talaga ang pagitan.
"Ikaw na lang bumaba tinatamad ako." sabi ko kay Jerome na napabuntong-hininga at napailing bago bumaba.
Binuksan ko ang bintana ng kotse ni Jerome at nakita kong pinapasok siya ng maid.
Bahala siya sa buhay niya since fan niya iyon kaya kailangan siya ang gumawa ng solusyon nito.
"Hindi totoo iyan! Fling mo lang siya! I know na wala lang siya sayo and I know na hindi mo nga maalala ang pangalan ng babaeng na baka kung saan mo lang napulot!" rinig kong sigaw ng isang babae na mukhang ako ang tinutukoy kaya napapikit ako para pigilan ang sariling huwag sugurin ang batang iyon dahil baka masampal ko iyon kapag hindi ako nakapagtimpi sa hindi magandang salitang na lumalabsa sa bibig niya.
"Abigail, tumahimik ka! Kanino ka natutong magsalita ng ganiyan?”
Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa loob dahil naiwang bukas ang gate dahil nagmamadali ang maid na magsasara sana dahil biglang may nagbagsakang gamit sa loob.
Nasa may pinto na ake naririnig ko sila.
"Amm, Abigail, actually kilala ko iyong babaeng sinasabi meo. Siya ba hindi mo kilala? Ano kasi... model-" hindi na natapos ni Jerome ang sasabihin niya ng sumabat ang batang babaeng nagngangalang Abigail.
"I don't care! Model? Maybe she's just a stupid slut! Hindi ka bagay doon! You deserve someone better."
"Abigail!" suway ng ina nito.
Lumapit ako sa kanila. Nakita kong sinisigawan ng nanay ang anak niya na kasalukuyang nakaharap kay Jerome at umiiyak.
"Abigail, malaking iskandalo ang ginawa mo. Pinatawad na kita sa pagkuha sa mga litrato ko pero this is too much. Umabot pa sa TV ang ginawa mo. Bakit kasi pinadala mo pa sa media?" mahinahong sabi ni Jerome.
"Sinubukan ko lang naman since sikat ka mula nang manalo ka sa Archery Tournament na sinalihan mo. Malay ko bang big deal iyon! Bakit lumabas na ba sa TV... That slut deserves it!" Sasawayin sana siya ng nanay niya pero sumingit na ako.
"Young lady, I'm willing to forgive you for giving that picture to the media at papatawarin sana kita sa pagtawag mo sakin ng´slut' pero may hangganan ang pasensya ko. Nakakadalawa ka na." nagtitimping sabi ko kay Abigail na natahimik at napatitig sa akin pati na ang mother niya.
"Hazelyn-" pagpigil ni Jerome sa akin nang makalapit siya sa akin pero sinamaan ki siya ng tingin.
"Shut up! Hindi pa ako tapos." sabi ko kay Jerome at nilapitan si Abigail at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"You're barely out of your nappies, Kid. Humanap ka ng lalakeng ka age mo not this man because this man that you're so obsessed with... He's mine." nakataas ang kilay na sabi ko na ikinasinghap ni Jerome at napatigil sa pag-iyak si Abigail.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...