Last Chapter 1: Special Announcement

69 0 0
                                    

LAST CHAPTER 1: Special Announcement

WEEKS LATER...

"AFTER a year, nakabisita na ulit ako sa'yo. I miss you so much." sabi ko habang hinahaplos ang lapida niya. "Natupad ko na ang huling pangako ko sa'yo bago mo ipikit ang mga mata mo noon... Ang sumali sa World Archery Championship Mixed Team kasama ang lalaking mahal ko at makakasama ko habang buhay. Magaling ka pumili ng lalaking ipapakasal sa akin dahil iyong pinili mo ay ang lalaking mahal ko." nakangiting sabi ko habang hinahaplos ng hintuturo ko ang pangalan niya sa lapida pero agad na nawala ang mga ngiti ko.

"Sayang, hindi mo napanood kung gaano namin ginalingan at pinaghusayan ang laban namin kanina pero alam ko nanonood ka diyan sa itaas at ginagabayan mo kami. Sayang, hindi mo naabutan kung gaano ako kasaya ngayon sa piling ng lalaking pinili mo para sa akin. Sayang hindi mo naabutan ang magiging anak namin ng asawa ko." makungkot na sabi ko bago ako nakaramdam na may mga brasong yumakap sa akin mula sa likod at paghalik niya sa sentido ko na puno ng pagmamahal.

"Don't worry, Dadilo, akong bahala sa maganda at nag-iisang apo mo. Mamahalin ko siya at pahalagahan siya higit sa pagmamahal niya sa akin at sa inaasahan niyo. Sobra akong nagpapasalamat sa'yo dahil ako ang napili mong mapapangasawa ng nag-iisa mong apo. Kayo ni Lolo ang dahilan kung bakit kontento at masaya na ako sa naging takbo ng buhay ko dahil binigay niyo sa akin ang babaeng magmamahal sa akin ng buo at kayang itaya ang buhay niya. Ako dapat ang gumagawa ng bagay na iyon sa kanya, ako dapat ang promoprotekta sa kanya pero huwag kang mag-alala, Dadilo, dahil hindi ko na hahayahang malagay ulit sa peligro ang buhay niya. Ako naman ang magmamahal sa kanya ng sobra-sobra at handa kong isakripisyo ang sarili kong buhay para protektahan siya gaya ng pagtaya niya ng sarili niyang buhay para iligtas ako. Hindi ako nagsisi na sinubukan ko siyang mahalin at maging asawa ang isang babaeng katulad niya. Siya lang ang babaeng mamahalin ko at gusto kong makasama hanggang sa huling hininga ko sa mundong ito. Sila ng magiging anak namin ang higit na mahalaga kaysa sa anumang bagay na meron ako katulad ng yaman o mana na hinahangad ko noon. Sila ang buhay ko. Sila ang lakas ko. Sila ang kasiyahan ko. Sila ang nagbibigay liwanag sa buhay ko. Sila ang pinakaunang priority ko. Sila ang karugtong nang buhay ko kaya mas piliin kong makasama at bigyan sila ng oras kaysa maging masaya sa iba na hindi sila kasama." puno ng senseridad na sabi ni Jerome hanag nakatingin sa lapida ni Dadilo na ikinaluha at ikinangiti ko sa mga binitawan niyang salita dito sa puntod ng isa sa lalaking naging parte ng buhay ko lalo na nang marinig ko kung ano ang itinawag niya kay Dadilo. Agad kong pinunasan ang mga luhang lumandas sa pisngi ko.

"Oh! Bakit umiiyak ang magandang misis ko?" tanong ni Jerome. Napansin niya siguro ang pagpunas ko sa luhang lumandas sa pisngi ko.

"Naiiyak ako sa mga sinabi mo kay Dadilo kung gaano mo ako kamahal, kahalaga at kaimportante sa buhay mo...hindi lang ako kundi pati ang magiging anak natin." naluluhang sabi ko sa asawa ko dahilan para yakapin niya ako ng puno ng pagmamahal.

"Dahil ganoon ko kayo kamahal, kaimportante at kahalaga ng magiging anak o magiging mga anak pa natin sa buhay ko. At wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama kayo habang-buhay." sabi ni Jerome habang nakayakap sa akin. Ilang segundo rin ang tinagal ng yakap na iyon bago kami naghiwalay. "Tara na, uwi na tayo. Paniguradong kanina pa tayo hinihintay sa mansion ng mga magulang at kaibigan natin. At sigurado rin akong gutom na kayo ni Baby." pag-aya niyang umuwi bago nakangiting hinaplos ang tiyan ko na medyo maumbok na kahit tatlong buwan pa lang na hindi naman halata dahil nakasuot ako ng makapal na winter jacket para panlaban sa nalamig na klima dito sa Germany dahil winter season dito.

"Oo, kanina ko pa nararamdaman ang galit ni Baby dahil kanina pa siya gutom." sabi ko na ikinatawa ng asawa ko.

"HAHA! Tara na." natatawang sabi ng asawa ko habang nakayakap ang isang kamay niya sa bewang ko.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon