CHAPTER 25: Something Happened
HAZELYN'S P.O.V.
SOBRANG sakit ng ulo ko pagkagising ko kinabukasan kaya inalala ko kung ano bang nangyari kagabi... the more I tried to remember mas sumasakit ang ulo ko. So, I try to remember little by little, one step at a time.
Nag-aya si Kath na mag-inom kasama ang barkada sa mansion ni Jerome. Tama, nag-inom kami at medyo naparami ang inom ko kaya tumba ako agad. Then, naglaro kami ng game. I can remember it pero not entirely kami medyo malabo sa memory ko. Maybe because I'm tipsy at that time or I'm drunk na.
I can remember what Jerome said that made me cry. I can remember the pain and the hurt. I can remember how I died again when he said those words. What I mean about 'again' is...that every time na nakikita ko si Jerome at nakikita ko kung gaano niya kamahal si Kath.. it's like I'm dying over and over again.
Besides sa masakit ang ulo ko, hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Parang may malaking bagay na nakadagan sa akin at nang mapatingin ako doon ay... braso.
May brasong nakayakap sa akin...braso ng lalaki. Nakatalikod ako sa kung sino mang lalaki na katabi ko pero I can feel his breath. Pinagmasdan ko ang braso ng lalaki.
Impossible na si Jerome ito... pero it looks like PJ's arms too. Lagot ako kay Kath!
Well, minsan na kaming nagkatabi ni PJ sa pagtulog noon at walang malisya doon dahil matalik kaming magkaibigan pero iba na kasi ngayon. May asawa na si PJ.
Unti-unti akong napalingon sa lalaki na nasa likod ko at parang luluwa na ang mata ko sa panlalaki ng makita kung sino ang lalaking nasa likod ko at nakayakap sa akin.
Si Jerome.
"AHHH!" sigaw ko na ikinagulat at gising ng lalaking katabi ko pero nakapikit pa rin ang mga mata niya.
I can see his bare chest... I'm clutching the blanket.
Nanatiling nakapikit pa rin ang mata ni Jerome bago niya unti-unting minulat ang mata at lumingon sa akin. Nanlaki ang kulay abo niyang mga matang nakatingin sa akin.
"Hey! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" nakakunot ang noong tanong niya na ikinalunok ko ng marinig ang husky niyang boses.
Ganito ba itong lalaking ito kapag umaga? Natatanga. Hindi niya ba nakikitang wala akong damit?
"Ano sa tingin mo?" nakataas ang kilay na gatong ko sa kanya.
"Malay ko--" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya nang makita niya kung ano ang ayos namin. "Bakit ka nakahubad?" tanong niya na ikinatampal ko sa noo ko at napapailing. T*ng*nang lalaki ito.
"Eh, ikaw? Bakit ka nakahubad? Ano sa tingin mo ang ginagawa natin sa iisang kwarto na parehong nakahubad? Naglalaro ng patintero? Aisst!" inis na sabi ko dahil napipikon na ako sa walang kamalayan niya sa nangyari sa amin.
Napaikot ako ng mata ng kasalukuyang tinitignan ni Jerome ang sarili niya at doon niya nanginuha na wala siyang suot na damit tulad ko.
"Bakit tayo nakahubad?"
T*ng*nang kainosentehan ng lalaking ito, nakakapikon na.
"D*mn it, Jerome Keann Calliego! Ako pa tatanungin mo? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo dahil wala akong maalala?" galit kong singhal sa kanya dahil hindi ko na kayang pigilan ang inis na nararamdaman ko.
"Relax!"
"Relax? Paano ako magrerelax, ha, Jerome? Ano ba sa tingin mo ang ginawa natin kagabi na hindi ko maalala? Bakit wala tayong damit at bakit-" hindi ko na naituloy ang dapat kong sabihin ng makita ang itsura ni Jerome.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomansaHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...