Chapter 3: Pagkapikon

496 158 1
                                    

CHAPTER 3: Pagkapikon

"SAAN ka galing? Hindi mo sinasagot ang tawag at text namin?" nakataas ang kilay na tanong ni Amber nang maupo ako sa katabi niyang upuan.

"Sa training room." sagot ko sa unang tanong ni Amber bago ko kinuha ang cellphone ko sa bulsa para tignan kung bakit wala akong natanggap na tawag at text sa kanila. "Nakasilent mode ang phone ko. At isa pa, alam niyong kapag nasa training ako ay nakasilent ang phone ko dahil ayoko nang naiistorbo ako." sabi ko ng makitang marami nga silang apat na miscalled at text sa akin kaso nakasilent ang phone ko kaya hindi ko alam na tumatawag at pinapadalhan na pala nila ako ng message.

"Bakit kayo magkasama ni Jerome? Parang kanina lang ay ang sungit mo sa kanya pero ngayon ay sabay kayong dumating at magaan ang loob ninyo sa isa't-isa. Hmm, baka naman nahulog na ang loob mo sa kanya." nakangising bulong ni Kath sabay tabig sa braso ko na nakapatong sa desk niya kaya matalim ang mga mata ko siyang tinginan.

Sabay kaming dalawa ni Jerome na pumunta dito sa classroom para sa next subject namin after practice namin ng pamamana. Magkaklase kami sa lahat ng subject this school year dahil sinabi niya sa akin na pareho kaming Business Administration ang course. Sadyang hindi ko lang talaga inaalam kung sinu-sino ang mga kaklase ko kaya hindi ko alam na magkaklase kami.

"Shut up, Kath! Hindi ba pwede na nagkataon lang na magkasabay kaming dumating? At anong pinagsasabi mong baka magkagusto ako sa kanya? Hindi mangyayari iyan. Sinisigurado kong hindi mangyayari ang bagay na iyan, ang magkagusto sa isang lalaki dahil paniguradong tututol ang matapobre kong lola." mahinang sabi ko sapat lang para marinig ni Kath. Napatingin ako sa bandang likuran kung nasaan si Jerome na seryoso na naman ang awra.

"Huwag kang magsalita ng tapos, Hazelyn. Tandaan mo, iba magplano ang tadhana at baka itong sinasabi mo ngayon ay lunukin mo sa bandang huli." sabi ni Kath na ikinatingin ko sa kanya na walang ibang nakapintang ekspresyon sa mukha niya kundi ang pagkaseryoso lang.

"Kahit anong gawin mong iwas sa pana ni Kupido ay tatamaan at tatamaan ka pa rin at once na tumama na iyan sa puso mo, wala ka nang magagawa kundi sundin ang kung anuman ang sinasabi ng puso mo." seryosong sabi niya ng hindi ako tumugon na ikinatawa ko ng marinig ang mga huling sinabi niya na parang linya lang sa kanta.

"Ang mga huling sinabi mo ay ginaya mo lang sa linya ng kanta." natatawang sabi ko.

"Sige, tawanan mo lang ang mga sinabi ko kasi ako naman ang tatawa kapag ang mga sinabi ko ay mangyari sa'yo, kapag tinamaan ka ng pag-ibig dahil lahat tayo ay diyan mapupunta sa ayaw man o gusto natin." seryoso pa ring sabi ni Kath na ikinatigil ko sa pagtawa.

*****

SOMEONE'S POV

Nakangiti kong pinagmamasdan ang engagement ring nasa pulang maliit na kahong hawak ko. Matagal ko ng pinag-isipan 'to at pinlano na magpropose sa babaeng pinakamamahal ko.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang phone ko. Naisip kong tawagan siya dahil miss ko na ang malamyoa niyang tinig. Nakaka-dalawang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag ko.

"Hello, Love? Kamusta ka na diyan?" Napangiti ako ng marinig ko ang malamyos na tinig ng babaeng mahal ko pagkasagot niya ng tawag ko.

Nagrequest ako ng face-time na ikinabukas ng camera niya kaya kita ko ngayon sa screen ng cellphone ko ang magandang mukha niya. Nakasuot siya ng uniform kaya malamang ay nasa University siya ngayon na pinapasukan niya. Narinig ko ang paglagasgas ng tubig sa kung nasaan man siya ngayon na alam kung hindi siya ang gumagamit ng tubig dahil nakasandal siya sa pader kaya malamang ay ibang tao iyon at nasa comfort room siya.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon