CHAPTER 20: Balang Araw
HAZELYN'S P.O.V.
"Hi, PJ, nice meeting you." sabay na sabi nila Amber, Savina at Mia nang makalapit si PJ kasama si Kath dito sa table namin na kakasya ang walong tao.
"Hello, it's nice to finally meet all of Kath's friends." nakangiting sabi ni PJ kanila Amber bago pinaghila ng upuan si Kath para makaupo bago siya umupo sa tabi ko sa kanan ko. Kaya pinagigitnaan ako ng dalawang matalik kong kaibigan na lalaki na sina PJ at Clarence.
"It's not nice to meet you, PJ." walang ganang sabi ko sa katabi ko bago uminom ng wine sa kopita ko na ikinatawa ni Clarence.
"'Tol, lagot! Nawalan ng gana." natatawang reaksyon ni Clarence.
"Grabe! Kainggit, ang tamis ng halik." sabi ko na ikinatawang dalawang katabi kong lalaki.
"Maghanap ka na ng boyfriend." sabi ni PJ at pabagsak na inakbay ang braso niya sa akin na ikinasama ko ng tingin sa kanya.
"T*ng*na! Paris, ang bigat ng braso mo! Mapanakit ka talaga kahit kailan!" inis kong singhal kay PJ na tinawanan lang ako kaya tinanggal ko ang braso niyang nakaakbay sa akin pero ibinalik niya ulit. D*mn this man!
"Pagpasensyan niyo na ang dalawang iyan. Ganyan sila dalawa kapag pinagsama o mas tamang sabihin na kaming tatlo." rinig kong sabi ni Clarence kanila Amber.
"Kaya lang, ikakasal ka nga pala sa lalaking pinili ng Dadilo mo sa'yo. Paano ba iyan, hindi mo mararamdaman ang saya ng isang relasyon kung saan dalawa kayong nagmamahal sa isa't-isa?" nakangising sabi ni PJ na ikinainis ko kaya tinaggal ko ang braso niyang nakaakbay sa akin.
"Lakas mo mang-asar pagkatapos kitang tulungan makapasok sa AUC at sa proposal para kay Kath. Nakakabweset! Bakit kasi ako nagkaroon ng kaibigang may saltik o di naman kaya ay takas mental." inis kong sabi na ikinatawa ni Clarence at ng iba. "Palit tayo, Mia. Dito ka. Hindi ako titigilan ng bweset na lalaking ito." sabi ko bago tumayo at nakipagpalit ng upuan kay Mia. Kaya ngayon ay nakaupo ako sa pagitan ni Kath at Jerome.
"Magkakilala kayo ni PJ, Hazel?" tanong ni Kath na ikinatingin ko sa kanya at nababakasan ng pagkalito at selos ang mukha niya.
"Oo, he's my best friend since highschool, sila ni Clarence." sabi ko at pilit na ngumiti kay Kath.
"Ikaw si Freedom? Ikaw iyong nag-iisang babaeng best friend ni PJ? Iyong nag-iisang kaibigan niya na naging kaibigan ko." sunod-sunod na tanong ni Kath at halata sa mukha nito na naguguluhan.
"Yes, ako si Freedom, Freedom Alonzo. The one and only girl best friend of Paris and Clarence since high school. Kaibigan nilang lagi akong pinagtutulungang asarin" sabi ko at masamang tinignan sina PJ at Clarence na ikinatawa lang ng dalawa. Tumingin ako kay Kath at hinawakan ang kamay niya kung saan nakasuot ang singsing na bigay ni PJ kanina na nakapatong sa lamesa. "Hindi ko aagawin iyang playboy mo. Never kong gagawin iyon. Never akong magkakagusto sa bweset na lalaking iyan!" sabi ko kay Kath at tinapunan ng masamang tingin si PJ na napatawa sa sinabi ko.
"Grabe! As is naman na magkakagusto ako sa'yo. Maganda ka lang pero mas maganda ang love ko." sabi ni PJ sabay halik sa noo ni Kath na ikinapula ng mukha ng huli na ikinakilig ng mga kasama naming babae.
Sweet. T*ng*na! Nakakakilig. Napapamura ako ng wala sa oras.
"Sus! Parang kasasabi mo lang noong nakaraang linggo na mas maganda pa ako sa mga ex mo, porket nasa tabi mo fiance mo. ! Playboy talaga." sabi ko na ikinatawa ng iba.
"Wala akong sinabi na aagawin mo si PJ, Hazel. Tinanong ko lang kung magkakilala kayo dahil iba ang closessness niyo." sabi ni Kath na ikinatahimik ng iba at ikinaseryoso ko.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
Любовные романыHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...