CHAPTER 29: Confrontation
HAZELYN'S P.O.V.
DISMISSAL...
"HAZEL, sandali lang." sabi ni Kath palabas ng room matapos ang last subject namin.
"Ano iyon?" tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa vacant room na katabi lang ng room bamin.
"Kanina pa kating-kayi ang dila kong magtanong tungkol sa nasaksihan ko kanina." sabi niya pagkaharap sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Ano nga iyon?" tanong ko na ikinahinga niya ng malalim.
"Anong relasyon niyo ni Mr Harrison Alonzo?" tanong niya na ikinanlaki ng mga mata ko at nang makabawi ay natawa ako na ikinakunot ng noo niya. "Hazel, huwag mo akong tawanan! Tinatanong kita! Akala ko gusto mong mahalin ka ni Jerome pero may boyfriend ka na pala at si Mr Harrison iyon." napipikon na sabi ni Kath na mas lalong ikinatawa ko.
"Mukha ba kaming may relasyon ni Harrison?" nakangising tanong ko ng mahimasmasan sa pagtawa.
"Sa paraan ng pakikipag-usap mo sa kanya, sa yakap at paghalik niya sa noo mo, masasabi kong meron. You look miss each other." sabi ni Kath na ikinangisi at iling ko bago ngumiti kay Kath
"Well, namiss naman talaga namin ang isa't-isa. We haven't seen each other since my last visit in America, that was last year." nakangiting sabi ko na ikinakunot ng noo ni Kath.
"So, may relasyon nga kayo... Akala ko si Jerome ang mahal mo. Ang gulo mo." naguguluhang sabi ni Kath na ikinangiti ko bago napatingin ko sa paligid dahil baka may makarinig sa amin.
"Exactly...you know who the man I really love. At may relasyon naman talaga kami ni Harrison." nakangising panggugulo ko sa isip ni Kath.
"Arghh! Ang gulo mo!" inis na sabi ni Kath na ikinatawa ko.
"Mahal ko si Jerome at walang makakapagbago ng pagmamahal ko sa kanya kahit na nga ba nasasaktan ako sa dahilan kung bakit niya ako pakakasalan. And about Harrison... he's my cousin." mahinang nakangiting sabi ko kay Kath na nanlaki ang mga mata.
"Magpinsan kayo? Kapatid siya ni Aaliyah?"
"Oo, magpinsan kami ni Harrison pero hindi siya kapatid ni Aaliyah. Panganay na anak siya ni Tito Benjamin."
"May anak na pala si Mr Alonzo. Bakit hindi ko sila nakikitang pumunta o bumisita dito o kay Mr. Alonzo?"
"Yes, dalawa. Isang lalaki at isang babae. Si Harrison na panganay at sampong taon ang agawat sa akin... then, si Blaire na bunso at kasing edad ko. Pareho silang laki sa America tulad ni Aaliyah."
"Nasaan ang asawa ng tito mo? Hindi ko rin siya nakikitang bumita o pumunta dito?"
"Matagal nang namayapa ang asawa ni Tito Benjamin sa panganganak sa bunsong anak nilang babae na si Blaire. Hindi na nag-asawa ulit si Tito Benjamin dahil ayaw ng mga anak niya na sinang-ayunan niya rin. Mahal niya ang asawa niya at hindi niya kayang magmahal o mag-asawa ulit." mahinang malungkot na sabi ko na ikinalungkot rin ni Kath.
"Kaya pala."
"Lahat ng sinabi ko ay huwag mong sasabihin sa kahit kanino...lalo na kay Jerome. Huwag mong sasabihin sa kanya na pinsan ko si Harrison dahil may plano ako." mahinang sabi ko na sapat lang para marinig ni Kath at nakangisi sa huling sinabi ko.
"Anong plano?" tanong niya na ikinatingin ko muli sa paligid dahil baka may makarinig sa amin.
"Gagawin ko na ang sinabi mo. Gagawa ako ng paraan para mahalin ako ng lalaking mahal ko sa pamamagitan ng pagseselosin ko siya sa pamamagitan ng pinsan ko."
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...