Chapter 65.1: Tatlong Rason

77 0 1
                                    

CHAPTER 65.1: Tatlong Rason

ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling nilagay ang kamay ko sa doorknob ng pinto at saka ako pumasok. Nakayuko at tahimik akong naglakad tungo sa hagdanan.

Wala akong balak na huminto sa sala kung saan sila Jerome, Eric at Antonio. Pero awtomatik na tumigil ang paa ko sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag ni Jerome sa akin.

"Hon!" bakas ang gulat na pagtawag ni Jerome sa akin.

I heard some murmurs from Eric and Antonio, or should I say cursing under their breath. Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko. Bumaba na ang mga luha ko sa pisngi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang akong kinakapusan ng hininga. Ni hindi ko maiangat ang ulo ko para tingnan kung nasaan sila. Nanatili lang akong nakatindig at hindi ko alam ang gagawin. Patuloy ko lang pinapakiramdaman ang paggipit ng dibdib ko sa pagpipigil ng emosyon. Napahinga ako ng malalim dahil hindi ako pwede magpigil ng emosyon ko dahil maaapektuhan ang baby ko.

"H-Hon." Jerome's voice is shaken.

"Sa... S-Sa taas muna ako." halos pabulong na sabi ko na napapiyok pa ang boses.

Hindi ko hinintay na magsalita ulit si Jerome at kinuha ko na ang pagkakataon na iyon na tumakbo sa taas. Takbo ng may pag-iingat dahil delikado lalo na at nasa hagdan ako, baka madulas ako at mawala ang baby ko na hindi pwedeng mangyari.

"Fuck! You idiots, get the hell out of our house!" Bulyaw ni Jerome sa mga kaibigan. Hindi ko na iyon pinakinggan pa, just before I could close the door of our room, tinawag ako ng asawa ko pero hindi ko siya pinansin. "Hon! Hazelyn! Dammit!"

I hastily wiped my tears and climbed on our bed. Magtutulakbeng na sana ako ng kumot nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa niyon si Jerome na namumula ang mukha at hinihingal. Hindi ko lang alam kung saan siya hiningal. Hiningal ba siya dahil hinabol niya ako o baka hiningal siya dahil alam niyang may kasalanan siya.

"You heard what Eric said." panimula niya pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Inis kong pinalis ang mga masasagana kong luha at iniwas ko ang mga mata ko sa kanya.

"Hon." nananantiyang tawag niya sa akin pero hindi ko siya sinagot. I covered my face with my palms and bawled in between my hands. Umiyak ako ng pagkalakas-lakas at wala akong paki kung mairita siya sa akin.

"Shit! Hon." I felt Jerome's arms wrapped around my frame and he brought my face into his chest and let me cry all I wanted. "I'm so sorry, Hon. I'm so sorry.” sabi niya at hinalikan ako sa sentido ko.

"Plano m-mo lahat 'to, Hon? Hindi mo talaga ako mahal? Para pa rin ba ang lahat ng ito sa mana mo?" napangiwing sabi ko at napahawak sa damit niya. He brushed my back and gently pushed me. His big thumbs followed my never-ending tears.

"Hon..."

"Do your kisses tell the truth, Hon? Are your warm hugs a lie? Are those sweet and comforting words that came out of your mouth are true? Do your I love you's lie too?" umiiyak na sunod-sunod na tanong ko. Mariing umiling si Jerome.

"No, Hon." He strongly disagrees.

"Ano 'yong sinabi ni Eric, Hon? Bakit niya sinabi iyon?” naluluhang tanong ko sa kanya habang nakatingin sa abo niyang mga mata na nakatingin sa akin.

He shut his eyes, and tears streamed down his cheeks as he opened them again. I was taken back for a moment when I saw the clear liquid drop from his eyes.

"Yes. Yes, I said that before. But that was before, Hon." he emphasized. "That was before, noong hindi ka pa alam ang nararamdaman mo sa akin...noong nasasaktan ka nang dahil sa akin, Hon."

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon