Chapter 30: Mapanakit na Pagmamahal

200 20 8
                                    

CHAPTER 30: Mapanakit na Pagmamahal

KINABUKASAN...

NAPATAAS ang isang kilay ko nang hindi ko inaasahang makakasalubong ang babaeng kahit kailan ay hindi ko hihilinging magkrus ang landas namin. Walang iba kundi si Tiffany kasama ang mga alipores niya

Bakit ba sumusulpot na lang 'tong babaeng ito basta-basta at kung saan-saan? Ano siya kabote lang ang peg?

Hindi ko na lang sana siya papansinin at lalagpasan ko na lang sana nang hawakan ni Tiffany ang braso nang mahigpit na halis bumaon na ang may kahabaang kuko niya. Walang emosyong tinignan ko siya kahit sa loob-loob ko ay nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Wala rin ako sa mood para patulan siya.

"Ano bang kailangan mo?" walang emosyong tanong ko at tinggal ang pagkakahawak niya sa braso ko na namumula at bakat ang kuko niyang bumaon sa balat ko na ikinangisi niya. Buti na lang ay hindi nagsugat, lagot siya sa akin kapag sinira niya ang makinis na balat ko na ilang taon kong inalagaan.

"Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapaghiganti sayo, Hazel," matalim ang mga matang sabi niya na ikinataas ng kilay ko.

"So, gagantihan mo ako ngayon?" walang emosyon kong sabi.

"Oo."

"Mukhang wala siyang pakialam, Tiff," sabi ni Vanessa, isa sa mga alipores ni Tiffany. Tumingin ako kay Vanessa.

"Shut up, bitch," sabi ko kay Vanessa na ikinais nito.

"Mukhang wala naman siyang laban sa atin, Tiff. Tatlo tayo, isa lang siya," sabi ni Angel.

"Huwag dito, baka may makakita sa atin at maisumbong pa tayo kay Dean," sabi ni Tiffany bago sinenyasan ang dalawang lapitan ako.

Hahawakan na sana ako nila Vanessa at Angel ng umatras ako kaya hindi nila tuluyang nahawakan ang braso ko.

"Don't you dare to touch me or else..." banta ko.

"Or else what?" mataray na tanong ni Tiffany.

"Or else you want me to break your bones."

Nagkatinginan silang tatlo bago mahinang natawa. "Really?" sakrastikong saad ni Tiffany.

"Hindi ka naniniwala sa kakayahan ko?"

"Hindi," sabay-sabay nilang sagot tatlo.

Gano'n pala, ha?

Napangisi ako kasabay ng mabilis na paghatak ko sa braso ni Angel na siyang malapit sa akin. Pinaikot ko ang kamay niya papuntang likod at pwersahang sinandal siya sa pader. Narinig ko ang pagsigaw niya sa sakit dahil narinig ko ang paglagutok ng buto niya.

"Ahh! Hazel, tang*na mo. Ang sakit!" nasasaktang sigaw ni Angel na ikinangisi ko.

"Huwag niyo kasing minamaliit ang kakayahan ko. Pasalamat ka dahil hindi ko tuluyang binali ang buto mo," madiing sabi ko.

Napabitaw ako sa pagkakahawak ko kay Angel ng may humampas sa likod ko malapit sa batok. Buti na lang ay hindi malakas ang pagkakahampas sa akin kaya hindi ako nawalan ng malay.

Tumingin ako sa kung sino ang humampas sa akin. Si Vanessa, himampas niya ako gamit ang makapal na librong hawak niya.

"How dare you, bitch." sigaw ko at hahawakan ko na sana ang buhok ni Vanessa para sabunutan ng may humampas ulit sa likod ko. This time ay mas malakas ang paghampas sa akin kaya napapikit ako ng makaramdam ng pagkahilo. T*ng*na!

"Ano ba? Bitawan niyo nga ako!” sigaw ko at sinubukan kong magpumiglas sa pagkakahawak nila Vanessa at Angel sa akin pero mas hinigpitan lang nila.

Pinagtulungan nila akong tatlo na dalhin sa tagong lugar dito sa Campus. Sinubukan kong manlaban pero ano nga ba ang magagawa ko, eh, tatlo sila at isa lang ako. Pagkarating sa storage room ay pumasok kami at patulak nila akong binitawan kaya napasalampak ako sa sahig. Lumingon ako sa kanila at sinamaan ng tingin.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon