Chapter 36: Sealed

95 0 0
                                    

CHAPTER 36: Sealed

DAYS LATER....

KAILAN ko nang maghanda dahil ngayong araw ang Engagement Party namin ni Jerome. Nasa dalawang-daan ang bilang nang darating. Some are my friends. Mga kakilala at kasosyo sa negosyo nila Dad, Mom at Mamila. Siyempre sa side ni Jerome. Ang alam ko dumating na rito kahapon sa Pilipinas ang buong pamilya ni Jerome at mga iba pang relatives and friends nila. Nakacheck-in na sila sa Candelliego Hotel kung saan gaganapin ang engagement party.

Napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko. It's 5pm in the afternoon kaya kailangan ko na talagang mag-ayos. Pumasok na ako sa bathroom at nag-shower. Then, sinuot ko na ang damit ko na nakaready na nasa ibabaw ng kama ko after kong mag-shower. It's a White Tube Butterfly Cocktail Dress and I paired Crystal Peep Toe High Platform Stiletto High Heels. Umupo ako sa harap ng hair dresser at bahagyang kinulot ang buhok ko. I put some light makeup on.

Then, I'm good to go. Simple lang ang ayos ko. Hindi ko naman kailangang magpabongga. Ika nga, simplicity is beauty. Depende na sa tao yan kung paano niya dalin ang sarili niya. And I know how to carry myself.

Nakarinig ako ng katos sa pinto ng kwarto ko kay tumayo ako at kinuha ang sling bag ko na nasa ibabaw ng kama at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ay bumungad si Mom sa akin na napangiti ng makita ang ayos ko.

"Ang ganda ng anak ko. Anyway, nasa baba na si Jerome. Hinihintay ka niya," nakangiting sabi ni Mom na ikinakuunot ng noo ko.

"Ha? Bakit po siya nandito?" nakakunot ang noong tanong ko.

"Syempre... sa kanya ka sasabay," nakangiting malapad na sabi ni Mom.

"I can drive," sabi ko. Pwede naman na ako na lang ang pumunta mag-isa doon.

"Huwag na. Mas maganda kung kay Jerome ka na sasabay. Para makita ng media na nandoon na you two are on good terms."

"We are on good terms, Mom. Pwede naman na sa inyo ako ni Dad sumabay." kontra ko kay Mom na umiling at napaseryoso ang awra.

"Sasabay ka sa fiance mo and that's final." seryosong sabi ni Mom na ikinabuntong-hininga ko dahil kahit kailan hindi ako manalo sa parents ko.

"Okay po," sabi ko at lumabas ng kwarto ko.

Pagkababa ko sa ikalawang palapag ay tumayo na si Jerome sa pagkakaupo sa sofa at naglakad palabas ng mansion na ikinasimangot na sumunod sa kanya dahil hindi man lang niya ako nakuhang pasadahan ng tingin o kahit sulyap man lang dahil nang makita niya akong pababa na ay tumalikod agad siya.

"Ang tagal mo," sabi ni Jerome nang magsabay kami sa paglalakad. Napatigil ako sa sinabi niya at nakataas ang isang kilay na tumingin ako sa kanya.

"Talaga lang, ha, Jerome? Hindi mo naman siguro gustong pumunta ako sa Engagement Party natin na naka-jeans at t-shirt lang, 'di ba?" mataray na sabi ko sa kanya bago siya tinalikuran at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa kotse niyang nasa tapat ng gate ng mansion. Agad akong sumakay sa shotgun seat pagkarating ko dahil hindi naman nakalock ang kotse niya.

"Hindi ba masyadong maikli 'yang sout mo?" sabi ni Jerome ng makaupo na siya sa driver seat at pinaandar ang kotse paalis.

Napatingin ako sa side mirror ng kotse ni Jerome at nakita ko ang pagsunod ng apat na itim na motor, itim na van at itim rin na SUV sa amin. Pumuwesto ang dalawang motor sa magkabilang gilid ng kotse ni Jerome at ang dalawa pa ay sa magkabilang gilid ng van. I'm sure, sina Mom ang lulan ng van at mga bodyguard ang nagmamaneho ng motor at SUV na nasa likod ng van.

"Not really... May mas maikli pa dito," biro ko sa tanong ni Jerome nang umayos ako sa pagkakaupo at ibinaling ang atensyon ko sa kanya.

"Psh! Women! Sa panahon ngayon paiklian na ba ang mga damit niyo?" naiiritang sabi niya na ikinaikot ng mga mata ko sa reaksyon niya habang nakatutok ang mga mata sa pagmamaneho.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon