Chapter 37: Maturity

87 2 0
                                    

CHAPTER 37: Maturity

JEROME'S P.O.V.

"So, Hazel, Dear, ilang araw na lang ay birthday mo na, what's your plan?" tanong ng Mamila ni Hazelyn na si Doñya Fleurencia na kasama namin sa table kasama ang parents niya at pamilya ko. Napatingin ako kay Hazelyn na nakaupo sa kaliwang tabi ko at nakatingin sa batang nasa kanang tabi ko.

"I still don't have plans, Mamila. Siguro katulad pa rin dati. Simple lang kasama kayo at ang mga kaibigan ko, hindi na kailangan ng bongga. I'm not a kid anymore para pabonggahin o magpaparty sa birthday ko." sabi ni Hazelyn na hindi nakatingin sa Mamila niya kundi sa nilalang sa tabi ko.

"Sa mansion pa rin ba?" tanong ni Tita Chrizel kay Hazelyn.

"Yes, ayoko sa ganitong hotel mag-celebrate ng birthday ko dahil ayoko ng may media. I want to celebrate my birthday in a peaceful place at sa mansion lang iyon." sabi ni Hazelyn.

"Okay, kami na ang bahala ng Mom mo mag-asikaso sa birthday mo dahil parang wala kang balak asikasuhin." sabi ni Doñya Fleurencia kay Hazelyn na hindi pa rin nakatingin sa kanila.

"Jerome, palit tayo ng upuan." mahinang sabi ni Hazelyn na ikinakunot ng noo ko dahil kanina ko pa napapansin na hindi siya mapakali sa kinauupuan niya simula nang maupo kami dito sa table kasama ang pamilya namin at panay ang tingin niya sa pamangkin ko.

"Huh? Bakit?"

"Kanina ko pa gustong makausap ang pamangkin mo. Hindi talaga ko makatiis na hindi ko makausap ang batang nakikita ko at kapag lumipas ang gabing ito na hindi ko iyan nakakausap, paniguradong hindi ako makakatulog at pupuntahan ko iyang batang iyan sa mansion niyo kahit madaling araw pa. Kaya sige na, palit na tayo. Please, Hon." nakangusong sabi niya bago napatingin sa pamangkin kong anak ni Kuya Raven na si Xander na tahimik na kumakain ng chocolate galing sa chocolate fountain.

Napatitig ako kay Hazelyn na nakanguso ang labi at papikit-pikit ang talukap ng kulay asul niyang mga mata na nakatingin sa akin. Hindi ko inaasahan na magkakaganito siya dahil ngayon ko lang nakita ang ganito niyang side na may pagka-isip bata na kahit ganoon ay maganda pa rin siya. Ang cute niya. Hindi nakakasawang pagmasdan.

"Okay," sabi ko na ikinangiti niya bago kami nagpalit ng upuan.

"Hi, handsome baby boy." nakangiting sabi niya kay Xander na napatingin sa kanya pero agad na tumayo ang batang lalaki sa kinauupuan niya at yumakap sa Mommy nito.

Napabagsak ng balikat si Hazelyn at nakangusong tumingin sa akin. Bakit ba ang ganda niya pa rin kahit nakanguso siya na parang batang hindi pinagbigyan ng magulang?

"Parang gusto kong umiyak dahil ngayon lang nawala ang charm ko sa mga bata. Pareho kayong mag-tito, nawawala ang charm ko sa inyo." naluluhang sabi ni Hazelyn na ikinatawa ko ng mahina.

"HAHAHA! Mukha ka raw kasing monster." natatawang pang-asar ko na ikibilog ng asul niyang mga mata.

"Monster? Masyado akong maganda para maging monster pero pwede rin, magandang monster ako kapag nagkataon." sabi ni Hazelyn na ikinatawa ng mga kasama namin sa lamesa na hindi niya pinansin at muling ibinalik ang tingin kay Xander na nakayakap pa rin sa ina sa nakabaon ang mukha sa dibdib ng ina. "Baby boy, maganda ako pero hindi monster. Hindi ako nangangain ng mga gwapong bata kasi mahal ko sila. I love kids, kaya kausapin mo na ako," nakangusong sabi niya kay Xander sabay kalabit ng bahagya sa balikat ng bata na umiling habang nakayakap kay Ate Sam.

"Ayaw niya sa'yo, huwag mong pilitin dahil baka umiyak." sabi ko kay Hazelyn nang hindi pa rin siya pansinin ni Xander.

"Hindi pwede. Hindi ako makakatulog at sinasabi ko sa'yo, pupunta ako sa mansion niyo at manggugulo ako doon kahit madaling araw pa kausapin lang ako ng pamangkin mo." naluluhang sabi ni Hazelyn sa akin na ikinabuntong-hininga ko dahil hindi talaga masyadong nakikihalubilo sa ibang tao si Xander.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon