Chapter 50: Sakripisyo

66 0 0
                                    

CHAPTER 50: Sakripisyo

KATH'S P.O.V.

"D*MN! Wala pa rin kayong mahanap na impormasyon kung nasaan ang anak ko." matalim ang mga asul na matang sabi ni Tito Laurence sa mga pulis na kasama namin dito sa mansion na pagmamay-ari ni Jerome.

Dalawang araw ng hindi umuuwi sina Jerome at Hazel simula nang magpaalam silang kakain sa labas noong araw na makita namin ang resulta ng DNA test nila Jerome at nang pinagbubuntis ni Tiffany. Halos dalawang araw na rin kaming walang tulog sa paghahanap ng impormasyon para malaman kung nasaan ang dalawa sina Jerome at Hazelyn. May suspetsya si Tito Laurence na kinidnap iyong dalawa kaya hindi pa nakauwi at hindi sumasagot sa mga tawag namin.

Maliban sa amin ni PJ at mga magulang ni Hazel, nandito rin kasama namin ang mama at pamilya ng kuya ni Jerome na umuwi dito kahapon nang mabalitaan ang nangyari sa dalawa. Nandito rin sina Amber kasama ang ibang kaibigan namin. Ang asawa nga ni Amber na si Paul na isang Computer Engineering Student ay sinusubukan i-track ang location ng mga cellphone nila Hazel at Jerome. May I.T. Expert din namang hinire si Tito Laurence pero gustong tumulong ni Paul.

May narinig kaming ring ng cellphone at napatingin kami kay Tito Laurence na siyang may-ari ng cellphone na tumutunog.

"It's Hazelyn." sabi ni Tito Laurence na ikinalapit namin sa sala kung nasaan ang mga magulang nila Hazelyn at Jerome.

Sinenyasan ko sina Paul at ang hinire na I.T. Expert ni Tito Laurence para i-track nila ang location ng cellphone ni Hazelyn pagkasagot ni Tito Laurence sa tawag na ikinatango ng mga ito.

"Hazelyn, nasaan ka?" tanong ni Tito Laurence pagkalapag niya ng cellphone sa center table kung saan naka-loud speaker iyon kaya maririnig namin ang sagot ng taong nasa kabilang linya.

"Sir, pasensya na. Hindi po ako si Hazel, napag-utusan lang po." sabi ng tinig sa kabilang linya at boses iyon ng lalaki.

"Sino ka? Bakit nasa iyo ang cellphone ng anak ko?" nakakunot ang noong tanong ni Tito Laurence.

"Ako po si Dan, inutusan po ako ni Hazel na tawagan kayo para ipaalam sa inyo ang lokasyon namin. At magsama na rin kayo ng pulis pero huwag kayong mag-iingay." sabi ng lalaki sa kabilang linya na nagngangalang Dan.

"Nasaan kayo?"

"Mas maganda sigurong i-text ko na lang sa inyo para mailagay ko ang eksaktong lokasyon." sabi ng lalaki sa kabilang bago pinatay ang tawag.

Ilang minuto lang ay muling tumunog ang cellphone na senyales na may natanggap na text si Tito Laurence. Binasa niya iyon at napatayo.

"Sama ako." sabi ng mama ni Jerome na si Tita Cherry.

"Ako rin, Di. Gusto kong makita ang anak natin. Gusto kong makita siya ligtas." sabi ni Tita Chrizel.

"Hindi na, ako na lang ang pupunta. Baka mapahamak kayo." sabi ni Tito Laurence at akmang maglalakad na siya palabas ng pigilan siya ng asawa niya.

"Di, isama mo na ako. Nag-aalala ako sa anak natin. Nag-iisa lang iyon. Hindi ko kaya o kakayanin kapag nawala siya. Please, isama mo ako." pakiusap ni Tita Chrizel na ikinabuntong-hininga ni Tito Laurence bago ngumiti at tumango.

"Okay, sige." sabi ni Tito Laurence bago napabaling sa amin. "Dito na muna kayo, babalitaan na lang namin kayo." dagdag nito na ikinatango namin bago sila lumabas ng mansion.

Sana walang masamang mangyari kanila Jerome at Hazel. Sana okay lang sila at ligtas na makabalik dito.

*****

HAZELYN'S P.O.V

HINDI ko alam kung ilang araw na kaming nandito sa lumang bahay na ito dahil wala akong makitang orasan at hindi rin kasi nakikita ang pagtaas at paglubog ng araw, basta isa lang ang sigurado ako nag-aalala na sina Mom sa akin at kay Jerome dahil sa pagkawala namin lalo na si Dad dahil may kasunduan kami na kapag tumira ako sa poder ni Jerome, tatawag ako sa kanya everynight.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon