Special Chapter

144 3 0
                                    

A/N: Ihabol ko itong special chapter dahil nandito iyong bunsong kapatid nila Jezelle at kasama siya kwento ni Jezelle na BS1: Tears Of Loving You. Baka magtaka kayo kung bakit may kapatid ang kambal doon tapos hindi siya kasama sa kwento ng magulang nila.

*****
SPECIAL CHAPTER

FIVE YEARS LATER...

It's been years since nang maikasal kami ni Jerome. Sobrang saya namin sa pagsasama namin bilang mag-asawa. Minsan ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan at nag-aaway rin pero mabilis lang din namin naaayos. And about the twin, they are now six years old and they are now already in pre-school. Mas nakikita sa mukha nila ang pinaghalong mukha namin ni Jerome.

Kakagising ko lang ngayon. Napatingin ako sa wallclock dito sa kwarto namin ni Jerome. Alas-syete palang umaga, pero walang Jerome Keann Calliego ang bumungad sa akin.

Halos isang linggo ng hindi umuuwi si Jerome o kung uuwi man siya ay late na, hindi ko alam kung bakit. Tumatawag naman siya at sinasabi niyang sobrang busy niya sa kumpanya. Hindi na kasi ako nakakapunta sa kumpanya para tulungan siya because I'm pregnant sa bunso namin ni Jerome at this week na ang due date ko, excited na kaming makita ang baby girl namin ni Jerome, pati sila Jeremy lalo na si Jezelle dahil may playmate na raw siya sa mga doll niya.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Jerome. "Hello, Hon. I miss you," bungad ko sa asawa ko nang sagutin niya ang tawag ko.

"I miss you too, Hon." sabi niya sa kabilang linya.

"Hindi ka pa ba uuwi, Hon. Miss ka na rin ng kambal."

"Uuwi rin ako maya-maya. Sa ngayon, punta ka na lang sa sasabihin kong lugar. Isama mo na din sila Jeremy at Jezelle." Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Ha? Bakit?"

"Secret. I love you, take care."

"I love you too."

Agad naman akong nagpalit ng damit. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto, sakto namang napadaan si Yaya Che na yaya ng kambal sa harap ko.

"Yaya, pakibihisan sila Jeremy at Jezelle, may pupuntahan kami," utos ko na ikinatango nito.

"Sige po, Ma'am," sabi niya at pumunta sa kwarto nila Jeremy at Jezelle. Bumaba na ako na ako at umupo na muna sa sofa para hintayin ang kambal.

"Manang, pakisabi kay Lester na pakihanda ang kotse, may pupuntahan po kami ng kambal," sabi ko sa matandang kasambahay namin na may dalang basket na patungo sa kusina.

"Sige, Hija," sabi ni Manang bago umalis at pumuntang kusina.

"Mommy!" Nagmamadaling lumapit sa akin yung dalawa at umupo sa tabi ko.

"Mommy, where are we going po?" tanong ni Jeremy na ikinangiti ko dahil kahit limang taon palang sila ng kakambal niyang si Jezelle ay mataas na sila magsalita.

"Kay Daddy, miss niyo na siya, di ba?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Yeah, Mommy. I really miss Daddy so bad," sabi ni Jezelle.

"Ma'am Hazel, naka-ready na po ang kotse," sabi ni Lester na kinuha ni Jerome bilang driver ko.

"Let's go na?" tanong ko sa kambal na tumngo bago nila ako inalalayan sa pagtayo. Lumabas kami ng mansion at sumakay sakotse.

Habang nasa byahe kami ay napapansin kong panay ang tingin ni Jezelle sa tiyan ko. "Bakit, Baby?" tanong ko sa kanya.

"Mommy, I'm excited to see our baby girl," nakangiting sabi niya bago tinampian ng halik ang tiyan ko na ikinangiti ko.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon