CHAPTER 61: Panibagong Yugto ng Buhay
KINAGABIHAN...
NAKAUNAN ako sa hubad na dibdib ng asawa ko habang tahimik na nakahiga lang kami sa kama matapos ang aming pag-iisa. Marahang humahaplos ang palad niya sa buhok ko at ang masuyong dinampian ng halik ang noo ko. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin sa bawat halik na ibinibigay niya tuwing nag-iisa ang katawan namin. Hindi ako nagkamali ng lalaking minahal ng totoo. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya dahilan para mapaanggat ako ng tingin sa kanya.
"Hon, okay lang ba sa'yo na mag-ampon tayo?" tanong ko habang nakatingala sa kanya at nakaunan ako sa ulo niya. Walang emosyong tinapunan ako ng tingin ng abo niyang mga mata na ikinakunot ko.
"Bakit? Ayaw mo bang magkaanak tayo na galing mismo sa atin? Ayaw mo bang magbuntis sa anak natin?" sunod-sunod na salang emosyong taning niya bago umupo sa kama at nakatingin sa akin samantalang ako ay nanatiling nakahiga at tinakpan ng kumot ang hubad kong katawan na ikinabuntong-hininga ko.
"Hindi sa ganoon, Hon. Gusto kong magkaroon tayo ng anak na galing mismo sa ating dalawa...galing mismo sa sinapupunan ko. Gusto kong magbuntis at dalhin sa sinapupunan ko ang bunga ng pagmamahalin natin. Ang tanong ko ay kung okay sa'yo na mag-ampon tayo pero wala akong sinabi na ayokong magkaanak tayo o ayokong magbuntis." mahinahong sagot ko sa mga tanong ni Jerome na ikinatitig niya sa akin.
"Bakit tinatanong mo sa akin kung okay lang sa akin na mag-ampon tayo?" mahinanong tanong niya.
"Gusto kong ampunin si Celine. Kaso pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko ang plano kong pag-ampon sa kanya at gusto ko rin muna humingi ng consent sa'yo kung okay sa'yong ampunin natin si Celine dahil ayokong gumawa ng isang desisyon na walang pahintulot mo. Hindi na lang ako ang pwedeng magdesisyon sa pamilya natin dapat kasama ka dahil mag-asawa tayo, dapat sabay tayong magdesisyon at magplano para sa pamilya natin."
"Bakit gusto mong ampunin si Celine?" napakunot noong tanong niya.
"Naaawa ako sa kanya. Wala na siyang magulang kahit baby pa lang siya. Hon, ampunin natin siya." sabi ko kay Jerome na nakatitig sa akin.
"Sorry, pero ayoko siyang ampunin." seryosong sabi ni Jerome na ikinabagsak ng balikat ko.
"Bakit?"
"Hindi mo ba naisip na baka ang batang iyon ay ang anak ni Tiffany na kunuha ng DSWD. Alam kong nabalitaan mo ang pagtalon ni Tiffany mula sa rootop na sanhi ng pagkam*tay matapos ihiwalay sa kanya ang anak niya. At ang sabi ni Sister Elaine, ang ina ng batang iyon ay may kapansanan sa pag-iisip at nagpakam*tay nang maihiwalay sa anak, doon palang hindi malabong si Tiffany ang ina ng bata." seryosong sabi ni Jerome na ikinatahimik ko dahil may punto siya, may possibilidad ngang si Tiffany ang ina ni Celine.
"Okay, hindi na natin siya aampunin." sabi ko at napapikit dahil pagod ako sa pagniniig namin.
"I'm sorry, Hon, pero hindi ko kayang ampunin ang anak ng babaeng muntik ng pum*tay sa'yo." sabi niya na ikinatango ko habang nakapikit pa rin ang mga mata.
"Okay lang, naiintindihan ko. Tama ka, may possibilidad na si Tiffany ang ina ni Celine at ayokong magpapasok sa buhay ko o papasukin sa buhay ko ang batang anak ng mortal kong kaaway." seryosong sabi ko bago napamulat ng mata at tumingin sa asawa kong nakatingin sa akin. "Susundin at rerespetuhin ko lahat ng desisyon mo para sa pamilya natin, at sana katulad ng ginawa kong paghingi muna nang pahintulot sa'yo bago gumawa ng isang desisyon, ganoon ka rin sana sa akin. Gusto kong sabay tayong nagdedesisyon at pagpaplano dahil hindi na lang tayo nagdedesisyon para sa sarili natin kundi para sa pamilyang bubuohin natin. Mag-asawa na tayo kung saan magkatuwang tayo sa lahat ng bagay at parehong nakakaintindindihan. At higit sa lahat magiging maayos ang takbo ng pagsasama ng mag-asawa kung tapat sila sa bawat isa at nagmamahalan habang buhay sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya ng inyong buhay." mahabang sabi ko bago siya muling humiga at pinaunan ulit ako sa dibdib niya kung saan rinig ko ang pagtibok ng puso niya. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko at pag-amoy niya sa buhok ko.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...