EPILOGUE
MONTHS LATER...
"HON, it hurts!" umiiyak kong singhal sa asawa ko habang nakayakap sa akin. Mahigpit akong napahawak sa dibdib niya na halos na lukod ko na para kumuha ng lakas nang makaramdam ako ng matinding sakit sa puson ko habang nakahiga sa kama.
Naka-admin na ako dito sa hospital ilang oras na ang nakakalipas ng isugod ako dito ni Jerome dahil hindi ko na kaya ang paghilab ng tiyan pero hindi pa pumuputok ang panubigan ko. Nakatagilid akong nakahiga sa kama habang nakayakap sa asawa ko na hindi ako iniwan at laging nasa tabi ko simula noong mag-false alarm ako last week. Kasama namin ni Jerome dito sa hospital room na inuukapahan ko si Mom na hinihilot ang balakang para medyo mabawasan ang sakit na nararamdaman ko pero hindi umuubra.
I'm six cm dilated and I need to wait more. Sabi ni Dra. Mendez, ganito raw talaga kahirap ang pagla-labor lalo't hindi pa pumuputok ang panubigan ko. Kinakailangan pang maghintay hanggang sa umabot ako ng ten cm bago ko mailabas ang mga anak namin namin ni Jerome.
"It hurt so much, Mom." umiiyak nsa sabi habang dinadama ang haplos niya sa likod ko pero masakit pa rin.
"I know, trust me, I know, but it's worth it." My mom's assured.
"Arghh! W-When will this be over? Hindi ko na kaya." I asked as I clenched my teeth.
"Shhh! Kaya mo iyan, Hon. Nandito lang ako." masuyong sabi ni Jerome bago dinampian nang halik ang noo ko. Naramdaman ko ang pagpahid niya sa butil-butil na pawis ko sa labis na sakit na nararamdaman ko. "Here, you can squeeze my hand. Then, inhale. Exhale." Napangiwi lang ako habang ginagawa ang sinasabi ng asawa ko habang mas humigpit ang pakakahawak ko sa kamay niya habang tinitiis ang sakit na nararamdaman. "Kaya mo iyan, Hon. Ilang oras pa. Konti pa."
"Hindi ko na kaya," ngiwi pang sabi ko bago napahinto at pagtulo ng mga luha ko. "Sobrang sakit, Hon. Hindi ko na kaya."
"Kaya mo, Hon. Everything will be worth it kapag nakalabas na sila, okay? Kailangan mo lang magtiis ng ilan pang minuto hanggang sa maging handa na ang katawan mo para ilabas sila. Kapit ka lang sa akin. Ako ang magsisilbing lakas mo sa mga sitwasyon na ganito na pinaghihinaan ka ng loob." masuyong sabi ng asawa ko bago paulit-ulit na hinalikan ang ulo ko.
"T-Thanks!" sabi ko dahil nakakatulong kahit papaano ang ginagawa niyang pagpapakalma at pagpapalakas ng loob ko.
Malaki ang pasasalamat ko na mayroon akong asawa na magpapagaan ng loob ko ngayon habang naghihintay sa paglabas ng mga anak namin. Hindi siya nagkulang sa pagpapalakas ng loob ko at pagsabi na kakayanin ko ito sa tuwing titindi ang contraction ko.
Kaya ko ito. Kakayanin ko ito para sa mga anak namin ni Jerome. Makikita at mayayakap ko na sila pagkatapos nito. Kailangan ko lang kayanin at magtiis dahil magiging worth it lahat ng sakit at hirap na nararamdaman ko kapag nakita at nahawakan ko na ang anak ko na siyam na buwan kong dinala sa sinapupunan ko at bunga ng pagmamahahalan namin ng lalaking mahal ko at mahal ako.
*****
JEROME'S P.O.V.
HINDI ko alam kung ano ang gagawin ko. Ilang oras nang nasa delivery room si Hazelyn nang ipalipat siya doon ni Dra. Mendez sa mga nurse nang mag-nine cm dilated si Hazelyn para kapag ten cm na siya ay diretso na siya sa pagpush ng anak namin.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...