CHAPTER 32: Endearment
HAZELYN'S P.O.V
NAPAHINGA ako ng malalim bago ko idinilat ng marahan ang mga mata ko nang maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko at may marahang humahaplos ng buhok ko. Napa-angat ako taong nakaupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga, si Mom.
Nilibot ko ang tinging ko sa paligid kung nasaan kami, nasa clinic kami ng university. May nakasuot na oxygen mask sa akin kaya medyo nakakahinga na ako ng maayos, hindi katulad no'ng nasa storage room ako na halos sa kapusin ako ng hininga.
"Anak, kamusta ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Mom. Sinubukan kong umupo pero nahihirapan ako dahil ramdam ko pa rin ang panghihinga ng katawan ko at umiikot rin 'yong paningin ko kaya muli akong napapikit ng mga mata. Naramdaman ko ang paghawak ni Mom sa braso ko para alalayan akong umupo.
"W-Why are you here? W-Where's Dad?" nanghihinang tanong ko pagkatapos kong tanggalin ang oxygen mask na nakasuot sa akin nang maayos na akong nakakahinga. Sinubukan kong ayusin ang paraan ng pagsasalita ko para hindi niya mahalata ang panghihina ko pero bigo ako.
"Tinawagan ako ni Jerome at sinabi ang nangyari sa'yo. Ang Dad mo ay nasa Dean's Office, kausap ang mga may gawa sa'yo nito, kasama ang parents nila. Anong ginawa nila sayo, Anak? Bakit hinang-hina ka? At bakit namumula ang magkabilang pisngi mo?" nag-aalalang sunod-sunod na tanong ni Mom. Alam kong hindi ako makakapagsinungaling sa parents ko.
"T-Tatlong beses niya akong pinagbuhatan ng kamay. M-May ininject rin siya sa aking drugs dahilan kung bakit nanghihina ako at hindi ko magawang humingi ng tulong. Pakiramdam ko ang hina-hina ko. Mom, akala ko hindi na ako makakalabas doon. Akala ko doon na magtatapos ang buhay ko," umiiyak kong paliwanag kay Mom na ikinayakap niya sa akin.
"Malaki ang pasasalamat ko kay Jerome dahil nilabas ka niya doon. Malaking tulong ang pag-uupgrade niyo ng CCTV sa buong campus kaya nahanap ka ni Jerome at nailabas sa storage room. Malinaw na nakuhan ng CCTV ang ginawang pagkandado sa'yo ng tatlong babaeng iyon sa storage room," paliwanag ni Mom na ikinakunot ng noo ko.
"Paano niya nakita ang CCTV footage na nangyari kanina? Ang alam ko ay tanging ako lang ang nagmo-monitor niyon sa Student Council maliban kay Tito Benjamin at sa bantay sa control room. May passcode din ang laptop na ginagamit ko sa pagmomonitor ng CCTV kaya impossibleng mabuksan niya iyon," nakakunot ang noong sabi ko.
"Nabuksan ko ang laptop mo."
Napatingin kaming dalawa ni Mom sa pinanggalingan ng tinig na nagsalita na nakakapasok lang dito sa clinic.
Si Jerome.
"Paano mo nalaman ang passcode ng laptop ko?" nakataas ang kilay na tanong ko kay Jerome.
"Anak, labas lang muna ako. Mag-usap muna kayong dalawa ni Jerome," sabi ni Mom na ikinatango ko bago siya tumayo at lumabas ng clinic.
"Paano mo nalaman ang passcode ng laptop ko?" pag-ulit ko sa tanong ko sa kanya kanina. Lumapit siya sa akin at umupo gilid ng hospital bed.
"Sinabi sa akin ni Kath ang passcode. Bakit birthday ko ang passcode mo? May gusto ka ba sa akin?" sabi niya at napangisi siya sa huling sinabi niya na ikinaikot ng mga mata ko bago nag-iwas ng tingin ng maramdaman ang pag-init ng pisngi ko.
"B-Bakit masama bang gamitin ang birthday mo bilang passcode? At duh! Hindi porket ginamit kong passcode ang birthday mo ay gusto na kita."
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomantiekHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...