Chapter 17: Partner

258 92 0
                                    

CHAPTER 17: Partner

"ANONG meron dito?" tanong ni Jerome sabay tingin kay Tiffany na hindi nakatingin sa kanya.

"Siya ang nauna." sabi ni Tiffany na ikinaawang ng bibig ko dahil binaliktad niya ang sitwasyon.

"D*mn! Anong ako ang nauna? Nananahimik ako kasama ang mga kaibigan ko at ikaw itong biglang sumulpot kasama niyang mga alipores mo tapos sasabihin mo ako ang nauna. G*ga ka ba?" hindi makapaniwalang sabi ko kay Tiffany.

"Mas mabiti sigurong tumigil ka na sa pang-aaway ng mga estudyante dito, Tiffany. Walang patutunguhan ang ginagawa mong pag-aaway sa kanila." sabi ni Jerome na ikinatingin ko sa kanya dahil akala ko ipagtatanggol niya ang girlfriend niya.

"Bakit kinakampihan mo ang babaeng iyan kaysa sa akin?" inis na sabi ni Tiffany kay Jerome.

"Dahil mali ka. Para sabihin ko sa'yo, wala akong kinakampihan na kahit sino dahil mas papanigan ko kung saan ang tingin kong tama." seryosong sabi ni Jerome na ikinasama ng tingin ni Tiffany sa akin na tinaasan ko lang ng kilay.

"Anong meron dito? Hindi ba dapat ay lahat kayo ay nasa gymnasium dahil may importante akong sasabihin?" Napalingon kaming lahat sa nagsalita at nakita namin si Tito Benjamin na palapit sa amin. Agad akong bumeso sa kanya paglapit niya.

"Good morning, Tito." nakangiting bati ko.

"Good morning too, Hazelyn." bati ni Tito Benjamin pabalik. Muli siyang napatingin kanila Tiffany at sa mga kaibigan ko. "So, anong meron dito? Nag-away ba kayo?"

"Si Tiffany po ang nag-umpisa ng away dito, Mr Alonzo. Pupunta na dapat kami sa gymnasium kaya lang biglang sumulpot iyang si Tiffany at nagsimula ng away." sabi ni Amber.

"Miss Brilliantes totoo bang ikaw ang nag-umpisa ng away?" tanong ni Tito kay Tiffany. Nakita kong umiling-iling si Tiffany bilang sagot.

"You deny it. Lahat ng estudyante alam na ikaw ang nauna. Sinubukan mo pa akong sampalin kanina kung hindi ko pinigilan ang kamay mo," sabi ko. May lumapit sa aming isang estudyante na babae.

"Totoo pong si Tiffany ang nauna. Dumadaan lang po talaga sila Miss Candelaria kanina," sabi nung estudyante.

"All students, go to the gymnasium now. Wala namang nasaktan kaya wala namang dapat parusahan," sabi ni Tito at umalis na papunta sa direksyon kung saan ang gymnasium.

"Bwesit!" inis na sabi ni Tiffany at umalis na rin sa harap ko na ikinangiti ko.

"Let's go, guys," sabi ko at agsimula na kaming pumunta sa gymnasium.

"You're so beautiful today, Hazelyn, I mean you're always beautiful." nakangiting sabi ni Jerome na katabi ko. Napaiwas ako ng tingin. Feeling ko namumula na ako sa kilig na ewan ko. Bakit ako kinilig sa sinabi niya?

"T-Thanks," nauutal na sabi ko. Naman oh, ngayon pa ako nautal.

"Grabe ka, Hazel. Ang akala ko hindi mo na siya papatulan kaya pala pinaalis mo si Aaliyah," sabi ni Amber.

"Kaya pinaalis ko ang pinsan ko dahil ayokong makita niya na may kaaway ako dito. Isusumbong ako no'n kay Dad," sabi ko.

"Ibang Hazel 'yong nakita namin kanina, ha? Nagiging ibang tao ka pala kapag may kumakalaban sayo ng ganon," sabi ni Kath.

"Word lang iyon, pero mapanakit," sabi ni Sav.

"Aisst, kaya takot akong magalit, kilala ko kasi ang sarili ko. Oo, mabait ako pero kapag nagalit ako nag-iiba ugali ko. I can be mean or I will hurt you by words, nawawalan ng preno ang bibig ko kapag nagagalit ako. Kaya as much as possible, don't trigger me kasi in the first place, natatakot din ako para sa sarili ko kasi kaya kong makasakit using fatal and below the belt na mga words. My mouth gets really disrespectful when I'm mad that's why I always choose to stay silent rather than to fight back. I may be kind but one thing for sure is that I become so rude every time I reach my limits. Kaya huwag niyo akong gagalitin kung ayaw niyong makatikim ng masamang salita sa akin." seryosong saad ko na ikinatahimik nila.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon