CHAPTER 28: Plano
THIRD PERSON'S P.O.V.
KINAGABIHAN...
"SO, anong problema mo at nagyaya kang uminom?" tabong ng isa sa kaibigan ni Jerome na si Antonio.
"Wala." maikling sagot ni Jerome sabay tungga ng bote ng alak na ikinatingin ni Antonio at ng isa pang kaibigan ni Jerome na si Eric sa binata.
"Impossible. Kilala ka namin, Jerome. Hindi ka magyayang uminom kung wala kang problema. Ganito ka noong nahuling may katalik na ibang lalaki si Tiffany sa condo niyo." medyo may kalakasang boses na sabi ng isa pang kaibigan ni Jerome na si Eric.
Napatingin sa paligid si Jerome. Maingay at magulo ang lugar kung nasaan sila na tipikal lang sa isang bar. Maraming tao ang nagkakasiyahan lalo na ang mga kabataan at may ilan na katulad niyang na nagpapakalunod sa alak para makalimutan ang problema. Gusto niyang kalimutan ang problema o matanggal sa isip niya na ikakasal siya babaeng hindi naman niya mahal kaya ito siya nagpapakalunod sa alak baka sakaling umubra.
"Ikakasal na ulit ako." wala sasariling sabi ni Jerome bago muling tinungga ang bote ng alak na kalalapag lang ng bartender sa harapan niya at hindi ininda ang mapait na lasang gumuhit sa lalamunan niya.
"Wow! Nagkabalikan na kayo ni Tiffany kaya tuloy ang kasal?" tanong ni Antonio bago uminom ng alak.
"Hindi. Hindi ko na babalikan ang makating babaeng iyon. Never in my life." medyo may kalasingang sabi ni Jerome dahil kanina pa siya panay ng inom.
Napatingin sina Antonio at Eric kay Jerome dahil ilang oras na silang nasa bar simula ng yayain at nakailang bote na rin ng alak ang kaibigan nila at unti na lang ay bibigay na ito sa kalasingan, pero ngayon lang sila nakahanap ng tiempo para tanungin si Jerome kung bakit itong nagyayang makipag-inuman sa kanila na bihira lang gawin ng binata.
"So, sino ang babaeng pakakasalan mo? Wala kang nababanggit sa amin na may nobya ka na ulit at ngayon ay fiance mo na." nakangising sabi ni Eric kay Jerome.
"Hindi ko siya nobya dahil naipit lang ako sa sitwasyon kaya ko siya pakakasalan. Hindi ko siya mahal at pakakasalan ko lang siya para makuha ang mana ko." seryosong sabi ni Jerome at muling tumungga ng alak.
"Sino?" tanong ni Antonio.
"Si Hazelyn. Siya ang babaeng kailangan ko pakasalan para makuha ang mana ko galing kay Lolo." sabi ni Jerome na ikinatingin nila Antonio at Eric sa binata.
"Bakit mo siya pinoproblema at ang pagpapakasal niyo kahit tungkol sa mana lang ang namamagitan sa inyo? Hindi mo dapat siya pinoproblema dahil kung tutuusin ang swerte mo dahil ang babaeng mapapangasawa mo ay ang babaeng pinangarap ng lahat ng lalaki sa university na maging nobya o asawa nila pero ikaw. You see her as a problem!" hindi makaniwalang sabi ni Eric.
"Yeah, right. Ilang lalaki ang sumubok na manligaw sa kanya o maski kami ni Eric ay sinubukan siyang ligawan pero basted agad, samantalang ikaw na ipinakakasal sa kanya ay ayaw mo." sabi ni Antonio kay Jerome.
"Bakit hindi mo na lang subukan mahalin si Hazelyn? Hindi ka naman na talo sa kanya. Maganda, sexy, at mabait. She's a perfect woman for you to marry. Babaeng maihaharap sa lahat na may pagmamalaki. At isa pa, bagay kayo dahil may mga bagay na nagkakasundo kayo tulad ng pareho kayong nanalo sa Archery. Hindi rin tutol ang pamilya mo dahil siya nga ang kondisyon para makuha mo ang mana mo. Hindi tulad ni Tiffany, tutol ang angkan niyo sa kanya." sabi ni Eric na ikinatingin ng seryoso ni Jerome sa mga kaibigan.
"Hindi ko kayo inaya dito para manduhan ako sa kung ano ang dapat kong gawin sa buhay ko. You heard clearly, BUHAY KO. So, huwag kayong mangingialam dahil buhay ko ito at desisyon ko ang masusunod." seryosong sabi ni Jerome bago tumungga ng alak at pagkalapag ng bote sa bar counter ay napangisi si Jerome sa naisip na halatang lasing na ito dahil papikit-pikit na ang mga mata. "I'll make her life miserable. I'll annoy her, pester her, and give her a d*mn headache. Para siya na mismo ang lalapit sa Mamila niya para maghiwalay kami at hindi matuloy ang kasal o kung matuloy man ang kasal ay hindi kami magtatagal bilang mag-asawa." seryosong lasing na sabi ni Jerome na ikinatahimik nila Antonio at Eric bago napatingin sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
Storie d'amoreHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...