CHAPTER 57: Forever
MONTHS LATER...
"KAMUSTA ang pag-aayos niyo sa kasal ninyo?" tanong ni Mom habang kumakain kami ng breakfast.
Dalawang buwan na ang nakalipas simula ng asikasuhin namin ang kasal. Tapos na rin namin kausapin ang wedding organizer. Nakapili na rin kami ng simbahan ni Jerome. Tapos na namin asikasuhin lahat ng dapat asikasuhin para sa kaya relax na lang kami ngayon kaya may oras na kami para magdate bago kami ikasal.
"Tapos na kami sa pag-aasikaso sa kasal at na-dispatch na rin ang mga invitation," nakangiting sabi ko.
"That's good," sabi ni Mom bago ibinaba ang hawak niyang kubyertos at hinawakan ang kamay ko. "Grabe, dalawang linggo na lang ay ikakasal na kayo, Anak. I'm happy for you," naluluhang sabi ni Mom na ikinangiti ko.
"Mom, masaya ka ba talaga na ikakasal na ako?"
"Oo, masaya ako dahil ikakasal ka na sa lalaking mahal mo at makakasama mo na siya habang buhay," sabi ni Mom bago pinunasan ang mga luha niya.
"Bakit ka po umiiyak kung masaya ka? Dapat nakasmile lang tayo," nakangiting sabi ko.
"Tears of joy ito, Anak. Biruin mo ba naman, malapit nang ikasal ang nag-iisang anak ko," naluluhang sabi niya na ikinangiti ko bago tumayo at niyakap siya.
"Hi, Tita Chrizel! Hi Hon!" nakangiting bati ni Jerome na kakapasok lang dito sa dining room. Nagmano siya kay Mom at humalik siya sa noo ko.
"Oh, Jerome, kumain ka muna bago kayo umalis," sabi ni Mom kay Jerome.
"Hindi na po, kakatapos ko lang pong kumain," magalang na sabi ni Jerome kay Mom.
"Hintayin mo na lang ako sa sala, kakasimula ko pa lang kumain," sabi ko sa kanya pagbalik ko sa kinauupuan ko kanina.
"Okay," sabi niya bago lumabas ng dining room.
*****
NAKAKITA kami ng bench na nakatapat sa Bay kung saan makikita ang paglubog ng araw. Umupo kami ni Jerome doon. Nagulat ako ng biglang humiga si Jerome sa bench at ginawang unan ang hita ko. Nakita king ipinikit niya ang mga mata niya.
"Idlip lang ako saglit, Hon," sabi niya ng hindi dinidilat ang mga mata niya.
"Okay," sabi ko bago kinuha ang pocketbook sa bag ko at tahimik na nagbasa.
*****
JEROME'S P.O.V.
NAPADILAT ako at bumungad sa akin si Hazelyn na tahimik na nagbabasa. Bumangon ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Isang page na lang ay matatapos na niyang basahin ang libro.
Napatingin ako sa kanya ng isarado ang libro at nakita ko ang pagtulo ng mga luha mula sa asul niyang mga mata.
"Hon, bakit ka umiiyak?" tanong ko kay Hazelyn na napailing ng ulo at pinunasang ang mga luha niya.
"Kasi naman, eh. Kung kailan sila nagkita saka namatay iyong lalaki. Sobrang sakit, hindi ba? Ngayon lang ulit kayo nagkita ng taong mahal mo tapos iyon pala ang huli niyang paghinga dito sa mundo," umiiyak na sabi niya na ikinatawa ako bago siya niyakap. Kaya mahal ko itong babaeng ito. Kakaiba, pati ang mga novel books iniiyakan niya.
"Hindi sila magkakaroon ng ending dahil true love sila," sabi ko kahit hindi ko naman alam kung anong nangyari sa kwentong binasa niya. Humiwalay siya sa pagkakayakap ko at nagtatakang tumingin sa akin.
"Ha? Paano magiging true love iyon, eh, namatay nga si Boy. Sad ending nga, eh," sabi niya.
"For me, happy ending doesn't exist, because if it is true love. It will never end," nakangiting sabi ko. Nanatili siyang tahimik at nakatingin lang sa akin.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...