Chapter 45: Tiwala

55 0 0
                                    

CHAPTER 45: Tiwala

HAZELYN'S P.O.V.

"OKAY na kayo ni Kath?" tanong ni Jerome pagkatapos namin ibigay sa waiter ang order namin. Nakangiting tumingin ako sa kanya bago tumango.

"Yes, okay na kami. Ako na mismo ang unang kumausap sa kanya dahil hindi ko na kayang tiisin na hindi kami nagpapansin at nag-uusap." sagot ko na ikinangiti niya.

"Isa ka sa halimbawa ng mabuti at tunay na kaibigan. Dahil hindi kayang magtiis ng tunay na kaibigan ang hindi siya pansinin o kausapin ng kaibigan niya dahil kung hindi ikaw ang kusang gagawa ng paraan para ayusin ang hindi pagkakaunawaan niyo, isa lang ang ibig sabihin n'yon... Hindi ka tunay na kaibigan kahit gaano man katagal ang pinagsamahan niyo. You know, it doesn't really matter how it started or who's at fault. The important thing is to let each other know that things are okay between the two of you." paliwanag ni Jerome. Napangiti ako at tumango-tango.

"Tama. At isa pa, ang hirap makahanap ng kaibigan na katulad nila Kath dahil marami ng mapagpanggap na tao sa panahon ngayon. Iyong akala mong kaibigan mo pero siya palang mismong sasaksak sa'yo kapag nakatalikod ka na."

Pagkarating ng order namin ay nagsimula kaming kumain at siya ring paghari ng katahimikan sa pagitan namin Jerome. Paminsan-minsan akong sumusulyap kay Jerome na halata sa mukha nito na may gumugulo sa isip niya.

"May problema ba? May gumugulo sa isip mo?" pagbasag ko sa katahimikan na ikina-angat niya ng tingin sa akin.

"Wala." sabi niya pero hindi ako kumbisido. Binitawan ko ang hawak kong kubyertos bago pinagsalukap ang mga kamay na tumingin kay Jerome.

"Sige na, sabihin mo na sa akin. Baka makatulong ako." pangungumbinsi ko pero nanatiling tahimik siya kaya napabuntong-hininga ako ng may naisip na tao na sa tingin ko ay gumugulo sa isip niya. "It's about Tiffany? Ginugulo ka pa rin ba niya kaya siya nandoon sa opisina kanina? Pinipilit ka pa rin ba niyang makipagbalikan sa kanya?" sunod-sunod na tanong ko na ikinabuntong-hininga bago binaba ang mga kubyertos na hawak niya at hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa.

"Okay, I'll be honest with you because you're my fiancee. At responsibilidad ko na sabihin sa'yo ang mga problema ko at huwag maglihim sa'yo." napaseryosong sabi niya.

"Ano ba iyon? Kinakabahan ako." sabi ko na ikinapisil ng kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Tiffany is pregnant and she said that I'm the father of her baby. Pero hindi ako naniniwala sa kanya dahil hindi ako sigurado kung sa akin ba talaga ang bata dahil sa dami ng lalaking gumalaw sa kanya." seryosong sabi niya at napatiim bagang siya sa huling sinabi niya.

"M-May nangyari sa inyo? K-Kailan pa?" nautal na sabi ko at nagsisimulang mamuo ang iba't ibang emosyon sa loob ko pero pinipigilang kong ilabas dahil ayokong nag-break down sa harap niya.

Hindi ko kayabg may kahati ulit sa kanya. Unti-unti ko nang napapalitan si Kath sa puso't isip niya tapos may tyansang balikan niya si Tiffany dahil may anak sila.

"Hindi ko alam kung talagang may mangyari sa amin ng gabing iyon dahil nagising na lang ako na magkatabi kami sa kama at parehong walang suot na kahit anong damit."

"K-Kailan iyon?" tanong ko at unti-unting may namumuong luha sa mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Kinagabihan nang araw na binasa ang nilalaman ng testamento nila Lolo at Dadilo mo." sabi niya na ikinabagsak ng luha ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

Naramdaman kong tumayo siya sa kinauupuan niya habang hawak ang kamay ko na bahagya niyang pinipisil bago tumayo sa kaliwang ko kung saan nakabaling ang ulo ko at lumuhod gamit ang isang tuhod. Iiwas na sana ulit ako ng tingin sa kanya pero hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon