Chapter 5: His Girlfriend

438 144 0
                                    

CHAPTER 5: His Girlfriend

KINABUKASAN...

Habang naglalakad kami nila Kath papunta ng cafeteria ng may biglang sumigaw ng pangalan ko. Napalingon ako dahil pamilyar sa akin ang boses ng lalaking tumawag sa akin.

"HAZEL?!" nakangiting sigaw ng lalaki sa pangalan ko. Si Clarence pala.

Clarence Sevilla, isa sa dalawang lalaking bestfriend ko since first year high school at ang isa ay si PJ. Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko at nang makalapit ay bigla na lang niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. Haiyy! Itong lalaki talagang 'to, hindi pa rin nagbabago.

"Grabe ka, Clarence! Makasigaw at makayap ka ng mahigpit sa akin ay wagas, ha! Parang sampung taon lang tayong hindi nagkita ang dating, ha," biro ko kaya napahiwalag siya sa akin.

"Eh, sa namiss kita, eh! At saka ilang araw na tayong hindi nagkikita," sabi niya.

"Ay! Si Hazel lang ang namiss mo, Clarence, kami hindi?" nagtatampong sabi ni Mia.

Naging malapit na kaibigan rin kasi ni Clarence sina Kath since first year college dahil friendly person si Clarence na siyang nagustuhan ng mga babae dito sa University dahil lapitan rin kasi ñg babae iuong mokong na ito dahil sa tinataglay na kagapuhan. Tss.

Well, hindi naman maipagkakaila iyon dahil kabilang ang pamilya nila sa isa sa kilalang mayayaman na nagmamay-ari ng kilalang kumpanya sa bansa. Nakakahipnotismo kasi ng mala-tsokolate na kulay ng mga mata niya na bilugan ang hugis, matangos ang ilong, at kisable lips. Maputi rin ang kulay ng balat at matangkad pa.

"Syempre namiss ko din kayo, guys," nakangiting sabi ni Clarence sabay akbay kay Mia at Sav.

Agad na tinanggal ni Mia ang braso ni Clarence na nakaakbay sa kanya. Si Sav naman ay nag-iwas ng tingin pero hindi niya tinaggal ang pagkakaakbay ni Clarence. I smell something fishy. May hindi ba ako malalaman tungkol kanila Clarence at Savina?

"Tara na nga. Punta na tayo sa canteen, nagugutom na ako?" aya ni Sav at tinanggal ang pagkakaakbay ni Clarence sa kanya.

Napansin ko ang bahagyang pag-iling ng ulo ni Clarence at ang pagpaskil ng ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan si Sav na naunang maglakad.

"Anong problema ng isang 'yon?" tanong ko kay Clarence. Kibit-balikat lang ang isinagot niya sa akin at sa akin na rin umakbay. Hindi na ako nagtanong muli at pinagpatuloy na namin ang paglalakad.

Pagkapasok ng cafeteria ay nasa aming dalawa ni Clarence ang lahat nang attention ng lahat ng estudyanteng nasa loob ng cafeteria.

"Bagay talaga iyang si Ms. Candelaria at Mr. Sevilla. Sayang! May crush pa naman ako kay Mr. Sevilla. Bali-balita nga may relasyon silang dalawa dahil lagi silang magkasama pero ayaw nilang ipaalam sa lahat ng estudyante dito sa University," rinig kong sabi ng isang estudyanteng babae na ikinakilig ng mga kasama nitong babae na ikinaikot ng mga mata ko.

"Ang gwapo talaga ni Mr Sevilla. Swerte nang magiging girlfriend niya or let's say, ang swerte ni Ms Candelaria sa kanya," sabi ng isang babae na kasama ng unang babaeng nag-salita.

"Ayan na naman ang mga walang kapagurang bunganga ng mga chismosang estudyante dito. I'm sure, nasa headline na naman ng mga article ang pangalan ko at may dine-date 'raw' akong lalaki. Tss," napaikot ang nga matang sabi ko at umupo sa upuan kung saan ang table na nakareserba sa amin.

"Actually, meron na." Napatingin ako bigla kay Mia nang magsalita siya habang nakaharap sa cellphone niya.

"Anong meron na?" nakakunot ang noong tanong ko.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon