CHAPTER 18: Pagpapahalaga
"NANDITO ka na, Hazelyn. Welcome to my little palace." nakangiting sabi ni Jerome pagpasok ko sa loob ng bahay o mas tamang sabihin na mansion dahil masyado itong malaki para tawaging bahay.
Naka-dim ang light at magagaslaw ang mga ilaw na iba't ibang kulay kaya nagmistulang ang bar ang buong living room ng mansion. Marami na ang taong nagkakasiyahan habang may hawak na mga alak dahil lahat ng kakilala ni Jerome ay imbitado sa Victory Party niya. Nandito rin sila Kath para makisaya.
"Hindi ba magagalit ang Mama mo kapag nalaman niyang ginawa mong bar ang mansion niyo?" nakangiwing sabi ko dahil hindi talaga ako sanay sa maingay na lugar katulad ng bar kaya nga minsan lang kaming mag-bar nila Kath.
"Nakapangalan na itong mansion sa akin simula ng tumuntong ako sa tamang edad at dito tumira sa Pilipinas. So, I can do whatever I want in this mansion." sabi niya na ikinatango ko.
"Ikaw lang talaga mag-isa nakatira sa malaking mansion na ito?" tanong ko habang nililibot ng paningin ko ang buong mansion.
Two-storey modern mansion at base sa pagtama ng mga magagaslaw na ilaw sa salaming pader at furnitures ng mansion ay makikita ang black and white na theme. Halatang lalaki ang nakatira. Makikita rin ang mga nakasabit na litrato ni Jerome at ng pamilya niya sa dingding ng mansion.
"Oo." sagot ni Jerome sa tanong ko.
"Hindi ka ba nakakaramdam ng lungkot dahil mag-isa ka lang dito?"
"Oo, malungkot at nakakabaliw ang malaking mansion kapag ikaw lang mag-isa ang nakatira. Pero sa taong sanay nang mamuhay mag-isa, hindi na."
"Siguro doon na lang ako sa pool area ng mansion mo. Hindi ako sanay sa maingay na lugar." sabi ko bago kumuha ng isang boteng wine sa ibabaw ng center table at isang wjne glass.
"Okay, sige. Ituro ko sa'yo kung saan ang pool area." sabi ni Jerome.
"Kath, doon tayo sa pool area." sabi ko kay Kath ng makalapit ako sa kanya.
"Sige, tawagin ko lang sila Amber." sabi niya na ikinatango ko bago siya umalis.
Dumaan kami ni Jerome sa west wings ng mansion at lumabas sa double glass door. Napaawang ang bibig ko ng makita ang ganda ng pool area ng mansion ni Jerome.
It's a modern indoor pool area with led lights, may ilang indoor plants at may mga malalambot na sofa sa gilid ng pool. Kahit medyo madilim at tanging led lights na nanggagaling sa pool ang nagbibigay ilaw sa buong lugar ay makikita ang ganda ng lugar.
"Ang ganda. Masarap sigurong lumangoy diyan dahil sa ganda ng lugar." nakangiting sabi ko.
Nilapag ko sa gilid ng pool ang isang bote ng wine na hawak ko at ang wine glass bago tinanggal ko ang suot kong sapatos at umupo ako sa gilid ng pool. Nilubog ko ang dalawang paa ko sa tubig at dinama ang malamig na temperatura ng tubig.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...