Chapter 44: No Turning Back

54 0 0
                                    

CHAPTER 44: No Turning Back

HAZELYN'S P.O.V.

"Bakit mo siya sinampal?" seryosong tanong ko kay Kath sabay lingon sa kanya ng makarating kami ng Student Council Office.

"I take revenge for you. Hindi ko iyon nagawa noong araw na kinulong ka niya sa storage room dahil pinauwi na siya agad kaya ngayon ko lang nagawa ang mga bagay na gusto kong gawin sa kanya nang araw na muntik ka na niyang map*tay," naluluhang sabi ni Kath at nakikita ko sa mga mata niya kung gaano niya ako kamahal bilang kaibigan niya pero mali ang ginawa niya.

"Revenge? Kath, sa paghihiganti mong iyan ay muntik ka na ring mapahamak. Alam ko na dahil sa pag-aalala mo sa akin kaya mo nagawa iyon pero hindi mo dapat sinampal at sinabunutan si Tiffany. Hindi mo kailangan gawin iyon sa kanya dahil ang karma ang maniningil sa kanila sa lahat ng masamang ginawa nila." mahinahong saad ko.

"So, ano? Siya ang kakampihan mo? Kaibigan mo ako, Hazel! Kapatid na nga ang turing ko sayo, ang sakit sa akin na makita kang halos wala ng buhay habang buhat ka ni Jerome papunta sa clinic. Masakit makitang nahihirapan kang huminga nang araw na iyon. Ang sakit sa akin kapag nawala ka sa amin kung sakaling hindi nagawan ng paraan ni Jerome para mahanap ka. Hazel, ginawa ko iyon dahil mahal kita at kaibigan kita," tuluyang napaiyak na sabi ni Kath na ikinalunok ko para pigilan ang paglabas ng emosyon ko.

"Alam ko, Kath, kapatid na rin ang turing ko sayo at hindi ko gugustuhin na mapahamak ka. Pero sana inisip mo kung magugustuhan ko ba o hindi ang gagawin mo para sa akin. You are the Student Council Secretary pero ikaw pa pala ang nagsimula ng away--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang mapang-uyam siyang nagsalita.

"Na ano? Hindi ko dapat siya patulan, ha? Hindi ko alam kung kaibigan ba kita o hindi, Hazel? Kasi sa nakikita ko, mas pipiliin mong kampihan ang taong muntik ng p*m*tay sa'yo--" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Wala akong kinakampihan, Kath. Ginawa ko iyon kasi kaibigan kita, ginawa ko iyon kasi ayokong balang araw may mangyaring hindi maganda sa'yo nang dahil sa akin. At ginawa ko iyon kasi ayoko dumating ang panahon na pagsisisihan ko lahat ng hindi ko ginawa noong mayroon pa akong pagkakataon. Hindi ko makakalimutan ang ginawa sa akin ni Tiffany na muntik ko ng ikamatay pero hindi ko hahayaan na pati sa'yo ay mangyari iyon. Kaya please huwag na natin palakihin ito," umiiyak kong sabi sa kanya. "Mahal kita, Kath, hindi ko kayang ilagay sa peligro ang buhay mo nang dahil sa akin kaya inilalayo kita sa kanya. Sapat na ako na lang, huwag na kayong mga kaibigan ko." umiiyak na sabi ko na ikinaiyak niya.

"T*ng*na! Bakit ganyan ka? Bakit ang lambot ng puso mo? Bakit hindi mo magawang magalit sa kanila? Kaya ka napapahamak dahil sa bwesit na kabaitan mong iyan pero sana kahit minsan piliin mo kung sino o kaninong tao ka lang magpapakita ng kabaitan." umiiyak na sabi ni Kath bago dali-daling lumabas ng office.

Napahilamos ako sa mukha gamit ang palad ko at napaupo sa sofa ng mini living room nitong opisina. Muling bumagsak ang mga luha ko habang nakatakip ang mga palad ko sa mukha ko. Naramdaman ko ang paglapit at pag-upo ni Jerome sa tabi bago ko naramdaman ang mga palad niyang humahaplos sa likod ko.

This is the first time na may ganito kaming away ni Kath, nagkakatampuhan lang kami pero ang mag-away hindi. Ito yata ang una at matinding away namin ni Kath.

"Mali bang pagsabihan ko siya? Mali ba na inilalayo ko siya sa kapahamakan? Mali bang gawin ang bagay na sa tingin ko ay tama? Mali ba?" umiiyak na tanong ko. Tinaggal ni Jerome ang mga palad ko na nasa mukha bago pinatingin sa kanya kaya nagsalubong ang tingin namin.

"Hindi mali ang ginawa mo. Ginawa mo iyon dahil prino-protektahan mo siya at iyon ang sa tingin mong tama," sabi ni Jerome bago hinawakan ang mukha ko para punasan ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon