Chapter 65.2: Check-up

90 0 0
                                    

CHAPTER 65.2: Check-up

PASADO alas nuwebe ng gabi na kami ni Jerome nagising, dahil  pareho kasi kaming nakaidlip kanina at alas nuwebe na kami nagising.

"Hon, okay lang ba sa'yo na hindi kita pagtrabahuhin habang nagbubuntis ka sa baby natin? Ayokong ma-stress ka sa trabaho na makakasama sa inyo ni Baby." nanantiyang sabi ni Jerome habang nakaunan ako sa dibdib niya kung saan rinig ko ang pagtibok ng puso niya na ikinangiti ko bago nag-angat ng tingin sa kanya.

Wala siyang ibang bukambibig simula kanina kundi ako at ang baby naming nasa sinapupunan ko. Kaya hindi na ako nagulat ngayong patitigilan muna niya ako sa pagtra-trabaho. Ngayon pa lang nakikita ko na kung gaano kaalaga si Jerome sa akin at sa mga magiging anak namin.

"Okay, basta isasama mo ako sa kumpanya. Ayokong maiwan dito mag-isa sa mansion, ang lungkot at mas maii-stress ako dito kapag mag-isa at wala akong kausap." sabi ko na ikinatitig ng asawa ko sa akin bago ako napaseryosong tumingin sa kanya. "Don't worry, hindi ako magtra-trabaho sa kumpanya, babantayan lang kita at sisiguraduhin kong walang lalandi sa'yo o wala kang lalandiin. Mahirap na dahil sa gwapo mong iyan, impossibleng walang nagnanasa sayo at isa pa, baka palitan mo na ako dahil hindi na ako sexy sa mga susunod na buwan." seryosong dagdag ko pero napanguso sa huling mga sinabi ko.

"Hon, hindi kita papalitan. Ikaw pa rin ang pinakamaganda at sexy sa akin kahit lumaki pa ang tiyan mo dahil kay Baby." masuyong sabi ng asawa ko sa akin na ikinaikot ng mga mata ko.

Ayaw pa aminin. Hindi na ako sexy katulad dati dahil malaki na ang pinagbago ng katawan ko at dinagdag ng timbang ko dulot ng pagbubuntis ko.

"Sinasabi mo lang iyan dahil iyan ang gusto ko marinig mula sa'yo at ayaw mong masaktan ang damdamin ko." nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Hindi, totoo ang sinasabi ko--"

Naputol siya sa sasabihin niya nang tumunog ang cellphone niya. Umalis ako sa pagkakahiga sa kanya bago niya kinuha ang cellphone niya sa side table.

"These idiots." sabi niya nang makita kung sino ang tumatawag sa screen ng cellphone niya.

"Sino 'yan?" kunot ang noong usisa sa kanya.

Ipinakita niya sa akin ang text ni Eric. Gusto makipag-video call n´on.

"Makipag-video call ka na. Baka importante." tulak ko sa kanya.

"Tsk!" asik niya pero sinunod naman ang sinabi ko.

"Ang tagal. Ibigay mo kay Hazelyn ang telepono. Hindi ikaw ang gusto naming maka-usap." rinig kong turan ni Eric sa kabilang linya.

"Anong kailangan ninyo sa asawa ko?! Galit pa rin ako sa inyo dahil sa ginawa ninyo kanina." galit na sabi ni Jerome sa kaibigan.

"Basta ibigay mo na.” sabi ni Eric sa kabilang linya at walang nagawa ang asawa ko kundi ang ibigay sa akin ang telepono.

Nakita kong magkasama si Eric at Antonio. Nagkatinginan silang dalawa bago magsalita.

"We're sorry, Hazelyn./I'm sorry, Hazelyn." magkasabay na seryosong sabi ng mga kaibigan ni Jerome na ikinangiti ko.

"It was really my fault, Hazelyn." pag-amin ni Eric. "I was just teasing your idiot husband--”

"Hey!" suway ko sa kanya.

"Sorry." he murmurs.

"Yeah, again, I'm sorry. Wala akong masamang intensyon nang sabihin ko iyon, Hazel. Binibiro ko lang...namin si Jerome dahil masaya lang kami na nagmahal siya ulit. Masaya lang kami na muli nang sumaya ang kaibigan namin. Alam ko...namin at mas lalong alam mo na siguro kung gaano ka kamahal ni Jerome. H'wag mo sanang pagdudahan ´yan. Matagal ng kinalimutan ni Jerome ang tungkol sa annulment thing ninyo dahil gusto na niyang makatotohanan. At kanina, biniro lang namin siya dahil gusto na niya kaming paalisin sa bahay ninyo. When in fact, we're just waiting for you because we want to taste your specialty again." senseridad na sabi ni Eric bago napangiti sa huling sinabi nito. Nakita kong inagaw ni Antonio ang telepono kay Eric.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon