Chapter 64: His Last Card

76 1 1
                                    

CHAPTER 64: His Last Card

JEROME'S P.O.V.

ILANG araw pa ang lumipas at awang-awa na ako sa asawa ko. Awang-awa na ako sa sitwasyon niya. Halos araw-araw siya nagsusuka tuwing umaga sa hindi ko malamang dahilan, minsan kapag hindi niya gusto ang pagkain na nakahain sa hapag. At mas gugustuhin niyang kumain na lang ng mansanas na pula at matamis.

Kapag tinatanong ko siya kung anong nararamdaman niya ay okay lang ang sagot niya, pero alam kong hindi siya ayos, hindi maayos ang pakiramdam ng asawa ko.

"What do you want to eat, Hon?" I asked her ngunit tanging mahinang pagharok lang ng asawa ko ang napakinggan ko. Nakatulog siya na nakayakap sa akin. "I love you, Hon." sabi ko at dahan-dahan siyang hiniga sa at kinumutan ang katawan nito. Hinalikan ko rin siya sa labi at sa noo.

Matapos kong masiguro na ayos lang ay umalis na ako sa kwarto at pumunta sa opisina ko dito sa mansion para gawin ang tambak kong trabaho. Dito na muna ako nagtra-trabaho sa mansion para mabantayan ko si Hazelyn dahil nag-aalala ako sa kalagayan niya.

Nagpa-check up na siya noong isang araw at nagpasama siya sa pinsan niyang si Aaliyah dahil may business meeting akong kailangan puntahan kaya hindi ko siya sinamahan. Ang sabi ng doctor sa kanya ay wala raw siyang sakit at dulot lang ng stress at pagod sa trabaho kaya pinag-leave muna siya ni Dad. At dahil ayokong iwan ang asawa ko sa ganoong sitwasyon kaya nag-request ako na dito na mag-trabaho dahil ayokong i-asa lahat sa biyenan ko ang kumpanyang pinamamahala na niya na sa amin ng anak niya.

*****

HAZELYN P.O.V.

DUMAAN ang mga araw at hanggang sa nag-isang linggo na lang ay hindi ko pa rin nasabi-sabi kay Jerome ang tungkol sa pagbubuntis ko. Talagang sinusubukan ko namang i-open sana ang ganoong usapin pero natatakot pa rin ako. Sinusubukan ko namang sabihin sa kanya na nagdadalang-tao ako kaso... kapag nasa harap ko na siya ay nawawala ang lakas ng loob ko. Kusang umu-urong ang dila ko kapag nasa harap ko na siya. At sabi nga rin ni Aaliyah noong nagkita kami noong isang araw ay dapat ko nang sabihin kay Jerome ang tungkol sa pagbubuntis ko bago pa mahuli ang lahat at sa iba niya pa malaman na paniguradong magagalit siya sa akin.

Ngayon ay nakatingin ako kay Jerome na mahimbing ang pagkakatulog sa tabi ko at ang kamay niya ay nasa loob ng t-shirt ko, nakalapat sa mismong tiyan ko Nasanay na ako doon. Noong una nakakakiliti pero kalaunan ay nakasanayan ko na. I'm already used to his hands inside my shirt and his palm on my belly. Ewan ko kung bakit gustong-gustong niya iyon.

Sinuklay ko ang buhok ng asawa ko. Magiging mabuti kayang daddy si Jerome? Ano kayang klaseng ama si Jerome kapag nagkataon? Magiging protective rin ba siya katulad ni Dad? At isa lang ang alam kong sagot sa mga tabing sa isip ko, mamahalin at aalagaan ng asawa ko ang anak namin.

Napatingin ako sa wallclock namin dito sa loob ng kwarto at napasimangot ako nang makitang alas tres pa lang ng madaling araw at nakaramdam na ako bigla ng gutom. Inaantok pa ako sa totoo lang pero nagugutom ako.

Hindi ko talaga alam kung napapansin na ni Jerome itong mga cravings ko. Pero isa lang ang alam ko, nagtataka na siya sa panay ang pagtulog ko at naguguluhan na sa pagbabago ng ugali at asal ko. At alam kong nagtataka na rin siya kung bakit mas lumaki ang tiyan ko dahil mas umbok siya kaysa noong nakaraang linggo.

Dahan-dahan kong kinuha ang kamay ni Jerome sa loob ng t-shirt ko. Maingat akong bumangon. Umupo ako sa paanan ng kama namin at napamasahe ako sa mata.

"Hon?" Nilingon ko si Jerome nang marinig ko ang paos niyang boses na tumawag sa akin. "Where are you going?" mahinahon niyang tanong. Lumabi ako sa kanya at bigla nalang nanubig ang mga mata ko. Muli kong hinaplos ang mata ko.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon