CHAPTER 2: Pagtatagpo
KINABUKASAN...
NGINITIAN ko ang tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong ko na tumitingin sa akin ng may ngiti sa labi at binabati ko pabalik ang mga estudyanteng bumabati sa akin.
Napatigil ako sa paglalakad ng magring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsang nasa loob ng black na uniform ko. Ang pang-itaas na uniform kasi namin white polo at black and red stripe na necktie na pinatungan ng black blazer with University logo sa tapat ng puso, ang pang-ibaba naman naming mga babae ay mini-skirt na black at sa lalaki naman ay black slack. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko para malaman kung sino ang caller at napakunot ang noo ko sa nakita ang pangalan ng tumatawag. Bihira lang kasi siya tumatawag sa akin.
"Hi, My Dear Niece. Good morning." pambungad ni Tito Benjamin pagkasagot ko ng tawag niya.
"Hello, Tito Benjamin. Good morning din po, bakit ka po napatawag?" tanong ko sa kanya sa kabilang linya at tumabi muna sa isang gilid para hindi ako makasagabal sa mga estudyanteng dumadaan.
"Nasa University ka na ba?"
"Yes po."
"Pumunta ka dito sa opisina ko. May pag-uusapan tayo."
"Okay po." sabi ko at ini-end na ni Tito Benjamin ang tawag.
Muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad ko pero hindi na sa classroom ang tungo ko kundi sa opisina ni Tito Benjamin dito sa University. Bukod kasi na siya ang may-ari nito, siya rin ang Dean ng University kaya kahit nasa iisang lugar lang kami ay bibihira kaming magkita. Hindi rin kasi ako madalas pumupunta sa opisina niya kung hindi niya ako pinapapunta dahil busy siyang tao. At isa pa ay walang kahit sinong nakakaalam na tiyuhin ko ang may-ari ng University maliban na nga lang sa mga kaibigan ko at secretary ni Tito Benjamin dahil ayoko ng special treatment.
"Good morning, Ms Candelaria." bati ng secretary ni Tito Benjamin pagkarating ko sa tapat ng opisina niya.
"Good morning rin po, Ate Andrea." nakangiting bati ko sa secretary ni Tito Benjamin.
"Pasok ka na sa loob, kanina ka pa hinihintay ni Mr Alonzo." nakangiting sabi ni Ate Andrea na ikinatango ko.
"Sige, salamat." sabi ko bago pinihit ang doorknob ng pinto ng opisina ni Tito Benjamin at pumasok.
Pagpasok ko sa loob ng opisina ni Tito Benjamin ay nakita ko siyang nakaupo sa silya niya. Nandito rin si Kath na nakaupo sa isang silya sa harapan ni Tito Benjamin at katapat niya ang isang lalaki na pamilyar sa akin pero hindi ko alam kung saan ko nakita o kung ano ang pangalan niya. Nang magtama ang tingin namin ng lalaki ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko kaya umiwas ako ng tingin dahil parang hihimatayin yata ako sa hindi ko malamang dahilan sa pagkabog ng mabilis ng puso ko.
"Good morning, Tito Benjamin." nakangiting bati ko at agad na lumapit sa kanya para bumeso. Wala na akong pakialam kung malaman ng lalaking ito ang tunay na kaugnayan ko kay Tito Benjamin.
"Good morning, Hazelyn." sabi niya.
"I miss you, Tito." sabi ko kay Tito Benjamin at yumakap sa kanya na ikinatapik niya sa balikat ko.
"I miss you too, Hija." sabi niya bago ako humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.
Umupo ako sa upuang kanina inuupuan ni Kath na malapit sa table ni Tito Benjamin dahil lumipat siya ng humiwalay ako ng yakap kay Tito Benjamin.
"Bakit mo po ako pinapunta dito, Tito? And why Kath is here and this man?" tanong ko kay Tito Benjamin.
Tinignan ko ang lalaki mula ulo hanggang paa at muling bumalik pataas. Nakataas ang kilay ko ng makita ko ang salubong niyang kilay at ang walang emosyon na kulay abo niyang mga mata. Maputi ang kulay ng balat na halatang may lahing banyaga na katulad ko, medyo may kahabaan ang kulay itim niyang buhok na parang katulad sa mga Koreano sa K-Drama pero kahit ganoon ay nasa ayos iyon, pantay na kilay, bilugan ang hugis ng mga mata, matangos ang ilong, at perpektong sukat ng mapupulang labi.
BINABASA MO ANG
Our Playful Destiny [COMPLETED]
RomanceHazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highschool. The girl who has no interest in having a relationship with any man except the man her family...